Derrick's POV
Nagtext sa akin si Joyce. Pinapupunta ko sa bahay nila. Gabi na, bakit kaya? Namiss niya ko agad? Haha. Agad-agad naman akong pumunta. Andun siya sa terrace nila.
Derrick: Namiss mo ko agad? ^______^
Joyce: Anong miss ang sinasabi mo dyan.
Derrick: E bakit mo ko pinapunta dito? ^____________^
Joyce: Si Kris e. 'Di man lang siya tumawag or nagtext. Di man lang siya nagpakita ngayong araw. Alam mo ba kung nasa'n siya?
Napasimangot ako. Akala ko naman ako, si Kris pala -____-
Derrick: Baka naman nasa bahay niya lang 'yun.
Joyce: Wala daw e. Pumunta na ko dun kanina. Umalis daw siya kaninang umaga e tapos hanggang ngayon di pa rin siya bumabalik. Gabi na oh..
Derrick: E bakit ka ba nag-aalala? Hindi na siya bata. Saka lalake siya. Kaya niya 'yung sarili niya.
Joyce: Ano ka ba. Kaibigan natin siya, syempre nag-aalala ako. Baka kung napano na 'yun.
Derrick: Kaibigan? Talaga lang ha. Kung mag-alala ka kasi daig mo pa Nanay niya.
Joyce: Anong ibig mong sabihin?
Derrick: Wala..(paalis na)
Joyce: San ka pupunta?
Derrick: Uuwi na.
Joyce: Teka.. hindi mo sasamahang maghanap?
Derrick: May choice ba ko? Lika na nga.
Syempre tumakas lang kami ni Joyce. 'Di kami papayagan paalisin kasi gabi na. Kanina pa namin kinocontact si Kris kaso cannot be reach lagi. Nag-ring kanina pero di naman sinasagot. Pumunta kami sa mga pwede niyang puntahan pero wala daw dun. Asan na ba yung mokong na 'yun?
Derrick: Uwi na tayo. Baka naman umalis siya o ano. 10 pm na oh..
Joyce: E pano na? 'Di pa natin nahahanap si Kris e.
Derrick: Asan na ba kasi 'yun? Hayaan na natin!
Joyce: Ano bang sinasabi mo? Hoy! Bestfriend natin 'yung nawawala!
Derrick: Paano ka ba nakakasigurong nawawala siya ha?
Joyce: Ano ba? Nawawala man o hindi, kailangan natin siyang mahanap! Mas maganda na 'yung nakakasigurado tayo.
Derrick: Bakit ba ganyan ka kung mag-react ha? Siguro mahal mo pa siya higit sa akin noh?!
PAK!
Sinampal ni Joyce si Derrick.
Joyce: Ano bang nangyayari sa'yo ha?! Bakit ganyan 'yung lumalabas sa bibig mo?!
Derrick: Galit ka? Ano? Iiwan mo na ko? Babalikan mo na siya?
Joyce: Rick...Hindi yun ang ibig sabihin ko.
Derrick: Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo sa akin. Kung saan mo gusto dun ka kasi dun ka mas sasaya.
Naglakad na paalis si Derrick. Hindi naman siya pinigilan ni Joyce. Naiintindihan nito na kailangan niyang mapag-isa.
Alam ko gumawa ako ng bagay na pagsisihan ko.. ang papiliin siya. Natatakot ako. Hindi ako sigurado na pipiliin niya ako. Hindi ko kayang mawala siya. Kanina lang ang saya namin .. bakit naging ganito?
Joyce's POV
Ipinagpatuloy ko pa rin ang paghahanap kay Kris kahit mag-isa lang ako. 11:30 pm na nung naisipan kong umuwi. Tumatawag na rin kasi si Manang Lita (yaya ko). Pagkauwi ko, nadatnan kong natutulog si Manang sa terrace. Nakatulog siguro kakahintay sa akin.
Joyce: Nay..Nay..
Nay ang tawag ko sakanya kasi siya na rin ang tumayo kong nanay , at pati na rin siguro tatay.
Joyce: Nay.. pakibukas na ho 'yung gate. Nay..
Manang Lita: Naku Joy, anjan ka na pala. San ka ba galing ha?
Joyce: Ah.. dyan lang po.
Manang Lita: Tinanong ko si Dek kanina kung asan ka, ang sabi niya 'di daw niya alam. May problema ba kayo ng kasintahan mo?
Joyce: Nay wala po.
Manang Lita: Sigurado ka? Sa susunod wag ka ng uuwi ng late ah. Delikado na. Halika kumain ka na.
Joyce: Hindi na po. Inaantok na po ako... siya nga po pala. Anjan na ho ba si Kris?
Manang Lita: Hinahanap nga siya ng Mommy niya dito kanina. Ang sabi ko wala naman dito. Hindi pa rin alam kung asan na 'yung batang 'yun.
Joyce: Po? Naku..Sana naman mahanap na siya.
Hindi pa rin pala siya nakakauwi. Kris asan ka ba? Sana naman walang nangyaring masama sayo....
Joyce: Sige po Nay. Pahinga na po tayo.
Pumunta na ko sa room ko. Hindi ako makatulog. Iniisip ko lahat ng nangyari ngayon. Nalilito na ko. Ano bang uunahin ko? Sino? Ang daming nangyari ngayon. Hindi ko na ata kaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1158382-288-k434142.jpg)
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin.. Again?
Fanfiction"Nasa huli ang pagsisisi" 'yun ang sabi nila. But there's always a second chance right? To make things better. Maibibigay kaya ang chance na ito para sa kanya? O huli na talaga ang lahat para pagsisihan niya?