Joyce's POV
Napakaweird ng pakiramdam ko. Bigla na lang akong nawalan ng gana after nung lunch. Ewan ko ba. Dahil ba nalaman kong may girlfriend na si Kris? .. hmm.. di naman siguro. 'Yun din naman ang gusto naming mangyari. February na pala . . isang taon na din pala ang nakalipas simula 'nung naghiwalay kami ni Kris. HAHA Grabe lang? Naalala ko pa. Okay na 'yun. Good memories will be saved na lang. Nakapagmoved-on na din kami....siguro.
"You may now go home"
One of the best words from teacher, right? Sa wakas. . . makakapagpahinga na rin. Nanghihina na kasi katawan ko e. Gusto ko na ding makita si Rick.
Joyce: Tara na puntahan na natin si Rick.
Kris: Kanina pa siya sa labas noh at ikaw kanina ka pa tulala! Kung ano-ano na namang pumapasok sa utak mo.
Joyce: Pakelam mo! Tara na nga!
Bad mood na talaga ko e.
Lumabas na sila ng classroom.
Joyce: Ba't andito ka? Sabi ko naman sa'yo e hintayin mo na lang kami sa gate.
Derrick: E namimiss na kita e, kaya pumunta na ko dito.
Joyce: Sus! May pamiss-miss ka pa dyan. Tara na nga.
Derrick: Eto naman oh, naglalambing lang e.
Kris: Ang langgam dito.. grabe!
Joyce: Weh? Nakita niyo ba si Jhake?
Derrick: Hindi e?? Bakit? 'Di pa ba kayo nagkakausap?
Kris: Huh? Teka..teka..teka. Ano bang nangyari ha?
Kinuwento ni Joyce 'yung nangyari.
Kris: Kaya pala hindi kayo nag-uusap sa classroom kanina.
Joyce: 'Yun na nga e. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, natatakot ako baka lalo lang siyang magalit.
Derrick: Nagtampo lang siguro 'yun.
Joyce: Sana nga. 'Di kasi ako sanay 'pag ganito. Kasalanan ko 'toh.
Derrick: (hugs Joyce) Wala kang kasalanan, okay? Hindi lang kayo nagkaintindihan, konting tampuhan lang 'yan. Maayos din. (smiles)
Joyce: (smiles) Thanks.
Kris: Nu ba yan? Sobra na 'toh ah. Puno na ko ng pantal dito pre. Sweet niyo e. Uwi na tayo.
Derrick: Panira e noh? Tara na.
Derrick's POV
Sabay kaming tatlong umuwi (as usual) Napagtripan naming maglakad para maiba naman. Tinakasan namin 'yung sundo namin. Bahala na siyang maghanap sa amin dun! ^__^
Joyce: Grabe. Pagod na ko.
Kris: Ni wala pa nga tayo sa kalahati e pagod ka na?
Joyce: E ang bigat kaya ng mga books ko noh!
Kris: Akin na nga. Ako na magdadala. 'Wag ka ng tumanggi, matatalo ka lang. Pwede naman kasing iwanan 'toh sa locker diba?
![](https://img.wattpad.com/cover/1158382-288-k434142.jpg)
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin.. Again?
Fanfiction"Nasa huli ang pagsisisi" 'yun ang sabi nila. But there's always a second chance right? To make things better. Maibibigay kaya ang chance na ito para sa kanya? O huli na talaga ang lahat para pagsisihan niya?