Kris' POV
Hay naku. Ang tagal naman ni Derrick. As usual . . lagi siyang huli. Napaka-akward tuloy dahil kami lang ni Joyce ang magkasama dito sa canteen. Tsk. Ang tahimik niya. Nakakapanibago. May problema kaya siya? Ano bang gagawin ko? Kausapin ko na nga.
Kris: Uy Joyce.
Joyce: Oh?
Kris: May problema ka ba? Pansin ko lang tahimik mo ngayon e.
Joyce: Wala.
Kris: Weh? Sigurado ka?
Joyce: Yup.
Kris: Sinong niloko mo? Kung wala e ba't parang nalugi ang itsura mo? Sabihin mo na. Sige ka baka mabaliw ka nyan, ayaw mo kasing i-share 'yang problema mo.
Tumingin siya sa akin at nginitian ako. 'Yun na ang pinakamaganda at perpektong ngiting nakita ko... 'yung ngiting halos mabaliw ka na 'pag nakita mo.
Joyce: Loko-loko ka talaga. Umorder na nga tayo. Mukhang matatagalan pa si Rick e.
Kris: Sige na nga.
O-order na sana sila ng biglang dumating si Rick.
Derrick: Uy sorry ha. May inasikaso pa kasi ako. Kumain na ba kayo?
Joyce: Ok lang. O-order pa lang sana kami e. Ang pawis mo naman.. napagod ka ba? Halika nga dito.
Kumuha siya ng bimpo sa bag niya at pinunasan si Rick.
Derrick: Salamat. Buti na lang ikaw ang naging girlfriend ko. Maganda na, mabait pa. I'm the luckiest man ever!
Joyce: (ngumiti) Sus! Nagkaroon ka lang ng taga punas, luckiest man ka na nun?
Derrick: 'Di ganun. Swerte ako dahil mahal na mahal ako ng girlfriend ko.
He kissed Joyce on her cheeks.
Masaya naman ako para sa kanila . . pero honestly nagseselos ako. Lagi na lang akong nagsisisi sa nagawa ko kay Joyce . . na hindi ko man lang siya pinaglaban noon. Siguro, tatanggapin ko na lang ang katotohanan. Wala na talagang pag-asa e. Mukha namang masaya na siya at sigurado akong hindi siya masasaktan ni Rick.
Joyce: Uy! Nakapoints ka ah.
Derrick: Naman! Ganti ka na lang. So? Tara na. Let's order.
Joyce: Opo Sir.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Natapos na silang kumain.
Joyce: Rick, pasok na kami ha.
Derrick: Teka lang. Aalis ka na agad? Ayaw mo na ba akong makasama?
Joyce: Gusto syempre. E baka ma-late kami sa next class e.
Nakaka-OP nga naman talaga. Baka nga talagang kailangan ko na ng bagong girlfriend? Parang panira kasi ako sa kanila. Imbis na sila lang ang magkasama. . . nakikiepal pa ko.
BINABASA MO ANG
Let The Love Begin.. Again?
Fanfiction"Nasa huli ang pagsisisi" 'yun ang sabi nila. But there's always a second chance right? To make things better. Maibibigay kaya ang chance na ito para sa kanya? O huli na talaga ang lahat para pagsisihan niya?