Chapter 5 My Bestfriend

534 10 5
                                    

Lexi's POV

               Sa tingin ko wala na namang klase. Wala pa 'yung teacher namin e. Sabagay . . sino ba namang gugustuhin pang pumasok sa room na 'toh? Maingay, magulo at mga pasaway ang nandito. Ba't kasi napasama ako dito? Haha.. Obvious naman e.. 'Di ako ganun katalino. Malapit na pala ang Graduation.. makakagraduate kaya ako? Hayy.. Saka.. Magkakaboyfriend pa kaya ako? Parang hindi. Tsk! I'm still NBSB! Bakit ganun? I'd tried everything.. using make-ups, wear fashion gears, change my attitude, go on blind dates and even buy those lucky love charms and stuffs but still useless. Hindi ba talaga ako ganun ka-attractive o love is not really meant for me?

"Kanina ka pa nakasimangot jan. Ano bang iniisip mo?"

                 I looked up. Si Barbie pala. Nga pala . . siya ang bestfriend ko. 

Lexi: Wala naman. Naiinip lang ako.

Barbie: Sus. Naglihim ka pa. Halata naman e. Tungkol 'yan sa love noh?

Lexi: Oo e. Lagi naman e.

Barbie: Sabi naman sa'yo e. Just wait. Dadating 'yan in the right time. Saka Lex.. remember.. studies first.

Lexi: Studies first ka dyan. E ikaw nga po oh, may Josh na. 

Barbie: Kahit na.. Atleast hindi nakakasagabal sa pag-aaral ko. E ikaw? Halos na-failed mo na lahat ng exam sa kakaisip jan.

Lexi: Uy hindi ah! Pasado naman kahit papano.

Barbie: Pasang-awa!

Lexi: Oo na. Grabe ka. Nagtataka talaga ako bakit naging bestfriend kita. 

Barbie: Syempre.. cute ako. Saka ano ba? 'Di mo dapat prinoproblema yan. Baka pumangit ka nyan.

Lexi: Siguro nga. It's not already time for that. Thanks Sis.

Barbie: Wala 'yun. Nga pala.. nakita kita kanina ah.. kasama mo 'yung si Derrick.. 'Yung sa kabilang room.

Lexi: Anu naman? Sumabay lang ako sa kanya since magkatabi lang tayo ng room saka kaibigan ko 'yun.

Barbie: Sus! Alam mo Sis.. may nafe-feel ako e. Bagay kayo.

Lexi: Loka ka. Tigil-tigilan mo ako sa mga ganyan. Saka diba kakasabi mo lang? Studies first. 

Barbie: Malay mo ito na pala 'yung right time?

Lexi: Hilo ka ba? May girlfriend 'yan noh.

Barbie: Oh de agawin mo?

Lexi: Uy! Manahimik ka nga dyan. 'Di ko gawain 'yun noh.

Barbie: Oo na. Halika ka na nga. Mag-lunch na tayo.

Lexi: Lunch na ba? Ang bilis naman?

Barbie: Aayain ba kita kung hindi pa?

                Nga naman Lexi. Common sense naman jan. Ang bilis naman ng oras.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Joyce' POV

               Grabe.. Andaming pinagawa sa amin. Sasabog na ata utak ko. Konti na lang naman.. gragrauate na din! Sa wakas. Nga pala, lunch time na. As usual kasabay ko 'yung dalawa kong bodyguard. Haha.. Joke lang. 

Kris: Anong ngini-ngiti mo jan? Dalian mo na. Nagugutom na ko e.

Joyce: Opo. Eto na nga po oh. Tara na po.

Kris: Ba't ba kasi ang dami mong dala? Iwanan mo na lang jan 'yan.

Joyce: Ayoko nga. Baka may mawala pa dito e.

Kris: Akin na nga. Ako na magdadala ng libro mo.

Joyce: Hindi. Ako na lang. Kaya ko naman e.

Kris: 'Wag ka nang magsalita ako na.

Joyce: Sige na nga.

                      Hanggang ngayon gentleman pa din siya. Kaya nga minahal ko siya e.. kahit na masungit at suplado siya.. lumalabas pa din 'yung sweet side niya. Kaya hindi nakakapagtakang maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya... at panigurado napakaswerte ng babae na mamahalin niya. Nasa kanya na lahat e. Ideal guy kumbaga.. minus 'yung pagiging suplado niya. Mahal pa kaya niya ako? Teka! Ano bang sinasabi ko? Hello? May boyfriend ka Joyce. Kung anu-ano na namang pumapasok sa utak mo. Masaya na kayo ni Derrick at siya lang ang lalaking mahal na mahal mo.

Kris: Oh tameme ka jan? Lumakad na po kaya tayo. Panu tayo makakapunta sa canteen kung naka-standby lang tayo dito?

Joyce: Opo Boss.

                         Minsan hindi ko talaga maintindihan kung bakit napatawad ko pa 'tong lalakeng 'toh.. sa kabila ng nagawa niya sa akin noon. Siguro . . . nanghihinayang lang ako sa friendship namin at 'yun lang yun. Wala ng iba pang dahilan.. at masaya na ako sa mga nangyayari ngayon. Si Kris ang bestfriend ko at si Derrick ang boyfriend ko.

Let The Love Begin.. Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon