Chapter 9 Super Seven

392 6 2
                                    

Derrick's POV

                    Napaaga ako ng gising ngayon. HAHA Ewan. Good mood ako e.  ^__^ Angal? After kong gumayak  pumunta na ko sa bahay ni Joyce. Nagdoorbell ako, lumabas 'yung yaya nila. Tinanong ko kung asan siya, 'di daw niya alam. Anong klaseng yaya 'toh? HAHA xD Tinawagan ko si Joyce, buti sinagot niya agad. Ang sabi niya sakin nagpapahangin daw siya sa labas?? Ano namang nainom nun kay aga aga e nagpahangin?? May aircon at electric fan naman siguro diba? Pupuntahan ko sana siya kaso 'di naman niya sinabi kung asan siya at pauwi na rin daw naman siya. So hinintay ko na lang siya..after few minutes. Andito na siya.

Derrick: Ang ganda mo naman Miss. Anong pangalan mo?

Joyce: Sira. Oh, napaaga ka ata? Hindi pa ko nakakagayak e.

Derrick: Wala lang. Gusto na kitang makita e. Miss you. (hugs Joyce)

Joyce: Ganun? E kapitbahay lang tayo noh. Parang kaytagal natin 'di nagkita ah. Sige gayak muna ko ha. Lika sa loob.

Derrick: Sige. Dito na lang ako sa labas.

Joyce: Sigurado ka?

Derrick: Oo naman. Sige na dalian mo na.

Pumasok na si Joyce sa loob ng bahay nila. Naiwan naman si Rick sa labas. Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas na din si Joyce. Medyo magulo pa ang buhok nito.

Derrick: Ano naman bang bagyo ang dumating sa'yo?

Joyce: Sorry naman po. Nagmamadali lang.

Derrick: Biro lang. Tara na.

Sakto namang dumating si Kris.

Kris: Hoy! Hoy! Kayong dalawa ah. Iiwan niyo na naman ako.

Joyce: Hindi ah. Tara na nga.

Mabilis naman silang nakarating sa school nila dahil medyo malapit lamang ito.

Joyce: Rick. Pasok na kami ah.

Derrick: Hatid na kita? Maaga pa naman e.

Joyce: Hindi na. Ayan na pala si Lexi e.

Lumapit sila kay Lexi.

Joyce/Lexi: Soulsis! (hug)

Kris/Derrick: Soulsis?!!

Joyce: Oo! Anong masama dun?

Kris: At kelan pa kayo naging close?

Lexi: Kagabi lang.

Kris: Kagabi? Paano? Bilis ah.

Derrick: Buti naman nagkasundo kayo agad.

Joyce: Of course! (smiles)

Lexi: Sino ba namang 'di maaliw kay Joyce. Kaya siguro ang bilis namin naging close dahil pareho kami ng ugali, bukod pa dun, pareho pala kami ng birthday.

Joyce: Tama! 

Kris: Oo, tama na 'yan at pumasok na tayo.

Hindi na hinatid ni Derrick si Joyce dahil sabi nito huwag na raw dahil kasabay naman nito si Kris. Sabay naman sila ni Lexi. Nung Recess at Lunch Break naman, kasama na rin nila si Lexi dahil wala siyang kasama dahil kasama ni Barbie si Josh. Naging sobrang close na ni Joyce at Lexi. Bukod kasi sa pareho sila ng ugali, marami silang napagkakasunduan. Si Kris at Derrick naman, napagtritripan na rin si Lexi. Nang mag-uwian naman, nahiwalay na si Lexi. May sariling sundo kasi ito kaya nauna na siyang umuwi. Ang magbebestfriends naman, syempre sabay-sabay sila.

Kris' POV

                 Kalog din naman palang kasama si Lexi e. Akala ko puro siya daldal na lang e. Nakakatuwa naman at naging close agad silang dalawa ni Joyce. Akalain mo nga naman 'yun at pareho sila ng birthday. 

Joyce: Ang bilis naman ng araw na 'toh.

Derrick: Oo nga e. Ang saya-saya pa naman kanina.

Joyce: Mas masaya sana kung kumpleto tayo.

Kris: Oo nga pala noh. Absent siya kanina.

                       Kabarkada din namin si Jhake. Ang totoo niyan, may gusto siya noon kay Joyce dahil 'di niya pa alam na magpinsan sila at hindi siya nerd noon. Siya nga ang Campus Crush / Mr.Perfect noon. Hindi ko nga alam kung bakit nagtransform siya sa pagiging weird. Bukod sa kanya, mayroon pa kaming ibang kabarkada,si Kathryn at  sila Alden at Louise -- sila 'yung loveteam ng barkada at kami rin ni Joyce dati. Wala na akong balita sa kanila. Simula kasi 'last two years hindi na namin sila ma-contact. Bigla nalang silang naglaho. Dun na rin nawala 'yung barkada namin -- 'yung SUPER SEVEN. Si Louise, Joyce at Kath ang nakaisip niyan. Dahil pito (7) daw kami -- Ako, Joyce, Rick, Jhake, Kathryn, Alden at Louise. Nagstart 'yung barkada namin 'nung Grade IV (4) kami. Transfer sila nun. Dun namin sila nakilala. Namimiss ko na rin sila lalo na 'yung mga kalokohan namin.

Derrick: Imposible naman atang mabuo pa tayo... 'yung Super Seven.

Kris: Ano ba yan. Malungkot na naman tayo. Parang walang araw na 'di tayo malungkot ah.

Joyce: Babalik sila. Ano ba kayo. Mabubuo uli tayo. Sa ngayon, ayusin muna natin 'yung kay Jhake. (smiles) 

Derrick: Tama. Hinay-hinay lang tayo.

                             Alam naman namin, maaaring hindi na sila babalik . . pero hindi pa rin kami nawawalan ng pag-asa. Mabubuo ulit kami. Babalik uli 'yung dati. Sa ngayon, may iba pa kong pinoproblema . . paano na 'yung  date namin ng fake and invisible girlfriend ko at ng dalawa kong bestfriend? Umamin na lang kaya ako?

Maayos namang nakauwi ang tatlo sa kani-kanilang tahanan. 

------------------------------------------------------------------------------------

AN: Thank You po sa mga fans, votes and reads :)

Let The Love Begin.. Again?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon