Chapter

633 14 2
                                    

Chapter: What happened?

*tik-tila-ok!!*

Napabalikwas naman kaagad ako ng gising... Teka? Asan ako??? Parang pamilyar itong kwartong ito ahh...

Lumabas naman ako kaagad at nakita ko si Kuya Justin na bagong gising.

"Kuya"

"Oh" sabi nya na medyo inaantok pa...

"Nasaan tayo??" tiningnan naman nya ako mula ulo hanggang paa

"Hindi mo alam?? Bangasan kaya kita dyan, hindi mo alam ang bahay natin?"

"Bahay natin? Saan??"

"Hayyyst! Bahala ka nga.." sabi pa nya na medyo naiinis at bumaba na sa salas

Pagkababa ko nakita ko sina Mama at Papa, kumakain na ng umagahan...

"Oh Cedz?" sabi sa akin ni Papa nang makita niya ako...

"Pakitawag naman sina Jasmine at Stevilson para sa umagahan"

"Ahh.. o-okay?" sabi ko at umakyat na ako paitaas

Anong meron?? Di ba dapat nasa Mexico kami? Si Lolo at Lola??

*tok!tok!*

Kinatok ko na parehas ang kwarto nila Stevilson at Jasmine at sinabihan sila na bumaba na para sa breakfast. Nang makababa na si Stevilson, hinigit ko si Jasmine..

"Bakit Kuya??" sabi nya na medyo inaantok pa

"Anong nangyari??" tanong ko

"Saan??"

"Sa Mexico! Di ba nandun tayo?"

"Huh?? Pumunta tayo kay Lolo??"

"Oo! Tama! Kay Lolo nga!"

"Oh? Tapos??"

"Bakit tayo nandito ngaon sa bahay??"

"Kasi dito tayo nakatira? Hello?? Kuya asan ka? Hindi ko alam kung ako ba yung tulog dito o ikaw?" papaalis naman sana siya nang hilahin ko siya ulit

"Arghhhh.... *roll eyes*"- Jasmine

"Okay, sorry. This is a little bit weird"

"A lot actually -__-" - Jasmine

"Ang naaalala ko ay nasa Mexico tayo, we were ambushed ang dragged to a place na pasimuno si Lola"

"Ahhh... napakagandang panaginip Kuya at hindi na ako interesado. Seriously?? Are you out of your mind?? Kagagaling mo lang sa America for business matter and now you are talking nonsense. Pshh.."

Napasabunot na lang ako sa ulo ko, ha?? Ano bang nangyayari sa akin? Pagkababa ko naman sa salas ay kumakain na silang lahat at umupo naman ako sa tabi ni Kuya Justin.

"So, Cedz kamusta ang business natin sa America?" tanong ni Papa

"H-ha?? Po ahh.. okay lang naman po" I guess?? Kumunot naman ang noo ni Papa..

"Sigurado ka?? Mukhang di ka okay anak?" Naku po, ano na lang sasabihin ko?

"Pa, kagagaling lang niya sa flight baka nahihilo pa. Cedz you can rest if you want" sabi ni Mama

"Yeah, I think a lot of rest Mama. Medyo weird ngayon si Kuya ehh" sangat ni Jasmine -___-

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may kumatok sa pintuan. Nagkatinginan naman kaming lahat at may kasambahay na nagbukas ng pituan. And like a ray of sunlight... lumbas doon si Stella, looking fresh and mysterious as always...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's my Butler!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon