Ako si "Kia Maine Dei Mendoza", 19 years old solong anak lamang ako at ulila na sa magulang. Kasama kong lumaki ang dalawang pinsan ko na sina Valeen at Patricia magkaka edad lang naman kami at dito kami naka-stay sa mansion nila Lola. Mababait naman ang Lola namin iyon nga lang wala sila dito naiwan sila sa New York City. Mula ng mawala ang magulang ko dahil sa isang aksidente pinauwi niya kaming 3 dito sa Pilipinas para daw madali ko matanggap na wala na sila. Pinasama niya ang 2 pinsan ko para daw may magbabantay sa akin. Mag flashback muna tayo.
*FLASHBACK*
Noong birthday ko dapat mamasyal kami sa Hongkong, dahil iyon ang request ko sa kanila. Halos lahat ng gusto ko nasusunod dahil solong anak lang naman ako. Kaya laking tuwa ko noong pumayag sila. Dumating ang araw ng birthday ko at iyon din ang araw ng pag-alis namin papuntang Hongkong. Grabe ang saya ko ng araw na iyon dahil kasama ko sila. Kaso nagkaroon ng problema na hanggang ngayon hindi ko pa din nakakalimutan. Habang papunta kami sa airport ng family ko ang saya pa namin hanggang sa hindi inaasahan nawalan ng preno ang kotse namin. Bumangga kami sa isang truck na kasalubong namin. Ako lamang ang nakaligtas dahil itinulak ako ng Mommy ko palabas ng kotse. Siguro 3 years na din ang nakakalipas mula ng mangyari iyon pero para sa akin kahapon lang iyon nangyari. Mula ng mawala sila Mom at Dad hindi na ko muli pang ngumiti o nakihalobilo man lang sa ibang tao. Ayoko sa lahat ay ang ipapaalala pa nila ang birthday ko dahil naaalala ko lang ang parents ko.
*END OF FLASHBACK*
(Back to reality)
=Val=
"Pat, gisingin mo na si Dei may pasok pa tayo, ayoko malate." Utos ni Val kay Pat.
"Hala! ayoko masigawan. Ikaw na lang." Reklamo ni Pat.
"Ano gagawin natin?" Tanong ni Val.
Habang nag-iisip sila kung paano gigisingin ang dalaga ng hindi sila nasisigawan. Bigla naman lumabas ang katulong nila na si Ruby.
"Lady Pat at Lady Val bakit andito pa po kayo?" Tanong ni Ruby sa dalawang dalaga na nag-iisip kung paano tatawagin ang pinsan nila na ubod ng sungit.
"Hinihintay po namin si Dei." Sagot naman ni Val.
"Kasi mahuhuli na po kami." Sabat naman ni Pat.
"Ah.. Eh.. Mga Young Lady kanina pa po umalis si Princess Dei, nagpahatid na po siya kay Manong Jose." Wika ng tagapagbantay nila.
"Hay! Sige po maraming salamat po Nanay Ruby, papasok na po kami." Sabay na wika ng dalawa at agad ng umalis.
Dumating sila Val at Pat sa school na pagmamay-ari ng mga Mendoza.
"Na saan na kaya si Dei?" Tanong ni Pat.
"Siguro nasa school na." Sagot ni Valeen.
"That's not what I mean. Ibig kong sabihin hindi na ba babalik ang dating Dei?" Tanong niyang muli.
Hindi na lang sumagot ang dalagang si Valeen dahil kahit siya iyan din ang tanong na hindi masagot-sagot.
"Tara na lang sa classroom baka andoon na siya." Sagot ni Valeen kay Patricia.
Habang papunta sila sa classroom, may narinig sila na sumisigaw na parang galit at alam nila na si Dei iyon. Kaya naman agad silang nagmadaling pumasok sa na sabing classroom. Pagdating nila sa loob ganito ang ganap na nakita nila.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesang Masungit
FanfictionAng dating mabait at malambing na prinsesa na naging masungit dahil sa isang trahedya ng kanyang buhay.. bumalik kaya sya sa dati?? sino naman ang makakatulong sa kanya para bumalik ang dating ngiti nya. abangan natin.