chapter #3

1.1K 41 6
                                    

After nila magkwentuhan nakarinig sila ng ungol at pahiwatig ito na gising na ang dalaga. Kaya agad nila itong nilapitan.

"Dei kamusta ka?" Tanong ni Patricia.

Pero hindi ito umiimik.

"Dei may masakit ba sa iyo?" Tanong naman ni Valeen.

Hindi pa din ito umiimik. Kaya naman nakiusap siya kay Jerald na tumawag ng Doctor at sabihin na gising na ang pinsan niya. Agad naman sumunod si Jerald para puntahan ang Doctor. Samantalang sila Alden at Sam nagpasiya na bumili ng pagkain para sa kanila. Hindi naman nagtagal dumating din ang Doctor at sinabi na need pa niya mag-stay ng mga 2 days sa hospital. Para malaman kung okay na ba talaga ito. Kaya lang pagkalabas ng Doctor nagsalita na ang dalaga.

"Gusto ko na umuwi." Wika niya sa malamig na tinig.

"Hindi ka pa pwede umuwi. Narinig mo naman ang sinabi ng Doctor hindi ba?" Paliwanag ni Valeen sa pinsan niyang salubong ang kilay.

"Saka need mo pa magpalakas." Pahayag pa ni Patricia.

"Pero gusto ko nang umuwi ayoko na dito." Pagpipilit pa niya na paiyak na.

"But Dei hindi nga pwede, huwag ka na umiyak." Pag-aalo nila dito.

"Alam mo ba uuwi na sila Mamu." Sabi pa ni Patricia para tumahan lang ito.

Kaso bigla siyang sumigaw.

"Wala akong pakealam kung uuwi sila o hindi. Basta ang gusto ko makalabas na dito at umuwi ng bahay!"  Sigaw niya na ikagulat nila.

"Hay, Dei hindi nga pwede makinig ka naman sa amin oh." Nakikiusap na wika ni Valeen sa dalaga.

Samantalang ang mga boys nakatingin lang at takot lumapit sa dalaga.

"kung gusto ninyo dito mag-stay, eh di mag-stay kayo dito. Basta ako uuwi na ako. Kung hindi kayo papayag magwawala ako dito!" Sigaw niyang muli.

Natakot naman si Valeen dahil alam niya ang ugali nito at kung ano kaya nitong gawin.

"Pat?" Tawag ni Valeen.

"Yes." Sagot niya.

"Pumunta ka sa nurse station at sabihin mo na magdi-discharge na tayo. And one more think kumuha ka na din ng private nurse for her, iyon lang salamat." Utos nito kay Patricia.

Agad naman sumunod si Patricia sa sinabi ni Valeen, nagpasama pa siya kay Sam. Samantalang sa silid ng dalaga tahimik lamang silang inaayos ang gamit niya para makauwi na tulad ng gusto niya. Bigla itong nilapitan ni Alden.

"Hi Dei?" Bati niya.

"Who are you? Why you know my name?" Cold nitong tanong sa binata.

"Classmate tayo remember?" Sagot ni Alden sa tanong ng dalaga.

"Tsk! I don't care. Can't you please leave me alone." Wika ng dalaga na halatang naiirita na.

"Gusto lang sana kita maging kaibigan." Pahayag  pa ng binata.

"I said I don't care. Umalis ka nga sa harapan ko." Wika ng dalaga sabay talikod.

Ang Prinsesang MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon