chapter #7

846 36 0
                                    

Pagpasok niya sa loob ng event hall, kung saan ginaganap ang birthday niya. Marami ang sumalubong sa kaniya. Andiyan ang mga pinsan, Tito, Tita, mga classmates at mga kaibigan niya. Pero ni isa sa mga ito ay hindi niya pinansin. Naupo lamang siya sa sulok at doon nagmukmok. Habang nagsasaya sila pinagmamasdan lang sila ni Dei at madami-dami na din ang naiinom nitong alak. Besides hindi naman ito sanay uminom kaya madali itong tamaan ng pagkalasing. Dahil sa madami na itong nainom at may tama na din lumapit ito kung saan may nagsasalita sa harapan. Dahil meron itong mini stage. Nagulat ang mga tao doon dahil bigla na lang itong sumulpot sa harapan nila at nagsalita na halata mong galit na galit sa mga nangyayari.

"Hi everyone!" Bati niyang napakalamig sa lahat ng taong naroroon.

Mahahalatang lasing na ito at marami ang nainom na alak. Dahil sa way ng pagsasalita ng dalaga sa kanilang harapan. Nakatingin lang ang mga bisita sa kaniya at naghihintay ng sunod niyang sasabihin.

"Ang saya ninyo noh? I mean masaya ba kayo?" Tanong niya na nakakaloko.

Pero hindi sumagot ang mga tao. Bagkus ngumiti lamang sila sa dalaga. Biglang lumapit sila Pat sa kaniya para awatin na ito ganoon din ang mga Lola's niya.

"Dei, tama na iyan." Saway ni Patricia sa pinsan niya.

"Halika na pahinga na tayo." Aya pa ni Valeen habang hawak ito sa kabilang kamay.

Nakaabang lang ang ibang kaibigan at kamag-anakan ng dalaga sa kung ano ang mangyayari. Pero dahil nga sa nakainom na ang dalaga at halatang galit na, hindi nila ito napigilan. Nagulat na lang sila ng biglang sumigaw ito sa harap ng microphone.

"Bitawan ninyo nga ako. Huwag kayong mange-alam sa gusto kong sabihin at gawin!" Sigaw niya sa mga nakahawak sa kaniya.

"Apo, tama na iyan." Pakiusap ni Queen Tinidora sa kaniya.

"Sige na apo baka kung mapaano ka pa." Tugon pa ni Queen Tidora na may pag-aalala sa tinig nito.

Pero hindi iyon pinakinggan ng dalaga. Hanggang sa pati si Queen Nidora ay nakiusap na rin sa apo niya.

"Makinig ka sa amin apo, kung nakikita ka lang ng mga magulang mo hindi nila nanaisin na maging ganiyan ka." Paliwanag pa ni Queen Nidora sa mahal niyang apo.

Dahil doon lalong nagpantig ang tenga ng dalaga para ito ay magalit at magwala.

"Makinig? Kanino? Sa inyo? Sabihin ninyo kailan ba ako dapat nakinig? Galing ninyo, ang saya ninyo pa. Baka nakakalimutan ninyo ngayon ang kamatayan ng mga magulang ko. Kunting respeto naman!" Sigaw niya habang na iyak na halos maghabol na ng paghinga.

"Apo tama na iyan." Pakiusap muli ng mga Queen's sa dalaga nilang apo.

Hindi nila inaasahan ng biglang bumagsak ito at hindi sinasadya sa nakausling bato tumama ang ulo ng dalaga. Kaya nataranta na silang lahat. Si Alden na ang nagbuhat sa dalaga papunta sa sasakyan kasama ang tatlong Queens. Dadalhin nila ang dalaga sa pinakamalapit na hospital dahil madami-dami ng dugo ang nawawala dito at hirap pa sa paghinga ang dalaga. Pagdating sa hospital agad itong pinasok sa emergency room para linisin ang sugat at makabitan ng oxygen. Agad din sumunod ang mga kaibigan nila Alden kasama ang mga pinsan ng dalaga.

Ang Prinsesang MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon