Dinala nga nila sa clinic ang dalagang si Dei. Binigyan lang ito ng gamot para mabawasan ang pananakit ng ulo nito. Bukod pa doon pinasundo na rin nila Pat kay Manong Jose si Dei para makapagphinga na ito. Sinabi rin nila na sila na ang bahalang magsabi sa kanilang Professor kung bakit ito umuwi. Pagdating sa mansion ng mga Mendoza doon na agad sa kaniyang silid siya dumiretso. Dahil gusto na muna niyang makapaghinga. Walang pang 1 hour may tumawag sa cellphone niya from unknown number. Agad niya iyon sinagot para malaman kung sino iyon.
"Hello sino ito? Paano mo na kuha ang number ko? Sige payag ako saan? Siguruhin mo lang na importante iyan."
Pagkatapos niyang kausapin ang tumawag sa kaniya, dali-dali naman siyang nagbihis para pumunta sa lugar kung saan sila magkikita. Pagkababa niya agad din siyang tinanong ni Nanay Ruby.
"Princes Dei, saan po kayo pupunta?" Tanong niya sa alaga.
"Sa mall." Cold nitong sagot sa matanda.
Bago pa makapagtanong uli si Ruby at bago pa siya makita ng mga Queen's ay agad na siyang umalis. Sa isang Italian Restaurant sila magkikita ng taong tumawag sa number niya. Pagpasok niya agad siyang sinalubong ng isang lalake na kung hindi siya nagkakamali ito ang humarang sa kaniya sa Mendoza Academy.
"Hi Maine? Remember me?" Tanong niya.
"Jake Ejercito? Right?" Cold at alangan niyang sagot.
"Jake na lang. So tara na upo muna tayo." Alok niya sa dalaga.
Inalalayan niya pa ito para magtungo kung saan sila uupo. Nang makarating sila agad na silang na upo at agad ring tinawag ang waiter upang makapag-order na sila ng kanilang makakain. Habang hinihintay ang inorder nila agad nang nagtanong si Dei sa kaniya.
"Ano nga uli ang sasabihin mo?" Tanong niya sa binatang kaharap.
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.
"Alam ko hindi mo ako naaalala, pero matagal na tayong magkaibigan." Panimula niya.
Gumuhit sa mukha ni Dei ang pagtataka.
"Kaibigan? Paano? Ngayon lang tayo nagkita hindi ba?" Tanong niyang nakakunot ang noo.
"Oo Maine, magkaibigan tayo. Kasama ng kambal mo na si Maicy." Pahayag pa niya.
"Sorry pero only child lang ako. And beside hindi ko kilala ang sinasabi mong Maicy." Tugon niya.
"Maniwala ka sa akin nagsasabi ako ng totoo." Seryoso nitong pahayag.
"Paano nga ako maniniwala sa iyo? Ngayon lang kita nakilala." Naiinis na tugon ni Dei.
"Anak kayo nila Rose at Tony Mendoza at apo ng tatlong Queen's ng London. Hindi ba?" Paninigurado pa ng binata.
"Malamang anak nila ako at apo ng mga Queen's. Dahil dugong maharlika kami. Jerk!!" Inis niyang sagot.
"Paano ba kita makukumbinsi na totoo ang sinasabi ko?" Pahayag ni Jake na tila ba nahihirapang kumbinsihin ang kausap.
"Alam mo uuwi na lang ako. Sinasayang mo ang oras ko. Dapat hindi na ako nakipagkita sa iyo." Bwesit na wika ng dalaga.
Patayo na dapat siya pero may kinanta ang binata na familiar sa pandinig niya dahilan kung bakit bigla na naman sumakit ang ulo niya.
"Rain, rain go away come again another day, little "Dei, Dei" wants to play rain, rain go away.."
"Iyan ang madalas ninyong kantahin ng kakambal mong si Maicy kapag naulan hindi ba?" Pagpapatuloy pa niya.
"Ahhhh!!! A-ang s-sakit ng u-ulo k-ko ahhhh!! p-parang b-bini-b-biyak." Sigaw niya dahilan para tumigil ang binata sa kung ano ang sinasabi nito.
"Tara dadalhin na kita sa hospital." Natatarantang wika niya na may halong pag-aalala sa dalaga.
Pero hindi pumayag si Dei sa gusto nitong mangyari. Dahil doon pinilit niyang tumayo at tumakbo para makaalis at makalayo sa lugar na iyon. Hinabol pa siya ng binata para maihatid. Kaya lang bago niya pa maabutan si Dei nakasakay na ito ng taxi. Pasalamat na lang siya dahil may taxi doon na naghihintay ng pasahero. Agad siyang sumakay at sinabi na ihatid siya sa address na binigay ng dalaga. Dahil sa tindi ng sakit ng ulo niya nakatulog siya sa taxing kaniyang nasakyan. Namalayan na lang niya ng ginigising na siya ni Manong driver.
"Miss, andito na po tayo sa address na binigay ninyo." Gising ni Manong sa dalagang pasahero.
Pagdilat niya nasa tapat na siya ng gate ng mansion nila. Binayaran niya ang taxi na sinakyan niya. Hindi na rin niya hinintay pa ang sukli niya dahil gusto niya na pumasok sa silid niya para makapagpahinga na. Pagpasok palang niya sa loob agad ng sumalubong ang mga Queen's sa kaniya.
"Apo saan ka ba galing?" Tanong agad ni Queen Nidora sa dalaga.
"Hindi mo ba alam na pinag-alala mo kami." Sabat naman ni Queen Tinidora.
Imbes na magpaliwanag siya sa kanila ginawa niya tinanong niya ang mga ito.
"Sino si Maicy at Jake sa buhay ko? Ano at sino ba ako noon bago ako maaksidente? May kasama po ba ako noon bukod sa driver ko?" Sunod-sunod niyang tanong sa kanila.
Halatang nagulat sila sa mga tanong niya at parang hindi alam kung paano nila ipapaliwanag sa kaniya ang sagot na nais niyang marinig.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesang Masungit
FanfictionAng dating mabait at malambing na prinsesa na naging masungit dahil sa isang trahedya ng kanyang buhay.. bumalik kaya sya sa dati?? sino naman ang makakatulong sa kanya para bumalik ang dating ngiti nya. abangan natin.