chapter #17

807 33 0
                                    

Maaga silang nagising lahat dahil ngayon ang araw ng kanilang outing. Hindi na kasi umuwi sila Nadine sa kanila, nag-stay sila sa mansion ng 2 days. Gusto kasi nila sabay-sabay silang pumasok. Ang mga boys naman sa school na lang raw maghihintay dahil sabi nila mabagal kumilos ang mga girls. Dahil 6 am sharp ang usapan maaga silang nagising. 3 am palang ay ginagawa na nila ang morning routine nila. Sa sala na hinintay nila Kath ang iba, habang naghihintay busy din sila. Si Kath nagbabasa, si Nadine naman naglalaro sa cellphone niya, samantalang si Liza busy mag-double check ng gamit niya. Maya-maya pa ng kaunti nakarinig na sila ng yabang galing sa itaas sure na ang magpinsang Valeen at Pat iyon.

"Good morning girls." Masiglang bati nila Valeen sa kanila.

"Morning din." Balik bati nila.

"Oh? Na saan si Kia?" Tanong ni Kath habang hinahanap ito.

"Hindi iyon sasabay sa atin, asa ka pa." Sagot ni Patricia.

"Kain muna tayo bago tayo umalis." Aya pa ni Valeen sa kanila.

Ang hindi nila alam kanina pa kumakain sa kusina si Dei. Nauna itong nagising sa kanila kaya ganoon na lang ang gulat nila ng makita itong kumakain.

"Good morning Dei." Bati nilang lima sa dalaga.

"Good morning." Cold niyang tugon sabay tayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong nila dito.

"Tapos ka na ba kumain?" Dagdag pa nilang tanong.

"Oo. May sasabihin pa ba kayo? Kasi kung wala na aalis na ako." Pahayag niya.

"Pwede ka bang sumabay sa amin papuntang school?" Pakiusap na tanong ni Liza sa kaibigan.

"What if I say no? May magagawa ba kayo?" Cold niyang sagot sa tanong ni Liza.

"See? Mukhang wala na kayong sasabihin so aalis na ko."

Hindi na niya inantay pa na sumagot ang mga kausap niya. Nagpahatid na siya kay Manong Jose sa school. Sa school naman busy rin ang mga boys sa usapan nila.

"Bro, kinakabahan ako." Tugon ni Alden.

"Bakit naman?" Tanong ni Sam.

"Baliw ka ba Sam?" Sabay batok dito ni Jerald.

"Bakit ka namamatok?" Reklmo ni Sam.

"Eh kasi ang hina mo. Magtatapat na nga siya hindi ba?" Paliwanag pa nito.

"Bro sigurado ka na ba diyan?" Paniniguro pa nila James at Daniel.

"Oo." Matipid pero lakas loob niyang sagot sa mga kausap niya.

Nag-uusap sila ng biglang dumating si Dei.

"Dei, bakit ikaw lang? Na saan sila Nad's?" Tanong ni James sa dalaga.

"Bakit? Mukha ba akong tanungan? Mukha ba akong lost and found?" Tanong niya.

"Sorry. Akala kasi namin magkakasama kayong papasok." Paliwanag naman ni Enrique.

"Alam mo Mr. Gil madaming namamatay sa maling akala." Pagkawika niya noon ay umalis na ito at sinuot ang headset at shade nito, sabay talikod.

Ang Prinsesang MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon