Sa classroom todo review ang lahat lalo na ang tatlong nakabangga ni Dei. Pero siya patulog-tulog lang at alam na nang lahat ang deal nila.
"Tsk! Yabang natutulog lang siya sa klase hindi naman siya nakikinig eh." Bulong ng mga classmate nila.
Sumagot si Nadine.
"Wait ninyo na lang ang magiging result. Hahaha." Tawa pa niya.
Dumating ang professor nila at agad din binigay ang test paper nila. At sinabing 30 minutes lang bawat exam at dahil five exam iyon dapat mataas ang makuha nila. Kaya naman nagbigay na ng go signal ang professor nila para simula ang nasabing exam. Lumipas ang apat na oras at natapos ang mga exam nila at hihintayin na lang ang result nito. Nagtatawanan pa ang mga groupo nila Louise na tila ba sigurado na mas taas ang exam nila. Kasi bago pa dumating si Dei sa school na pinapasukan nila balitang laging nasa rank #1 si Louise, rank #3 naman si Janella at rank #4 si Julie Anne kaya kampanti ang mga ito na sila na ang panalo. After ng breaktime nila pumasok ang professor nila at binigay ang result ng bawat exam nila per subject.
"Ready na ba kayo malaman ang result?" Tanong niya sa mga estudyante niya.
"Opo!" Sigaw naman nila.
Kaya isa-isa tinawag ng professor nila ang pangalan at result nang bawat exam nila.
English
Montenegro-89
Sobreanno-91
Lustre-98
Reid-90
Tumulak-94
Richards-97
Padilla-88
Gil-87
Gogna-93
Napoles-91
Bernardo-95
Delos Reyes-99
Salvador-96
San Jose-97
Mendoza-100"Congratulations may bago na tayong rank #1 palakpakan natin si Ms. Mendoza. Well see you all on monday." Pagkasabi niya noon ay umalis na ang guro nila.
Sa groupo naman nila Dei masaya sila dahil lahat sila mataas ang grades. Hindi sa kabilang groupo dahil natalo sila sa deal nila. Kaya lahat ng iuutos ni Dei ay susundin nilang tatlo. Nagkukwentuhan sila Pat samantalang si Dei nakayuko lang sa desk niya, nang biglang lumapit ang mga bruha.
"Hoy! Ikaw! Dinaya mo ang exam noh!?" Sigaw ni Julie Anne sa dalaga.
"Ako mandadaya? Bakit naman?" Sagot niyang patanong.
"Hindi pwede na mas mataas ka sa amin!" Sigaw pa ni Louise.
Bago pa makasagot si Dei sumabat na ang mga kaibigan nito dahil alam nila na hindi basta mananakit si Dei kung hindi siya uunahan.
"Kayo kung wala kayong magawa umalis na kayo dito." Pagtataboy ni Nadine sa kanila.
"Hindi ninyo kaya ang I.Q ng pinsan ko." Sagot pa ni Valeen na kunti na lang masasampal na ang mga kaharap.
"Natalo kayo sa deal kaya lahat ng utos niya susundin ninyo for the whole year." Sabat pa ni Pat.
Tumayo si Dei at hinarap ang tatlong panira ng araw niya.
"Kayong tatlo. Kailangan ninyo sundin ang lahat ng gusto ko. Kung ayaw ninyong manghiram ng mukha sa aso." Banta niya with smile na halatang may hindi magandang gagawin.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesang Masungit
FanfictionAng dating mabait at malambing na prinsesa na naging masungit dahil sa isang trahedya ng kanyang buhay.. bumalik kaya sya sa dati?? sino naman ang makakatulong sa kanya para bumalik ang dating ngiti nya. abangan natin.