chapter #18

776 28 4
                                    

Sa mansion naman nakauwi na ang dalawang Queen's. Hindi nila ipinaalam na ngayon ang dating nila. Ang alam kasi ng lahat 1 week pa bago umuwi ang mga ito. Kaya ganoon na lang ang gulat nila Ruby nang dumating ang mga among dugong maharlika. Alam din ng mga Queen's na wala ang mga apo nila dahil sa outing na ginaganap sa Palawan.

"Ate, kamusta kaya ang mga bata sa outing nila?" Tanong ni Queen Tinidora sa kapatid.

"Siguradong nag-e-enjoy ang mga iyon dahil maganda ang lugar na iyon at tiyak na mare-relax sila." Sagot naman ni Queen Nidora sa kapatid.

"Sundan kaya natin, nakakainggit eh." Suggestion niya.

"Hoy! Tumigil ka nga outing nila iyon at hindi tayo kasali doon. Isa pa puro estudyante ang mga nandoon. Ano palagay mo sa sarili mo bagets?" Bulyaw na saway ni Queen Nidora sa kapatid.

"Wow? Sabi ko lang sundan natin. Makapaliwanag wagas. Bakit pang-bagets lang ba ang pagre-relax huh?" Singhal naman niya sa mas matanda sa kaniya.

"Hay, ewan ko sa iyo. Bahala ka na nga diyan." Sagot ni Queen Nidora sa kapatid.

Bumaba na lang si Nidora at hindi na nakipagtalo pa sa kapatid niya. Sa garden muna siya tatambay. Nang bigla niyang maalala ang mga apo niyang sina Maicy at Maine noong bata pa na minsang umuulan.

(Flashback)

"Maicy, laro tayo doon sa labas." Pag-aaya ni Maine sa kakambal niya."

"Ayoko nga. Na ulan oh! Hindi mo ba nakikita?" Tugon ni Maicy sa kapatid.

"Dali na, please." Pagmamakaawa niya pa.

"Ikaw? Kapag tayo pinagalitan nila Mom at Dad pati nila Mamu yari ka sa akin." Sermon niya sa kakambal niyang si Maine.

"Hindi iyan ako bahala sa iyo." Kampanteng sagot ni Maine kay Maicy.

"Tsk! Ikaw bahala, pero ako naman ang kawawa. Alalahanin mo sa ating dalawa ikaw ang sakitin at hindi ako." Wika pa niya sa kapatid.

"Ito naman naglalambing lang eh." kunwaring tampo ni Maine kay Maicy tapos nag-pout siya.

"Huwag ka nga gumaniyan hindi bagay sa iyo ang panget mo." Tukso ni Maicy kay Maine.

"Kung panget ako pati ikaw panget rin. Kasi magkamukha tayo at kambal pa. Hahahahaha!" Sagot ng bata habang natawa habang si Maicy nag-iisip.

Kaya naman lumabas sila ng kanilang silid para magtungo sa labas at maglaro sa ulanan gaya ng gusto ni Maine. Iyon nga lang hindi pa sila nakakarating sa main door hinarang na sila ng tagapag-alaga nila na si Nana Ruby.

Alam ni Nana Ruby ang lahat dahil bata pa ang kambal siya na ang taga pangalaga ng mga ito. Kaya nga ng mawala si Maicy mahirap din iyon sa kaniya at masakit dahil nakikita niya kung ano ang lagay ni Maine ngayon na walang maalala ni isa lalo na kakambal nito na super close niya. Gustuhin man niya sabihin ang totoo hindi naman pwede dahil magagalit ang mga Queen's sa kaniya. Kung ano man ang dahilan nila iyon ang hindi niya alam.

Ang Prinsesang MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon