"Ano ba nangyari?" Tanong agad ni Pat kay Nadine na may kaba.
"Eh.. Kasi nagising ako sa iyak niya. Tapos sabi niya na mi-miss daw niya ang Mommy at Daddy niya. And then after few minutes sabi niya nahihirapan na siya huminga. Then iyon na nga nawalan na siya ng malay at napansin ko pa nanginginig siya. Kaya ginising ko na kayo." Mahabang niyang paliwanag.
Pagtapos niya mag-explain dumating agad ang mga Queen's na may kasamang Doctor. Agad din naman ito tiningnan at na sabi na masyadong stress ang Prinsesa. Bukod pa dito napag-alaman din nila na hindi iniinom ng Prinsesa ang kaniyang mga gamot sa puso, kaya madalas itong kapusin ng paghinga. Kaya lalong nag-alala ng husto ang mga Queen's sa lagay ng Prinsesa na kanilang apo. Ganoon din ang mga kaibigan nito at ang pinsan niya.
"Mamu, ano po gagawin natin?" Tanong ni Valeen.
"Kung ayaw makinig sa inyo ni Kia pwes ako ang kakausap sa kaniya." Sagot naman ni Queen Nidora sa kanila.
"Sige na magpahinga na kayo at kami na ang bahala kay Kia." Pahayag naman ni Queen Tidora.
"Siya nga naman mga apo. Hindi ba't may pasok pa kayo?" Sabat pa ni Queen Tinidora.
"Tara na mga bata doon na kayo sa inyong mga silid magpahinga. Si Ate Nidora na ang bahala kay Princess Kia." Aya naman ni Queen Tidora sa mga dalagang nag-aalala sa lagay ng Prinsesa.
Kaya agad naman sumunod ang mga dalaga sa sinabi ng mga Queen's. Kahit pa nag-aalala sila sa dalaga ay wala silang nagawa. Pero batid naman nila na hindi ito pababayaan ng mga Queen's. Kinabukasan nagising si Dei at laking gulat niya ng makitang natutulog ang Mamu Nidora niya sa kaniya tabi.
"Anong kaya ang nangyari? Bakit dito natutulog si Mamu Nidora? Bakit may oxygen nakakabit sa akin kanina? Ano ba nangyari?" Takang bulong niya sa kaniyang sarili.
Hindi naman nagtagal nagising na din ang Queen Nidora, kaya agad niyang tinanong ang dalaga kung okay na ba ito o kung ano ang nararamdaman nito.
"Apo? Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya na may halong pag-aalala.
Imbes na sumagot ang dalaga, tanong din ang binalik niya sa Queen.
"Kayo po? Ano po ginagawa ninyo dito? Bakit po dito kayo natulog? At bakit may oxygen ang ilong ko? Ano po bang nangyayari?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Apo isa-isa lang naman, mahina ng kalaban eh." Birong wika niya sa apo.
Nagulat rin siya ng makitang ngumiti ang apo niya kahit na napaka tipid.
"Natutuwa ako dahil nakita ko muli ang mga ngiti mo apo ko. Mula kasi ng mawala ang parents mo hindi na namin nakita pang muli ang mga ngiti mo." May ngiting turan ni Queen Nidora sa apo.
Dahil sa sinabi ng matanda sa dalaga biglang lumungkot ito at walang emosyon na sinabing.
"Mamu, pwede ninyo po ba akong iwan muna? Gusto ko po muna mapag-isa at makapagpahinga na din po." May pakiusap niyang sabi.
"Sige kung iyan ang gusto mo." Tugon nito kaya agad itong umalis at nagtungo sa kusina para pahatiran ng pagkain ang apo niya.
Pagdating sa kusina agad naman siyang inusisa nila Valeen na parang hindi nakatulog ng ayos most especially si Nadine.
"Mamu, kumusta po si Dei?" Tanong ni Valeen.
"Don't worry apo okay na siya. Pahahatiran ko na lang ng pagkain para makainom na siya ng gamot." Sagot niya kay Valeen.
"Mamu, pwede po bang kami na lang maghatid ng pagkain at gamot ni Dei?" Tanong naman ni Patricia na humihingi ng permiso.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesang Masungit
Fiksi PenggemarAng dating mabait at malambing na prinsesa na naging masungit dahil sa isang trahedya ng kanyang buhay.. bumalik kaya sya sa dati?? sino naman ang makakatulong sa kanya para bumalik ang dating ngiti nya. abangan natin.