chapter #8

905 29 3
                                    

"Maine?" Tawag ni Alden sa dalaga na ikalingon nito.

Pero mas nakapagtataka ang reaction ng mga Queen's.

"What did you call her again?" Tanong ni Queen Nidora para siguruhin na tama ang dinig niya.

"M-Maine po." Utal at tipid na sagot ni Alden na may halong kaba.

"Bakit po Mamu may problema po ba?" Takang tanong ni Valeen.

"Kumain muna na tayo." Pag-iiba ng usapan nila Nadine.

Naguguluhan man pero sumunod na lang sila.

"Kia apo, pagtapos mo kumain magpahinga ka na huh." May lambing na wika ni Queen Nidora sa dalaga.

Tumango lamang ang dalaga bilang sagot. After nila kumain at painumin ng gamot ang apo nila ay agad nilang tinawagan si Ruby para ito muna ang magbantay sa dalaga.

"Mga apo?" Tawag ni Queen Tinidora sa mga kaibigan ni Dei.

"Bakit po?" Tanong naman nila.

"Sa mansion tayo at may sasabihin ako sa inyo. Importante lang sumama na din kayo Patricia at Valeen." Pahayag ni Queen Nidora.

"Mamu paano po si Dei? Wala po siyang bantay dito?" Tanong ni Valeen.

"Don't worry hija pinapunta ko na si Ruby dito para siya muna ang magbantay sa pinsan mo." Tugon naman ni Queen Nidora sa tanong ni Valeen.

"Importante lang kasi itong sasabihin namin sa inyo." Singit pa ni Queen Tinidora.

Kaya agad naman silang sumang-ayon.

"Mamu, may kinalaman po ba dito ang pagtawag naming Maine sa kaniya?" Tanong ni Patricia sabay turo sa pinsan niyang tulog na.

"Oo apo." Tipid na tugon ni Queen Tidora.

"Hindi po ba pwede dito na lang?" Tanong pa nila.

"Hindi pwede kasi ayoko na may malaman pa si Kia sa nakaraan niya." Sagot ni Queen Nidora sa tunong malungkot.

Habang nag-uusap sila siya naman dating ni Ruby at ni Izza para sila muna magbantay kay Dei.

"Buti andito na kayo. Bahala na muna kayo sa kaniya. Kung may problema tawagin ninyo ako o kaya ang doctor okay." Bilin nito sa mga bagong dating.

Agad naman tumango ang mga ito bilang sagot.

"Valeen?" Tawag ni Queen Tinidora na ikalingon nito.

"Bakit po Mamu?" Tanong niya sabay lapit.

"Mauna na kayo sa mansion, hintayin ninyo kami doon. May dadaanan lang kami ng mga lola ninyo." Pahayag niya.

"Okay po Mamu." Sagot niya sabay aya sa mga kasama.

Agad itong lumapit sa kung na saan ang mga kaibigan at pinsan niya.

"Guy's?" Tawag niya.

Lumingon naman sila sa dalagang tumawag sa kanila.

Ang Prinsesang MasungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon