Nakarating ang magpinsan sa school at diretso naman sila sa classroom nila. Nakita nila na nandoon na ang buong tropa at busy sa pagkukwentuhan. Samantalang si Dei nakayuko lang na tila ba natutulog. Lumapit sila agad sa mga kaibigan nila para sa sabihin ang plano nila.
"Hi guys!" Sabay na bati ng dalawa naikalingon ng mga ito.
"Iyon oh! Andito na kayo." Masiglang wika ni James.
"Ano balita?" Tanong pa ni Daniel.
"Yayain sana namin kayo mag-mall." May ngiting wika ni Patricia.
Nagkatinginan sila bago sumagot.
"Sure gusto namin iyan." Sabay na sagot naman nila Kath at Nadine na halata mong excited na.
"Dei?" Tawag ni Liza dito na tumingin naman agad pero walang emosyon.
"Bakit?" Tanong niyang napakalamig pero andoon ang inis niya dahil naistorbo ata sa pagtulog.
"Sasama ka sa amin huh." May lambing na pag-aaya niya sa kaibigan.
"Ayoko." Sagot niyang napakalamig sabay tungo uli sa desk nito.
"Kasi, maka-group tayo sa outing this coming Monday hindi ba?" Pangungulit pa niya.
"Sinabi ko na hindi ba? Ayoko. Mahirap bang intindihin iyon?" Tanong niya na naiinis na dahil sa pangugulit nito sa kaniya.
"Liza, huwag muna kulitin kung ayaw niya." Saway naman ni Alden sa dalaga.
Bago pa siya makapagprotesta dumating na ang professor nila.
"Class sa Monday dapat 6:00 am andito na kayo huh. Para maaga tayo makaalis. At isa pa half day lang ang pasok ninyo para makapag-prepared na kayo ng mga gamit na dadalhin ninyo. Okay, class dismissed." Pahayag ng kanilang Professor.
Pagkawika ng professor nila noon nagkaniya-kaniya na ang mga student para maihanda na nila ang mga gagamitin nila.
"Oh? Ano guys tara na sa mall lets do shopping na." Excited na aya ni Nadine sa kanila.
"Excited lang Nadine? Ano hindi ka ba nakakapag-mall?" Birong wika ni Sam dito.
"Pakealam mo ba bumbay." Tuksong tugon niya sa binata.
"Hoy! Tama na iyan." Awat naman ni James sa kanila.
Biglang napaling ang tingin nila kay Dei na paalis na.
"Dei!?" Sigaw na tawag ni Liza sa pangalan ng dalaga.
Lumingon naman ito na parang wala lang.
"Sama ka na sa amin." Pag-aaya niyang muli dito.
"Oo nga naman Dei para naman malibang ka." Sabat pa ni Jerald.
"Gusto ka din kasi namin maka-bonding tulad ng dati." Wika pa nila Enrique at James.
Pinagmamasdan lang sila ng dalaga bago ito nagsalita.
"Tapos na ba ang litanya ninyo? Kasi kung tapos na pwede na ba akong umalis?" Tanong nito sa napakalamig na tinig.
Tatalikod na sana ito ng muli silang magsalita.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesang Masungit
FanfictionAng dating mabait at malambing na prinsesa na naging masungit dahil sa isang trahedya ng kanyang buhay.. bumalik kaya sya sa dati?? sino naman ang makakatulong sa kanya para bumalik ang dating ngiti nya. abangan natin.