Matapos ang announcement sa school nila ay agad din sila nagsiuwian. At napagpasyahan na tumambay muna sa mansion ng mga Mendoza.
"Sa mansion muna tayo huh." Aya ni Val sa mga kaibigan.
"Girl, pwede doon na lang kami matulog sa inyo, parang girl bonding." Pagpapaalam ni Kath.
"Oo naman at masaya iyon." Tugon pa ni Pat.
"Pero don't expect na sasali sa atin ang pinsan ko huh." Pahabol pang sagot ni Valeen.
"Oo, alam namin." Sagot naman nila.
Habang nag-uusap silang magkakaibigan may napansin sila kay James.
"James, lalim ng iniisip mo huh?" Puna ni Daniel sa kaniya.
"Ano ba ang gumugulo sa isip mo?" Pangungulit pa ni Enrique.
"Alam mo bro kung ano man iyang iniisip mo kalimutan muna." Sagot naman ni Sam.
Sasagot sana si James ng unahan naman ni Jerald.
"Alam mo bro ikain mo na lang iyan, nabusog ka pa." Biro niya dito.
Pero hindi siya natinag talagang ang lalim ng iniisip niya.
"Hey! James to earth, earth to James." Pagbibirong tawag ni Nadine sa boyfriend niya.
"Ano ba kasi ang gumugulo sa isip mo?" Tanong naman ni Liza.
"May napansin lang kasi ako lately kay Dei, parang hindi na siya gaanong nagsusungit sa atin." Sagot niya.
"Oh! Hindi ba dapat matuwa tayo kasi kahit paano nabawasan ang pagiging masungit niya." Sagot naman ng dalagang si Patricia.
Habang ang iba nakikinig lang. Hanggang sa makarating sila sa mansion ng mga Mendoza.
"Welcome home po mga Young Lady." Bati ni Izza na tila ba ang saya niya.
At napansin rin nito ang mga kasama ng amo niya pero wala si Dei.
"Lady Val, bakit hindi ninyo po kasabay na umuwi ang Prinsesa Dei?" Takang tanong nito sa kausap niya.
"Huh? Bakit hindi pa ba siya nauwi?" Tanong niya na halatang may pag-aalala.
"Naunang umuwi sa amin si Kia." Sabat naman nila James.
"Eh! Saan naman pupunta iyon?" Sabi pa ni Patricia.
"Izza hindi ba tumawag sa inyo?" Tanong pa ni Nadine.
"Hindi po." Tipid niyang sagot.
Habang nag-uusap sila sa sala dahil wala pa ang dalaga bigla naman bumukas ang pinto ng mansion at niluwa nito ang dalagang kanina pa nila pinag-uusapan.
"My God? Dei saan ka ba galing? Pinag-alala mo kami, akala ko nakauwi ka na." Wika nila Nadine na halatang nag-alala dito ng husto.
"Ano ba nangyari sa iyo at bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na nag-alala kami sa iyo?" Sabat naman nila Liza at Kath.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsesang Masungit
FanfictionAng dating mabait at malambing na prinsesa na naging masungit dahil sa isang trahedya ng kanyang buhay.. bumalik kaya sya sa dati?? sino naman ang makakatulong sa kanya para bumalik ang dating ngiti nya. abangan natin.