"Tay.... Bakit po ba tayo nakatira sa gubat? Bakit po ba tayo Hindi pwedeng bumaba ng bundok?"
"Ehh, kase anak, hindi nila pwedeng malaman kung ano tayo, nawala satin ang mama mo dahil sa mga tao, at ayaw Kong mawala ka rin sakin, kaya kita inilayo sa kanila. Ito ang tatandaan more anak, hindi napagkakatiwalaan ang mga tao, lahat sila masasama at dahil sakanila nawala satin ang mama mo, kaya wag kang makikipag kaibigan o lumapit sa mga tao dahil baka kung anong masamang gawin nila satin pag nalaman nila kung ano tayo, naiintindihan mo ba si papa huh anak?"
Naintindhan naman ng bata na sa murang edad na kailangan nilang mag tago para hindi malaman ang sekreto nila.
"OPO papa pangako ko po na hindi po ako lalapit sa mga tao. Masaya na po ako pag ikaw ang kasama ko.." Nakangiting sabi ng bata.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Lumipas ang mga taon at 18 years old na si Cathlyn, mahilig syang mag basa ng libro, kahit na hindi sya naka pag aral any Hindi naman lumaking walang alam si cath, dahil tinuruan sya ng kanyang ama na mag basa, sumulat at mag bilang, at naging malaking tulong din ang mga libro na pasalubong ng lanyang ama tuwing bumabalik into sa gubat Galing sa maliit na baryo sa I baba ng bundok."Anak....? Andito na si papa, at may dala akong bagong libro para sayo"
Nasa likod ng bahay si cath nang marinig nya yun, ay nag mamadali syang pumasok ng bahay nila upang makalapit sa kanyang ama."Tay, anong klase ng libro ang pasalubong nyo po sakin? Hindi na po ako makapaghintay na mabasa ko yon...! " excited na sabi ni cath sa kanyang ama
"Ibibigay ko to sayo mamaya, kumain na muna tayo, bang magkalaman na ang tyan ko gutom na gutom na kasi si papa."
"OK po papa, niluto ko po ang paborito nating ulam!!! Hulaan nyo po...."
"Tinolang isda!!!!"
"Tama po kaya kain na po tayo..."
Masiglang sabi ni cath sa ama nya ....
.
.
.
.
.(SOMEONE'S POV)
"Kailangan na syang mawala para mapa saatin na ang buong share ng company! Kung wala lang sana ang pesteng anak ni Raul Salazar ay saatin na sana mapupunta ang lahat ng pera at ari-arian nya.!"
Inis na napa sigaw ang ginang dahil nang gagalaiti ito same galit.... Kinuha nya ang cellphone nya may tinawagan syang isa same mga tauhan nya..
"dakpin nyo Christof Chace Salazar, at patayin, pag tapos na kayo wag nyo munang dispatyahin gusto ko munang makita ang wala nyang buhay na katawan bago sya itapon, maliwanag ba?! Sigurado ako na andun sya sa lamay ng kanyang ama ngayon kaya madali nyo lang syang mahahanap, at wag na wag kayong mg kakamali dahil Alam nyo na kung ano ang mang yayari sa inyo kapag pumalpak kayo"Pagkataops sabihin yon ng ginang ay pinatay nya na sang tawag.
(Matagal ko nang itong plinlano, inakit ko si Raul upang mahalin nya ako, ginawa ko ang lahat para pakasalan nya ako, nag bait-baitan ako at inaruga ko ang isang bata na hindi ko naman anak, nag tiis ako para maka ahon sa hirap ng buhay, at ngayon malapit ko nang makamit ang lahat! ) .....
.
.
.
.
.
.
.
.CHRISTOF CHACE POV
Andito ako ngayon sa simenteryo kung saan ililibing labi ng aking ama, masakit mang isipin pero wala na sya inwan nya na ako , at kasalanan ito ng walang hiyang babaeng yon! Ang walang hiya kong stepmother, alam ko sa simula palang na pera lang habul nya sa papa ko, dahil nung naging Sila ng papa ko akala mo kung sinong mabait pag kaharap nya ang papa ko, pero pag wala sa paligid nya si papa ang sama-sama pala ng tinatago nyang ugali kay papa! Alam nya naman naman na ngayon ang libing ni papa pero ni anino nya wala dito ! Ang kapal ng pag mumukha at gold digger na babaeng yon,
At natuklasan ko na dahan dahan nyang nilalason ang papa ko, Napagalaman ko na iba pala ang gamot na binibigay nya papa ko, pinapalitan nya iyon ng laman at lason ang binibigay nya sa papa ko, huli na ang lahat nang malaman ko ang ginagawa ng stepmom ko sa papa ko, lumala ang kalagayan ni papa at namatay sya dahil doon. (Isinusumpa ko pa, na bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay mo, hindi ako papayag hindi panagutan ng babaeng yon ang ginawa nya sayo, bagbabayad sya, pero sangayon pa hindi pa muna ako gagawa ng galaw, pero pangako ko pag katapos ng hahat ng ito pag babayarin ko sya sa lahat ng kasalanan nya sa ati pa.Habang dahan dahang syang ibinababa ang aking ama sa hukay, kasabay ng pamamaalam ko ay ang pangako na binitawan ko sa puntod ng aking ama mag hihiganti ako...kukunin ko kung ano ang dapat ay akin at
hustisya sa yumao kong ama.!
........................Fin for the first CHAP! :-)
BINABASA MO ANG
Pussy CAT
RandomFirst story ko po to.... Madami pong mali sa story na to, madalas grammatical error at mga wrong spelling... Kayo na ho ang bahala kung babasahin nyo ba o hindi.... :-)