6

10 1 0
                                    

SOMEONE'S POV
   "Boss hindi po namin nahuli yung binata"

Sabi nung isa nyang kasamahan.

Guy no.2
"Anong hindi ka jan, nahuli natin pro naka takas!"

Boss-"ako ba ay pinag loloko nyo, ehhh,ng iisa lang yong si Christof sa dami nyong yan hindi nyo pa magawang dakpin sya ng maayos!!!?, tanga ba kayo o sadyang wala lang talaga kayong utak?!! Mga bobo!!! Hindi ko kayo binibigyan ng pera para mg tangatangahan kayo....!!
Hinugot nya ang baril na nakatago sa ligod nya at binaril nya sa ulo ang isa sa mga tauhan nya. Takot at pagkabigla ang gumuhit sa mukha nang iba pang kasamahan nila ng makita nilang wala na ang isang kasamahan nila..
Boss-" ayan!!!... Nakikita nyo ba yan?!!, ganyan ang mangyayari sa inyo kapag gagaguhin nyo ko, sa susunid  wag kaying gumawa ng mali kung ayaw nyong maging malamig na bangkay tulad nito!!! Ikaw (tawag nya sa isang utusan nya na may authoridad) itapon mo ang bangkay nato, at siguraduhin mo lang na hindi ka papalpak kung ayaw mong matulad sa kanya. Maliwang ba!?"
"Opo boss.." May halong nginig at takot ang boses nito habang symasagot sa boss nila.

Boss"at ikaw naman gusto kong hanapin ninyo ang Christof na yon   at wag kayong babalik hanggat hindi nyo sya dala! Dahil alam nyo naman ang mangyayari sa inyo kapag pumalpak uli kayo".
Sabay pag sipa nya sà lalakeng kakapatay nya lang kanina.

"Yes boss"
Boss"good! Makaka alis na kayo"

Lagot ka sakin Christof!! Talagang pinahihirapan mo ko sa paghuli ko sayo.. Sige lang sulitin mo na habang humihinga ka dahil baka sa susunid hindi mo na ako matata kasan...(insert evil grin)

.
.
.
.
.
.
.

Papa Cadyo's POV
Andito ako ngayon sa maliit na bayan sa ibaba ng bundok kung saan kami nakatira ng anak ko, sa totoo lang wala namang may alam na doon kami nakatira sinisigurado ko kase na wlang nakakakita sakin satwing umuuwi ako.....
Maaga akong umalis ng bahay upang mag matyag dahil sa lalakeng iniligtas ng pinaka mamahal kong anak, sa totoo lang ayaw kong tumira pansamanta ang lalakeng yon sa bahay dahil iba ang kutob ko... Para kasing may naghahabol na masasamang tao sa batang yon dahil sa pasa at sugat ng tama ng bala sa balikat nya.. At malaki ang posibilidad na hinihanap sya ng mga yon at baka matuntun sya doon sa amin. Mahirap na baka madamay pa kame ng anak ko at ang higit sa lahat baka malaman nila kung ano kame at hindi pwedeng mangyari yon, ibubuwis ko ang buhay ko mailayo ko lang sa kapahamakan ang anak ko.

Habang ng lalakad ako, nay nakita akong mga lalake na ng tatanong sa mga tao at may dala-dalang larawan. Nag paggap ako na dadaan lang at kagaya ng hinala ko nilapitan ako ng isa sa mga kasamahan nito

"Ahh, excuse me ho manong, matanong ko lang ho kung may nakita po ba kayong lalake na may katangkaran? May dala po kameng larawan tignan nyo po baka sakaling nakita nyo na sya"
Sabi sakin ng isa sa mga lalake.
Hinawakan ko ang larawan at hindi ako pwedeng  kamali sya yung lalakeng iniligtas ng anak kong si Cath

Paano na to nanganganib ang anak dahil lalakeng yon, binigay ko olet ang larawan, "pasensya na ho pero wala naman po akong nabalitaan na may napadpad sa probinsya namen..matanong ko lang ho bakit sya nawawal?"

"Ahh....ano kasi ammm---- pano ko ba sasabihin, ahh! Alam ko na pinagalitan kc sya ng tatay nya kaya ayun ng layas..!!" Mg kanda bulol- na sagot sakin nung lalakeng nka itim... Kahit na halata naman sa itchura na ng sisunungaling sya.....

Matapos kong kausapinang lalakeng yon umalis na ako at ng mamadaling umuwi, dapat ko nang palayasin ang lalaking yon delekado kame hanggat andon sya sa amin!

.
.
.
.
.
.

Cath's POV
umakyat ako sa isa sa mga puno na malapit sa ilog at tumayo ako dun, tinignan ko si  chris nasa baba sya at naliligo parin...kahit na malayo ang gwapo nya parin sabi ko sa sarili ko.

Tumingin ako ako sa tubig at tumalon ako, wow ang daming isda, gutom na rin ako kaya mg huhuli na muna ako kahit apat o lima lang pwede na..

Nilapitan ko ang mga isda at naka kuha ako ng isa, pag ka kuha ko non parang nauubusan na ako ng hangin kaya umahin na muna ako

Pag ahon ko kagat-kagat ko ang isdang nahuli ko, lumApit ako kay cris habang tumutulo ang dugo ng isda sa damit ko..

At

"Chris! Tignan mo ohh nakahuli ako ng isda, gusto mo ba? Hati tayo kung gusto mo malaki naman yung isdang nahuli ko"
Masaya kong sabi sakanya

Chris Pov

"Chris! Tignan mo ohh nakahuli ako ng isda, gusto mo ba? Hati tayo kung gusto mo malaki naman yung isdang nahuli ko"

Rinig kong sabi ni cath, sa totoo lang nahihiwagahan talaga ako kay cath kakaiba sya parang hindi tao kung gumalaw pero in-fairness cute sya hindi naman maikaila na maganda sya , kinilabutan lang talaga ako kanina na ng pupumilit syang paliguan ako , nakalimutan nya yata na lalake ako? , pero imposible naman yata yun, ikaw banaman paligan ka ng isang maganda at cute na babae, naku! ilang beses akong ng dasal sa dyos na sana hindi magalit ang alam nyo na baka mapansin nya at pag sabihan pa akong manyak, ayaw pa naman sakin ng tatay na baka pag ngkataong malaman ng tatay nya baka palayasin ako ng wala sa oras , wala pa naman akong mapunthan ngayon...

Back to present tinawag nya ako lumingon ako at nabigla ako sa nakita ko, may kagat-kagat syang malaking isda at mas nakagulat ay yung pag kagat nya sa ulo ng isda malansa kay yun hindi ba sya nandidiri sa lasa?!
Hinawkan nya ang isda at inalis ang bituka, habang nakikita ko syang ginagawa yon todo pahid kç sya sa damit nya at para bang nakakatakot enjoy nà enjoy kç sya para syang sinapian ng masamang espirito..
Nang natapos nya yong alisan ng bituka binali nya ito pagitna sabay hila. Nahati ang isda sa parehong sukat sababay bigay nya sakit ang bahaging buntot

"Oh, hetong sayo" sabay ng pagkasabi nun sakin ni Cath sinubo nya naman yung isang kalahati ng isada na hilaw...!!?

"Yuck!! Kadiri ka naman Cath! Bat mo kinain ng hilaw ang isda malansa yan! Iluwa mo dali!" Sabi ko sa kanya

"Bakit naman?" Sabi sakin ni cath hàbang ngumunguya "masarap kaya tchaka gutom nà rin ako"
Sabi nya sakin habang patuloy lang sya sa pagkain
"Kanibal ka ba?"

.
.
.
.

Pussy CATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon