Kabanata 1: ANG NAKARAAN
Pag-sasalaysay:
"Georgina. Ipinapangako ko sayo na mamahalin kita nang buong-buo. Haharapin ko ang mga magulang mo. At ako mismo ang mag sasabi sa kanila na ako ang ama nang dinadala mo!" Tugon ni Rafael
"Ngunit... Ikapapahamak mo lang ito. Ayaw kung masaktan Ka nang dahil sa akin!" Tugon muli ni Georgina.
"Pero! Kung hindi natin sasabihin. Malalaman at malalaman parin nila ang katotohanan mahal ko. Lalo't 2 buwan na ang tiyan mo!" Tugon ulit ni Rafael.
"Ikaw ang bahala. Pero sa oras na saktan ka nila Ama at Ina. Di ako mag dadalawang isip na sumama sayo at mag pakasal upang doon na tayo tumira sa bahay niyo." Tugon ni Georgina na may sinsiridad sa kanyang boses.
Tumango nalang si Rafael at tumungo sa bahay nang mga RIVERA(last name ni Georgina nu'ng siya ay dalaga pa lamang)
At di nag tagal ay nakarating sila sa kanilang patutunguhan.
Binuksan ni Georgina ang pintuan.
At ikinagulat nang magkasintahan ang nakita nila.Nasa salas na ang ama at ina ni Georgina na tila kanina pa sila hinihintay.
"Mabuti at narito kana Gina!" Usal ni Señorita Georgette.
Ngunit walang kibo si Georgina.
Datapwat nanginginig ang tuhod nito dahil alam niya na ikakapahamak ni Rafael ang gagawin nila."Ina..." Panimula ni Georgina
Umiling lang ang ina nito.
"Alam kung may problema ka aking anak. Halika sa tabi ni papa mo!" Tugon ni Señorito Daniel.
Tumungo ang mag ina sa kina uupuan nang ama nito.
"Ina. Ama." Na tigilan si Georgina nang biglang pumasok si Rafael sa bahay nang mga Rivera.
"Anot tila wala kang balak sabihin na may kasama ka pala?" Tanong ni Daniel.
Tumayo ang ina ni Georgina at inalalayan si Rafael na umupo sa harapan nang pamilya Rivera.
Tumayo naman si Georgina at tumabi kay Rafael. Hinawakan nang dalaga ang kamay ni Rafael at sabay sabing.
"He's my boyfriend." Tugon nang dalaga. Na ikinalaglag nang mga panga nang mag asawa.
"Oh. Eh ano ngayon kung kasintahan mo ang lalaking yan? Wala naman akong nakikitang problema!" Tugon nang Señorito Daniel.
"Yun na nga ama. Narito kami upang mag lakas loob na ipa alam sa inyo na." Natigilan saglit si Georgina.
"Na buntis po ang anak niyo! At ako po ang ama!" Pag lakas loob na sambit ni Rafael.
Mas lalong hinigpitan nang dalaga ang pagkahawak niya sa kamay nang binata.
Bakas sa mukha nang Señorito Daniel ang pag kagulat sa narinig na tugon ni Rafael.
Tumayo ito at umakyat sa kuwarto nila.
Agad naman itong sinundan nang Señorita Georgette upang kausapin.(Sa loob nang silid nang mag asawa)
"Mahal. Bakit ka umalis?" Tanong nito sa asawa.
"Hindi. Hindi ko alam kung ano ang maging reaksiyon ko sa isiniwalat nang dalawang iyon!" Tugon nito.
"Naaalala mo pana nu'ng edad nila tayo?" Panimula nang Señorita.
"Nabuntis mo rin ako nun. Parehas sa sitwasyon nang anak natin. Pag katapos kung grumaduate non nang College. Tas pumunta tayo sa bahay namin. Upang I ulat sa magulang ko ang nangyari. Diba. Sumang ayon naman sila. Wala silang pigil sa gusto nating gawin. Kaya hayaan na natin si Georgina. Total malaki na ang anak natin. At kailangan narin nang ating panganay nang makakasama sa pang habang buhay dahil matanda na rin tayo. At batid natin na walang permanenteng bagay na mananatili sa mundong ito!" Pag sa salaysay nang Señorita.
Mukhang naliwanagan naman ang Señorito at nag pasya na bumalik sa mag kasintahan.
Umupo ito sa kinauupuan nila kanina.
"Iho nakatapos kana bang mag aral?" Panimulang tanong ni Daniel.
"Opo Tito!" Tugon ni Rafael.
"Ani ba ang trabaho nang pamilya niyo?" Tanong ni Georgette.
"Si papa po ay kasalukuyang minamaneho ang companya namin. Taas si mama naman po ay inaasikaso rin ang hospital na pinapatayo niya.
Mukhang nakumbinsi nang mag kasintahan ang mag asawa Rivera.
May patango tango pa si Daniel.
Dahil ang gusto niya kasi ay hindi Ma parirala ang kinabukasan nang kanyang nag iisang anak.Tumayo ito at lumapit kay Rafael.
"Kung gano'n Welcome to the family Mr. Nakashige!" Tugon ni Daniel na ikinakunot noo ni Rafael.
Nag tataka ang binata dahil alam na agad nang ama ni Georgina ang huling pangalan nito.
Nang ang magkasintahan nalang ang naiwan sa salas.
Nag akapan ang dalawa Sabay halik sa isa't isa.Nagagalak ang dalaga dahil hindi nagalit ang ama nito.
Tila nagustuhan nang ama nito ang antas nang pamumuhay ni Rafael.
Di nag tagal ay Nagpasya ang dalawa na mag pakasal na bago pa man isilang ni Georgina ang sanggol.
Ikinasal ang dalawa noong January 19, 1999.
At kalaunan ay ipinanganak ang sanggol na babae na Pinangalanan nilang
'Samantha Coleen Nakashige'
Isang napakakisig na babae na kay tangos nang ilong. Mababakas mo sa kanya ang tunay na kahulugan nang maganda.Pero sa kasamaang palad ay pumanaw si Georgina dahil sa Lung Cancer.
At kalaunan rin ay sumunod ang ama at Ina nito.
No'ng una ay di matanggap tanggap ni Rafael ang kinahantungan nang pangyayari pero unti unti rin itong napapawi dahil sa anak nilang si Samantha
Ipinangako ni Rafael na aalagaan niya si Samantha hanggang sa huling hininga nito. Ibibigay niya lahat nang gusto ni Samantha para di masabi nang anak nila na hindi siya nag kulang.