Kabanata 6: Pananakot
Patuloy pa rin kami sa biyahe namin.
Kung kanina lang ay 5:30 p.m na.
Ngayon ay 8:12 p.m na. At dipa kami nakakarating sa pupuntahan namin."Tama ba talaga tong tinahak natin na daan Mark?" Tanong ni Rey.
"Eh yon ang naka tala dito sa mapa!" Tugon nito.
Hinablot ko ang mapa na tinutukoy nila.
Mukhang tama naman. Tama naman ang daan na tinahak namin.
"Wait. Tama ba ang nakikita ko?" Panimulang sambit ni Elijah.
"Saan?" Sabay bigkas namin.
Sa di ka layuan ay naaninag namin ang isang bahay kubo.
May ilaw ito sa loob.
Pero dipa rin kami umurong.Nang malapit na kami sa bahay.
Don na kami bumaba.Pag bukas ko nang sasakyan. Ang ginaw nang paligid.
Tang ina. Ano ba itong lugar NATO.Wala paring signal. Taas maginaw.
"Sino ba ang nakabantay dito?"tanong ni Mia.
"Ako!" Napatili kaming lahat dahil may biglang nagsalita.
Tumingin kami sa taong mag salita.
Napahawak ako sa braso ni Elijah. Nakakakilabot ang mukha nang matanda. Taas iba pa ang ngiti nito.
Ang buhok niya na parang ilang taon na walang gupit at walang suklay.
Taas ang mga kuko niya na sobrang haba na. At ang mga balat nito ay kulobot na."Ah manang!" Panimulang tugon ni Rey.
"Ano yon iho?" Tanong nito.
Nakakatakot ang boses niya. Parang hinihigop niya ang mga enerhiya namin.
"Bakit umuusok ang bahay niyo?" Tanong ni Rey.
"Hindi niyo na itatanong isa akong manghuhula. Halika kayo. Pumasok kayo sa munti kong bahay." Dinala niya kami sa loob nang bahay niya.
Parang kanina lang ay paugod ugod pa ito man lakad pero ang bilis niya.nasa bintana na siya ang bahay nila hinihintay kaming makapasok.
Nang nakapasok na kaming lahat.
Tumawa ito.
Sanhi nang panginginig nang kamay ko."Uh manang. Mawalang Galang napo. Pero hindi ba kayo natatakot na kayo lang mag isa ang nandito sa lugar NATO?" Tanong ko.
"Hindi!" Pa sindak niyang tugon. Na siyang ikinagulat ko.
Tang ina naman tong matandang to. Manggugulat.
"Bakit pala kayo naparito?" Tanong niya.
"For adventure!" Sagot ni Mia.
"Ang lugar nato ay hindi pangkaraniwan. Delikado. Noon pa man ay sumagi na sa isipan ko na may mga 6 na mag ka kaibigan ang mapapadpad sa lugar nato.
Pero uuwing luhaan.
At nakakatiyak ako na kayo iyon.
Lalo't batid ko na sa lakad niyong ito ay may namamaalam na!" Pag sasalaysay nang matanda."Nag kakamali ka!" Tugon ni Mark.
"Oo nga!" Pag sang ayon ni Rey.
Pero kaming mga babae ay natatakot na.
"Hindi pa nangyayari sa buong buhay ko ang magkamali iho. At binabalaan kuna kayo. Nasa huli ang pagsisisi." Tugon nito.
"Manang maaari ba naming malaman kung sino ang mamamaalam?" Tanong ko.
"Paumanhin iha. Ngunit ang tangi ko lang masasagot ay nasa hanay ito man mga babae. Isang babae ang mamamaalam ngayon. Pero diko alam ang pangalan nito." Tugon niya ulit.
Shit. This is trully sucks.
"Maiba tayo. Saan kayo matutulog ngayon!" Tanong nang matanda.
"Baka sa labas na lang po manang." Tugon ni Mia.
"Hindi maaari iyan. Ikakapahamak niyong lahat iyan. Mas mainam kung dito nalang kayo sa loob nang bahay matulog." Tugon nang matanda.
Nag tinginan kami sa isa't isa.
Parang sumanga yon naman ang lahat.
Kaya naghahanda na kami upang matulog."Mag si tulog na kayo mga iha at iho! Maliban sa iyo Iha!" Turo niya sa akin.
"Ako?" Tanong ko.
"Oo ikaw. May pag uusapan tayo!" Tugon niya.
Lumabas kami nang bahay niya at nag usap.
"Batid ko iha na may kakaiba sayo. Nu'ng una pa lamang kitang nakita ay may nararamdaman na akong kakaiba sayo." Panimula niya.
Nanatili pa rin akong walang kibo."At alam ko na dika nag pa alam sa papa mo na aalis ka. Dahil batid mo na hindi ka niya pagagalitan. Pero wag maging abusada iha. Ang lahat nang yan ay may katapusan. Walang permanenteng bagay sa mundong ito.
May naka kubling pambihirang katauhan mo sa iyong sarili na balang araw ay lalabas rin.
Nakikita ko sa mga mata mo na makasarili ka. Ikaw ang tipong babae na walang ibang gustong gawin kundi ang mag lakwatsa.
Mag sayang kung anong meron ka.Hindi pa diyan nag tatapos iha. Dahil nakikita ko sa mga mata mo na ikaw ang hahalili bilang isang may ari nang companya niyo.
Dahil batid natin na may katandaan na ang iyong ama. Pero dimo magugustuhan ang mangyayari!" Tugon nito.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"Tungkol sa mga kaibigan mo. Ang mamamaalam ngayong gabi ay si Mia! Tama ba ang pag bigkas ko nang pangalan! " tugon niya na Ikinabigla ko.
Mas lalong nag paiyak sa akin ang katagang binitawan niya.
Hindi maaari.
Hindi pwedeng may mamaalam sa amin.
Kumpleto kaming pumunta dito kaya kumpleto din kaming uuwi."Matulog kana iha." Tugon nang matanda.
Tumakbo ako patungo sa loob nang bahay niya. Laking gulat ko nang
Nakita ko an matanda na tulog na tulog na sa munting balkonahe nito.
Bahagya akong pumasok sa loob at tumabi sa mga kaibigan ko.Ipinilit ko ang mga mata ko.
Hanggang sa unti unti akong nakatulog.
