Kabanata 7: Mia
Nagising ako nang madaling araw.
Tinignan ko ang cellphone ko at 1:02 a.m palang.
Isinuot ko ang jacket ko at lumabas nang kubo.Nag palakad lakad ako sa daan.
Hanggang sa May makita akong isang napakagandang pusa.
Kulay puti siya na may kuwintas sa leeg.
Sinundan ko ito hanggang sa diko namalayan na nakapasok na ako sa gubat.
Nilibot ko nang tingin ang paligid pero tanging puno lang ang makikita ko.Sa di kalayuan ay maaaninag mo parin ang kubo nang matanda.
Tinignan ko ulit ang pusa.
Laking gulat ko nalang nang wala na ito.
Hinanap kopa ito pero wala na talaga.May biglang tumapik sa balikat ko.
Nilingon ko ito.
Diko magawang sumigaw o gumalaw man lang.Isang mananangal ang nasa harap ko.
Hinahawakan ang leeg ko.
Sanhi na di ako maka hinga.Binunot nang mananangal ang kutsilyo na nasa tagiliran niya at.
Itinusok sa noo ko.
Unti unti akong nawalan nang malay.
Hanggang sa wala na ang lahat.Third persons point OF view.
Kitang kita nang matanda sa daw lalong mata niya ang nangyari kay Mia.
Nakatakip ito nang bunganga upang maiwasang sumigaw."Delubyo!" Tugon nang matanda.
Itinusok nang mananangal ang kutsilyo sa noo ni niya sanhi nang pagkamatay nito.
Dali daling umalis ang matanda at bumalik sa pag tulog.
Ito na ang simula nang kabayaran ni Samantha.
Kawawang Mia. Nadamay pa tuloy sa isang delubyo na di naman sana siya kasali.
"Hindi pa dito natatapos." Tugon nang matanda.
Paalam MIA.
--------
Samantha's POV
Nagising ako sa sobrang lamig nang paligid.
Inikot ko ang mga mata ko sa paligid ngunit ni isang tao ay wala kang makikita."Asan naba sila?" Tugon ko sa sarili ko.
Bumangon ako at isinuot ang leather jacket ko at lumabas nang bahay.
"Hindi na ako mag tataka na bakit ang lamig dito kasi hindi pala maaninag ang araw dito" tugon ko ulit sa sarili ko.
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin nang matanda kagabi.
Naalala ko tuloy si Mia.
Wait Mia ba? Asan naba kasi sila.
Wala sila sa bahay wala din sa paligid. Tinignan ko sa sasakyan wala din doon.------------
Elijah's POV"Mia" sigaw ni Mark.
Nasa gubat kami ngayon. Nag hahanap ni Mia.
Magkasama kami ni Mark ngayon.
Si Jessa naman at si Rey.
Si Sam iniwan nalang namin sa bahay dahil tulog na tulog ito."Mia!" Sigaw ulit ni Mark.
Sa di sinasadyang pag kakataon.
May nabundol akong tao."Aray!" Napabumtong hininga nalang ako sa nakita ko.
"Samantha?" Gulat kong tugon nang nakita ko si besshy.
Bakit niya alam kung nasaan kami?
Sining nag sabi sa kanya?"Ba't niyo ko iniwan mag isa?" Tanong niya.
" Ang himbing kasi nang tulog mo!" Tugon ni Mark.
Napa ngisi naman ako sa sinabi ni Mark.
Totoo naman kasi. Para siyang patay na wala nang pag asang mabuhay.
Hahahahahaa"Aray!" Napa tili ako dahil binatukan na naman ako ni Sam.
"Lutang kana naman."tugon niya.
Nag pouty lips nalang ako.
Nag patuloy kami sa pag lalakad. Nang biglang mag salita si Sam.
"Si Mia? Nakita niyo ba?"
Natigilan kaming dalawa ni Mark sa pag lalakad.
Ilang segundo pa ang lumipas bago namin nasagot ang katanungan niya.
"Yun na nga eh." Panimula ko
"Nawawala si Mia. Kagabi napansin kung bumangon siya. Pero di na bumalik sa loob nang bahay. Ewan koba sa babaeng yun." Patapos kung ulat.
"Shit!" Pabulong na sambit ni Sam.
Nag tataka ako kung bakit gano'n nalamang ang reaksiyon niya sa pag kawala ni Mia.
"Bakit?" Tanong ko.
"Wala! Bilisan natin ang kilos natin nang madali nating mahanap si Mia!" Tugon niya.
Nag patuloy na kami sa pag lalakad.