3rd Chapter
TUNTUNTUNUNUN TUN TUN TUN TUN!
Ang ewan naman nung nag-d-drums sa music room. Naririnig ko eh. Nandito lang ako sa labas. Makapasok nga nang sa makita ko.
Kaya naman pala eh. Kaya ang pangit ng sounds eh. Kasi pangit yung nag dadrums. Si Lay lang pala.
“Hoy. Marunong ka bang mag-drums?” tanong ko sa kanya. Mukha naman siyang nabigla kasi nabitawan niya yung isang drum stick. Nabighani sa pagmumukha ko.
“Ah-eh, hindi.” Sagot niya sabay kamot sa batok. May kuto siya sa batok? Thats cool!
“Eh bat ka nag-d-d—“
“Zhang Yixing!!!” Grabe makasigaw. Feeling high pitched lang? Sino naman to?
Okay, si Suho pala yung sumigaw. Hinahanap yata si Lay pringles base sa nakikita ko.
“Lay, kanina pa kita hina—Who you?” tapos tinuro niya ko.
“Dani Song.” sagot ko.
Name: DANIELLA ELIZA JANE SONG
Nickname: Dani, Daneh, Eli, Jane
Birthday: --
Age: --
Nationality: KoreanPHYSICAL FEATURES
Hair: Brown (naturally), mostly Blonde with colorful highlights
Eyes: Brown
Skin: Fairly white
Height: 5’5Background: A former gangster. She quitted for being a gangster when her dad forced her to study in the academy. She got in the academy for having the three qualities needed.
Section in the academy: section X-K
FACTS about her
•She's a former gangster thats why when you see her she always wear black clothing.
•She won 4 times in car racing.
•Despite of her gangster attitude, she loves writing and reading stories.
•She likes heels. She has a collection of heels, most are black.“Ah.” Tapos tumingin siya kay Lay, “Where have you been?”
“Ewan ko. Nakalimutan ko anong tawag dun eh. Pero kita mo nga na andito ako, tapos tatanungin mo pa san ako nanggaling.” Reklamo ni Lay. May point siya dun.
“Aba, syempre. Walang kwenta si Kris eh. Sabi ko hanapin ka, ayun, kumakain lang ng chicken. Pero may ‘chicken is not my style’ pa syang nalalaman.” Daldal ni Suho. Mukhang badtrip kaya maingay.
“Daldal mo, bakit ka ba nandito? Ano ba meron?” Makaaalis na nga lang. Mukha akong invisible dito eh. Parang wala ko. Di lang nakikita? Sa laki kong to?
Lay's POV
Ano nga ulit sasabihin ko kay Suho hyung? Scripted kasi to eh. Biro lang! Nakalimutan ko.
“Hyung naman eh!” tapos sinabunutan ko siya. Para masaya. Nakakainis eh. Sayang yun!
“Aray naman, Lay! Anong problema mo?” singhal nya. Napasimangot pa siya sa inaasta ko.
“You ruined the moment.” sagot ko.
“Oy, english yun ah. Improving.” Niloko pa ko ng loko. Baliw din to, akala mo naman, maayos na leader eh. “Ano nga palang ni-ruin ko?”
“Andun na eh! Ang epal mo kasi! Sayang yun! Waste of time.” tapos sinabunutan ko siya ulit.
“Quit pulling my hair!” singhal niya. Ang OA. Di naman ako masakit manabunot. Nakakainis lang talaga. Nakakaasar. That's my chance.
Third Person's POV
“Aw! The twinkle, twinkle. The twinkle, twinkle. Ooh, whoa!” Kinakanta niya yung Twinkle ng TaeTiSeo habang naglalakad tapos sinisipa niya pa yung mga bato.
Napatigil siya sa paglalakad nung nakita niya si Lay na kumakain ng ramen.
“Oyy!” tapos tinap ni Lay yung upuan na para bang pinapaupo nya si Daneh dun.
“Bat nawala ka kanina?” tanong ni Lay habang nakatingin sa kinakain.
“Feeling ko kasi invisible ako dun eh. Kayo lang naman ang nag uusap.” Sabi niya ng di ba malaman kung anong pinaparating niya.
“Ah. Ano nga pala pangalan mo?” tanong ni Lay.
“Sinabi ko na kay Suho kanina, diba?” pero tinignan lang siya ni Lay ng ‘nakalimutan-ko-Look’.
She sighed, “Dani Song.”
“Ikili naman. Song Da Ni?” sabi niya habang nginunguya. Buti naiintindihan siya ni Dani kahit papaano.
“Hindi. Daniella Eliza Jane Song.” Sabi ni Dani habang nakatitig dun sa ramen na kinakain ni Lay.
“Binabawi ko na yung sinasabi ko kanina. Grabe kahaba yang pangalan mo.” Ngumunguya pa rin siya. Halatang di nakain at gutom na gutom. “Gutom ka noh?”
“Hindi noh.” Maang maangan na sabi ni Daneh. Nahihiya siya na humingi or ano man. But still, an offering, a blessing.
“Edi hindi. Bahala ka. Di kita bibigyan nitong—wait.” Tinignan niya muna yung kinakain nya. Nakalimutan nya kasi kung anong tawag dun. “Ah, ramen.”
“Lay!” biglang dumating si Xandrielle. Eepal muna sya sa love story ng dalawa. Medyo namamadali yung kwento nila. “Hinahanap ka nila.”
“Sinong ‘sila’?” tanong ni Lay. Btw, naubos niya na yung ramen. Talagang di niya binigyan si Dani kasi nag ala Xiumin siya sa katakawan.
“E. X. O.” Ginaya ni Xandrielle si Sehun.
“Di ko alam rap ni Chanyeol dyan eh. Paano ko itutuloy yang E.X.O mo? Asan nga pala sila?” si Lay sabay tayo sa pagkakaupo.
“Sa auditorium.” sagot ni Xandrielle habang may kinakalikot sa phone niya.
“Anong ginagawa nila dun?” tanong ni Lay. Nagtataka siya na sobrang smart. But I'm not into him.
“Ewan. Inutusan lang nila ko eh. Bye!” tapos umalis na siya.
“Hoy Eli, alis na ko. See you when I see you. Maybe that will be some time.” Sabi ni Lay tapos nagsmile pa siya, labas yung dimples.
"Sige!"
Lay's POV
Kilala ako bilang makakalimutin, pero ikaw, siguradong hinding hindi ko makakalimutan.
