10th Chapter
Someone's POV
"You like her?" nabigla ako sa nagsalitang katabi ko. Kakaupo nya lang siguro sa tabi ko kaya di ko napansin, medyo nakatulala yata ako.
"H-Hindi." sagot ko. Nako, masyado na ba kong halata? Di naman siguro.
"You don't deny it to a goddess." calm nyang sabi. Sobrang kalma nitong babaeng to. Di ko alam kung anong pinagsasabi nya, goddess? Oo, maganda sya. Pero may bagong recruit na pala sa Mt. Olympus?
"Hindi nga kasi."
"I can help you with that." pamimilit nya. Help? Saan? Napaka mysterious ng babaeng to. Di ko ba alam kung anong meron sa kanya, pero feeling ko, may ibang kakayahan to eh, maraming sikreto.
Kyungsoo's POV
"Kasi naman eh! Sige na!" pangungulit sakin ng babaeng katabi ko. Nasa may cooking room kami. Nagtatry ako ng bagong recipe ngayon nang sumulpot to.
Name: Star Audette Muñoz
Nickname: SAM
Birthday: --
Age: --
Nationality: KoreanPHYSICAL FEATURES
Hair: Brown
Eyes: Brown
Skin: Fairly white
Height: 5'3Background: She is best friends with EXO's D.O, and she got into the school for having the 3 requirements: rich, independent and intelligent
"D.O plese! Para sa best friend mo naman to eh! Pumayag ka na!" nagpout pa sya at nagtry na gawin yung so-called 'famous puppy-dog eyes' niya.
"Sam, ilang beses ko ba sasabihin na ayoko nga. Sa iba ka na lang mag-interview, may ginagawa pa ko." sinabi ko na may dagdag na iritadong tono sa mga salita ko. Hindi ako naapekto sa pout at puppy-dog eyes nya.
Di pa talaga ako titigilan ni SAM? Nakitang niya ngang may ginagawa ako dito tas mangungulit pa siya?
Ito kasi ang nangyari, nangugulit sia sakin dahil gusto niya ako iinterview. Requirement daw nila para sa homework ba? O sa project ba yun? Nevermind.
"Sige na nga, sa iba na lang. Ang mean mo." nag-pout sya at umalis na. Sa wakas, makakabalik na rin ako sa ginagawa ko kanina. Ang busy ko kaya.
Sam's POV
Lumabas na ako sa cooking room at gumagala-gala na lang ako. D.O naman kasi eh, sino pa ba nga i-interviewhin ko? Ang tanga ko minsan!
Umupo ako sa isa sa mga bench na nakalagay sa labas. Kinalkal ko yung bag ko at nilabas yung sketchpad ko at HB pencils. Nilabas ko na rin yung earphones ko at sinaksak ko sa tenga ko.
Hay, makasketch na nga lang. Proproblemahin ko na lang yung interview mamaya para sa ngayon, magre-relax ako.
Nakaplay yung bagong kanta ng EXO, Overdose, sabihin natin na in between new and old yung kanta.
Binuksan ko na yung sketchpad at nagsketch ng kung ano ano lang. Wala naman kaso akong magawa at di ko alam sinong iinterviewhin ko. Edi eto nalang.
Wala na akong marinig kundi ang kanta na Overdose at wala na akong makita kundi ang sketchpad ko. Nasa sariling mundo na ko.
Someone's POV
Gumagala-gala lang ako sa buong campus habang hinahanap ang isang taong makakalimutin. Wala na rin akong alam kung nasan na siya, nawala nanaman sya. Kilala nyo na yung makakalimutin na yun.
Tuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang may makita akong babae na nakaupo sa isa sa mga benches. Nagske-sketch siya na may nakasuot na earphones rin.
Nacurious ako kaya lumapit ako sa kanya. Pagkadating ko sa likod ng babae, nakita ko na nagsesketch sya. Ba, may talent sya ah.
Tumitingin pa rin ako sa sketch nya sa likod niya na naka crouch down. Ayoko sya istorbohin, baka magulat at magalit pa sa akin.
Bigla siyang napasimangot tas bumagsak ulo niya sa likod, kung nasan ako. Nakapikit pa siya kaya hindi pa niya ko nakikita tas malapit yung mukha namin sa isa't isa. Makaalis na nga, baka mapasigaw pa.
Aalis na sana ako nang bumukas na mga mata niya. Shet, caught in the act. Lumaki mga mata niya tas-
PAAAAK!
Napatumba ako sa puwit ko at tinatakpan yung noo ko. Ang sakit! Hinead-butt niya ko, ang tigas pa naman ng ulo niya. As if naman na pwedeng kasing lambot ng unan yung ulo ng mga tao!
"Ouch..." sa lahat ng pwedeng kong masabi, yun lang yung lumabas sa bibig ko. Ang sakit kaya! Try mo na ihead-butt ka ng malakas sa noo -.-
"Ah! S-sorry po! Sorry, sorry, sorry, sorry, sorry!" nagbow siya sa bawat sorry na binanggit niya tas tumakbo na sya paalis.
So ganun? Di ako tutulungang makatayo? Tumayo na ako at aalis na nang nakita ko na naiwan niya sketchbook nya. Aish! Jinjja! Anong gagawin ko dito? Ibabalik ko ba? Magkikita pa ba kami nun?
Someone's POV
Tch. Andaming nabubuo.
Nilapitan ko sya habang hawak hawak nya ang isang sketchpad. He's just staring at it? Bat di nya itry buksan, di ba? May mawawala ba kung bubuksan nya?
"Ikaw nanaman?" mukha sya iritado sa pagdating ko. Masarap kasi inisin ang mga tao ngayon. Tao nga ba?
"Chill. I still don't have plans." sabi ko, more like threatening him.
"Ano bang sinusubukan mong gawin? Are you trying to make our lives miserable?!" inis nyang sigaw. Wow, Engrish. Improving.
I sighed, "I said, chill. Masyado tayong hot."
Tumingin sya sakin, confusion, frustration and um, madness shown on his face. Well, an evil grin on my face though. You don't know what I'm capable of doing. I say, don't mess with a goddess.
I shook my head and walked away.
Lets do it one way or another.
BINABASA MO ANG
The Untitled Academy
FanfictionThe Untitled Academy, a product of EXO's insanity. ♥