4th Chapter: Raekyo

217 12 5
                                    

4th Chapter






Chanyeol's POV

Nandito kami ngayon sa auditorium kasi magkakaroon ng.. ewan. Wala pa, di pa nagstart yung meeting kuno namin. Di ko ba alam anong pakulo ng SuChen. Sila nagpatawag samin dito pero kulang pa kami kaya di pa nagsstart.

“Ano meron?” tanong ni Lay hyung na kararating pa lang. Umupo siya sa may dulo ng stage.

“Ewan.” Sagot ni Sehun na nasa likod na nakataas pa yung paa. Feeling like a boss ang maknae.

“Kumpleto na ba tayo?” tanong ni Suho na nandun sa stage nakaupo. Kami kasi nakaupo lang sa mga upuan at kalat kalat pa kami. Yung iba nasa harap, yung iba nasa likod, at yung iba nasa gitna. Pero yung iba nakatayo. Astig noh? EXO ata to.

 “Wala pa si Luhan.” Sabi ni Xiumin hyung na kumakain. Wag na kayong magtaka, free time namin kaya kumakain yan. Napalingon naman si Sehun sa kanya. Alam na!

“Eonni, ano ba! Nagugutom nako! Di pa ko naglunch! My tummy’s growling. Sabi niya ‘na eureurong eureurong eureurong dae!’”

“May pagkain dun! Tsaka anong eonni?! Nakalimutan mo na ba na lalaki tong kuya mo?! Ayus ayusin mo ah!”

“San ka ba nakakita ng pagkain sa auditorium? Kailan pa ba nagka grocery dito? O baka naman nagpagawa na kayo ng carinderia? Tsaka eonni kasi sa ganda mong yan, mas mukha ka pang babae kesa sakin!”

“Oh, Luhan hyung. At last, dumating ka din!” sabi ni Suho hyung habang naka smile. Nagstretching pa siya. Akala mo naman tatangkad dahol sa stretching.

“Sino yan?” tanong ni Lay hyung tapos tinuro niya yung babaeng kasama ni Luhan hyung.

“Si Rae Kyo, half sister ko.”

Name: SUNG RAE KYO
Nickname: Raek, Rae, Kyo, Raekkie
Birthday: December 5
Age: --
Nationality: ½ Chinese, ½ Korean

PHYSICAL FEATURES
Hair: Wavy, brown
Eyes: Dark brown
Skin: Fairly white
Height: 5’2

Background: She’s Luhan’s younger half sister. Got in the academy for having the three qualities and for being related to Luhan.

Section in the academy: section LULU

FACTS about her
•She’s like Chen, she’s a troll and a joker. She likes making people laugh.
•She’s like Chanyeol, she smiles everytime even if she have problems.
•She’s an actress.

Nanlaki yung mga mata ko. Siya na to?! Si Raekkie na to?! Yung crush ko—teka, wala akong sinabi. Grabe! Ang laki niya na! Dati nung nakita ko to sa tv, ang liit palang eh.

“Ah. Oo nga pala.” Sabi ni Lay hyung habang nagnnod pa. Ang inosente talaga nito. Minsan, naisip ko na kung taga saang planrta nanggaling to eh. Mukha naman kasing hindi siya nanggaling sa tiyan ng nanay niya.

“Xiu hyung, yung pinabili kong pagkain sayo?” tanong ni Luhan hyung kay Xiumin hyung. May pinabili siya? Ano naman yun?

“Andito..” tapos kinalkal ni Xiumin hyung yung  plastic “Nakain ko na—Joke lang! Eto.”

“Oh, pagkain mo.” Tapos tinapon niya yung pagkain kay Raekkie. Ang sama talaga nito sa kapatid niya.

“Akala ko nagpagawa ka na ng carinderia dito sa auditorium eh. Ngayon pala nagpabili ka na kay Xiumin oppa.” Sabi ni Raekkie tapos binuksan niya yung pagkain este yung wrapper at nagsimula ng kumain. Kung itatanong niyo kung ano yung pagkain, baozi yun. Wag na magtaka kung bakit baozi yun, si Xiumin hyung ang bumili eh.

The Untitled AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon