I can't believe na nagawa kong kalimutan si Hanna nang dahil sa isang babae. Ibig sabihin ba no'n mababaw lang 'yun naging pagmamahal ko sa kanya? Kaso iniyakan ko naman siya at naramdaman ko na minahal ko siya talaga. Pero hindi ko mapigilan ang paghanga ko sa pinsan ni Paula.
Para sa akin mahal ko pa din si Hanna pero hindi ko naramdaman sa kanya 'yun naramdaman ko kay Andie no'n unang beses ko siyang nakita. Nagtataksil na ba ako kay Hanna nito? Hindi naman siguro kasi wala naman na kami. Isa pa, meron na din siyang iba. T'yaka, humahanga lang naman ako. Gusto ko lang makipagkaibigan. Gusto ko man sana ligawan kaso nahihiya ako. First time ko atang matotorpe sa babae.
"'Yun... pinsan ni Paula.. a-ano ngang pangalan no'n?" Kinakabahang tanong ko kay Amboy. Kanina pa kasi ako tyumi-tyempo para mapunta sa pinsan ni Paula ang pinagkukwentuhan namin.
"Sino do'n?" Wala sa loob na tanong niya habang pinapanood ang naglalaro sa court.
Ang lakas ng kaba ko. Ito na. Sana hindi ako mahalata. Kunwari pa'ko na hindi ko kilala. Alam ko ang pangalan niya. Kailanma'y hindi ko 'yun makakalimutan.
Andie.. Andrea Marie Crisostomo daw ang tunay na pangalan niya dahil nadinig ko ang panunukso sa kanya ng mga pinsan niya no'n nasa bar kami matapos ang countdown.
"Andrea Marie Crisostomo! Patay ka sa Daddy mo!"
'Yan mismo ang nadinig ko sa 'di ko na maalala kung si Jeena o Margareth ang nagsabi matapos aksidenteng makuha ni Andie ang baso na may lamang alak. Akala niya kasi ay iced tea. Muntik na niya mainom 'yun. Ang cute ng reaksyon niya no'n. Nataranta talaga siya. Binabawalan ata siyang uminom ng mga pinsan niya. Hindi ko na inalam kung bakit dahil nahiya akong magtanong.
Nasa may court kami ng subdivision ngayon. Nakaupo kami sa gilid dahil hinihintay namin matapos ang naglalaro ng basketball do'n. Mga taga labas 'yun na inupahan ang covered court namin para makapaglaro sila. Kami ang susunod na maglalaro do'n.
"'Yun ano.. 'y-yun huling pumunta no'n isang gabi?" Sana hindi niya nahahalata na kinakabahan ako. Mabuti na lang din at kaming dalawa lang ang nandito dahil ang iba namin mga kaibigan ay may mga pinopormahan na babae sa kabilang bench. Taga-subdivision din ata namin ang mga babaeng 'yun.
"Si Andie?" Napalingon bigla sa akin si Amboy kaya napaiwas ako ng tingin at biglang pinagpawisan.
Badtrip! Bisto na ata ako. Nakakunot ang noo niya sa akin at biglang ngumisi.
"Ah.. 'yun! Andie pala 'yun name.. siya 'yun nagbirthday 'di ba? Akala ko lalaki.." Sinikap kong maging normal ang pagsasalita. Kahit medyo bisto ay hindi ako nagpahalata na may something sa pagtatanong ko.
"Kaya ba hindi ka sumama sa'min sa bahay nila no'n, akala mo lalaki?" Nadinig ko pa ang pagtawa ni Amboy. Iniwasan ko talagang tumingin sa kanya at tinuon na lang ang mga mata ko sa naglalaro para hindi mahalatang may tinatago ako.
"Ha? H-Hindi 'no?! Masama lang pakiramdam ko no'n talaga."
"Type mo ba?"
Napalingon ako bigla kay Amboy dahil sa gulat. Sobrang straightforward naman ng tanong niya. Ang lakas tuloy ng kaba ko. "H-Hindi ah!" Pagde-deny ko pa. Ayokong aminin. Nakakahiya. "Naitanong ko lang dahil nakalimutan ko 'yun pangalan." Dahilan ko pa kahit kahapon ko pa gusto kulitin sa text si Amboy para makakuha ng information tungkol kay Andie. Hindi ko kasi man lang nagawang kausapin siya no'n isang gabi hanggang sa maihatid na namin silang magpipinsan sa hotel. Hanggang 3 AM lang daw pala sila pinayagan ng parents nila sa labas at kailangan na nilang bumalik bago mag-alas tres.
"Good. Akala ko type mo, eh. Lagot tayo kay Paula." Natatawang sabi pa niya.
"Bakit naman?" Curious na tanong ko.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Dear Heart, Why Her? (Book 3)
RomanceBook 1: Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!") Book 2: Dear Heart, Why Him? *"DEAR HEART, WHY HER? (Justin's POV)" Book 3 of Dear Heart Series* Sabi nila, masasabi mong totoo kang nagmamahal kapag nakakaramdam ka na ng...