Chapter 44

51 11 0
                                    

WARNING: SPG


-"May boyfriend na si Andie."-

Para akong mababaliw nang malaman ko ang balitang 'yun mula kay Paula nang tawagan ko siya kanina. Kaya pala kinakabahan ako nang magchat siya sa akin at sinabing tawagan ko siya.

Alam kong may nanliligaw kay Andie. Ang tanga ko dahil sobrang confident ako na hindi niya 'yun sasagutin tulad ng pambabasted niya sa mga nanligaw sa kanya habang nandito ako. Alam ko ang lahat ng 'yun dahil sinasabi 'yun sa akin ni Paula. Sinasabi din niya sa akin na ako pa din ang mahal ni Andie dahil madalas daw niya 'yun itanong sa pinsan niya.

'Yun din ang pinanghahawakan ko kaya mas pinili ko na din hindi umuwi last year para sana balikan na siya. May biglaang malaking project kasi na in-offer sa akin at hindi ko 'yun natanggihan dahil alam kong malaking tulong 'yun para sa future namin ni Andie.

Pero paano na? Para saan pa 'tong pagsisikap ko na'to? Wala na siya. May iba nang nagmamay-ari sa kanya.

Pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Hindi na ako pumasok sa office kinabukasan dahil na din sa matinding pag-iyak ko.

"Hindi pa naman sila kasal. Malay mo naman ikaw pa din ang mahal niya. Medyo hawig kayo no'n guy, oh. Baka ikaw ang nakikita niya do'n kaya niya sinagot." Pang-uuto pa sa akin ni Venice. Panay pa ang haplos niya sa likod ko na para bang inaalo ako kaya mas lalo akong naaasar. Panay naman ang pagtawa niya sa akin lalo na nang tanggalin ko ang kamay niya sa likod ko. "Look." Pinakita niya uli sa akin ang cellphone niya. "Kumakanta din pala si guy. Baka kaya nafall si Andie kasi same nga kayo."

Pinakita niya sa akin ang picture ni Andie kasama no'n lalaki na kumakanta sa isang bar. Matagal na 'yun picture na 'yun at nakita ko na din 'yun before. Hindi ko naman 'yun napaghinalaan dati na may something sa kanilang dalawa. Akala ko basta pinagkatuwaan lang siya uli pakantahin ng mga kaibigan niya tulad no'n nangyari dati sa Cebu.

Kanina pa ini-stalk ni Venice ang Facebook ni Andie. Kahapon lang kasi nagpost si Andie ng picture kasama ang bago niyang boyfriend.

"Aww! Ang sweet nila dito oh! Pero mas bagay talaga kayo, cuz."

"Tama na nga 'yan!" Tinabig ko ang cellphone niya para ilayo niya sa mukha ko. Tumingala ako mula sa pagkakasandal ko sa sofa at bahagya kong tinakip ang braso ko sa mga mata ko.

Ayokong makita. Nasasaktan ako sa nakikita kong masaya na siya kasama ang ibang lalaki. Hindi ko matanggap. Iba na 'yun nagpapasaya sa kanya. Akala ko ako pa din 'yun mahal niya pero hindi na pala.

"Ano ba, Justin! 'Wag ka ngang ganyan!"

Panay ang yugyog niya sa akin. Hinahampas pa niya ang braso ko. Nagsimula na din kasi akong umiyak. Hindi ko napigilan. Sobrang kirot na kasi talaga ng puso ko. Ilang araw ko na din iniiyakan si Andie pero parang hindi nauubos ang mga luha ko.

"P-Paano na 'yun mga plano ko para sa'min dalawa? 'Y-Yun bahay namin.. t-tapos na 'yun, eh. Kung kailan okay na'ko.. ready na akong balikan siya. T-T'yaka pa nagkaganito." Para akong batang nagsusumbong na humihikbi pa habang nagsasalita. Sobrang sakit lang talaga sa pakiramdam. Feeling ko nawalan bigla ng saysay 'yun sakripisyo at pagsisikap ko.

"Ikaw naman kasi! Ang bagal mo kasi, eh. Sana dati mo pa binalikan. Ayan tuloy! Naunahan ka." Imbes na damayan ako ay para pa niya akong pinagalitan.

Sabagay tama naman siya. Wala naman ibang dapat sisihin dito kundi ako. Masyado akong bilib sa sarili ko. Nagplano ako para sa amin ni Andie na hindi ko pinapaalam sa kanya na babalikan ko siya. Kung sinabi ko 'yun bago ako umalis, alam kong hihintayin niya ako. Kasi mahal pa niya ako ng mga panahong 'yun. Ang tanga ko. Sobrang tanga ko.

Dear Heart, Why Her? (Book 3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin