Chapter 26

58 4 0
                                    

Mag-a-ala una na ata ng madaling araw pero hindi pa ako makaramdam ng pagkaantok. Kakatapos ko lang gawin ang Powerpoint presentation namin ni Hazel para sa defense namin bukas. Hindi ko na siya pinatulong para gawin 'yun dahil kaya ko naman na. Tinatamad na din kasi ako kaninang lumabas ng dorm pagkatapos namin kumain nina Renzo.

Hindi ko malaman pero bigla kong in-open ang Facebook ko sa laptop. Dinelete ko na kasi ang Facebook app at iba pang social media app ko sa cellphone ko. Parang gusto ko bigla magsisi nang buksan ko pa 'yun dahil nakita kong may message do'n si Andie.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang may nakita akong Youtube link na nai-post niya do'n. Nakita ko si Andie na may hawak na gitara sa thumbnail no'n. Wala sa sariling nai-click ko ang link no'n at nagmadali akong kunin ang earphones ko para isaksak sa laptop bago pa magsimulang tumunog 'yun. Baka kasi magising pa ang dormmates ko kapag nakarinig sila ng ingay. Magkahalo na naman ang nararamdaman ko habang pinapanood ko ang video do'n. Tumutugtog siya ng tinuro ko sa kanya dati na 'I Won't Give Up On Us' habang kumakanta. Na-miss ko ang pagkanta niya sa'kin ng ganyan. Medyo matagal na din kami hindi naggigitarang dalawa dahil naging busy talaga kami parehas. Hindi ko maiwasan maluha dahil parang may sumusundot sa puso ko habang pinapakinggan ko ang mala-anghel niyang boses. Naiinis ako dahil nami-miss ko na siya pero galit pa din talaga ako sa kanya. Hindi ko na siya talaga kayang patawarin.

Bakit ba niya kasi 'to ginagawa? Bakit feeling ko sinusuyo niya ako para balikan ko siya? Bakit niya ako kinukulit? Bakit ayaw niya pa sumuko? Naguguluhan na'ko. Ginugulo niya ang isip ko. Mas lalo akong nagagalit sa ginagawa niya. Para kasing pinaglalaruan niya ang damdamin ko. Pagkatapos niya aminin no'n isang araw na niloko niya ako, aasta siya ngayon na parang hindi niya ako sinaktan.

Tulad na lang kanina. Nagulat ako nang makita ko siya sa labas ng gym. Sinadya niyang hintayin ako na matapos sa training ko at umastang girlfriend ko pa din dahil sa pagdadala ng bottled water at pagtangkang pagpunas ng pawis ko. Mas nadagdagan lang tuloy ang pagkairita ko sa kanya. Sana nga nasaktan siya nang tanggihan ko ang pag-imbita niya sa'kin na samahan siya para magdinner. Sinadya kong isipin niya na si Hazel ang kasama ko magdinner kanina kahit ang totoo'y sina Renzo naman ang kasama ko dahil birthday ng isa namin kateam.

Sinara ko na lang ang laptop at hindi na ako nagreact pa sa ginawa niyang pagkanta. Wala din naman akong sasabihin. Baka masakit na salita pa ang maibigay ko sa kanya kaya mabuti pang 'wag na lang. Napapagod na din akong magalit. Hindi ko lang talaga maiwasang maramdaman dahil sa pagiging makulit niya.

+639*********: Lunch?

Halos ibato ko ang cellphone ko nang mabasa ko ang text na 'yun galing sa number na 'yun. Kahit hindi ko sine-save 'yun at palagi kong binubura ang mga mensahe niya ay alam kong kay Andie galing 'yun.

Naiirita na naman ako sa kanya. Akala ko kanina'y napagod na siya dahil buong umaga siyang hindi nagparamdam. Kaso, ito na naman. Nagsisimula na naman siyang umasta na parang normal pa din ang lahat. Na para bang kami pa din dalawa. Akala niya siguro tulad pa din ako ng dati na madali niyang mauto.

Tumagilid ako sa pagkakahiga ko sa kama. Ipinatong ko na lang sa side table ang cellphone ko. Wala akong gana kumain ngayon dahil medyo masakit ang ulo ko. Tutal tatlong oras naman ang vacant ko kaya nagpasya akong magpahinga na lang dahil hindi din ako masyado nakatulog kagabi. Kasalanan ni Andie. Masyado niya akong pinag-iisip.

Mabuti na lamang at kahit kulang sa tulog ay okay naman ang kinalabasan ng defense namin kanina ni Hazel. Nakapagpresent naman kami ng maayos at nasagot naman namin lahat ng tanong sa'min ng panel. Mamayang hapon nga ay niyaya niya akong magcelebrate pagkatapos daw ng training nila. Kahit wala sa mood ay pumayag na lang ako. Ayoko naman idamay pa si Hazel sa pagkabadtrip ko. Siya na nga lang halos ang nagtyatyaga sa'kin ngayon kaya ang pangit kung 'di ko susuklian ang kabutihan niya sa'kin kahit sa simpleng dinner man lang.

Dear Heart, Why Her? (Book 3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin