Mula sa labas ay kita ko na agad ang table kung saan nakap'westo ang magpipinsan. Alinlangan pa akong pumasok sa loob kaso kakatawag lang uli ni Amboy at sinabing natraffic siya kaya medyo matatagalan pa siya.
Sumama na agad ang loob ko pagkapasok ko pa lang. Nakita kong nakayakap si Toffee kay Andie.
Bakit gano'n? Bakit pumapayag na ngayon si Andie na yakapin siya ng boyfriend niya in public? No'n kami pa'y bihira 'yun mangyari dahil nahihiya siya lalo na kapag kaharap ang mga pinsan niya. Pero bakit parang hindi na siya nahihiya ngayon?
Napansin ko din na umayos na ng upo 'yun boyfriend niya at pnuwesto na lang sa likod ng upuan niya ang kamay nito kaya medyo nakampante na'ko.
"Uy! Hi Justin!" Bati sa akin ni Paula nang makita niya ako pagkapasok ko sa loob ng Yellow Cab.
Kaagad kong napansin ang paglingon sa akin ni Andie. Nakatalikod kasi ang p'westo ng inuupuan niya. Kaagad din niyang binawi ang tingin niya nang masulyapan niya ako. Ni hindi ko man lang nahuling tumingin ang mga mata niya sa mga mata ko. Sabagay, kasama niya ngayon ang boyfriend niya na nakaupo lamang sa tabi niya.
"Ayan na pala si Justin. Sa kanya ako sumabay." Nadinig kong sabi ni Jeena. May sinabi pa siyang iba pero hindi ko na naintindihan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad palapit sa kanila kahit medyo awkward sa akin 'to. "Hi! Nandito pala kayo lahat." Sinikap kong ngumiti nang batiin nila akong lahat. Ultimo si Toffee ay magiliw akong binati kaya tumango na lang ako at binati din siya. Kaso, hindi na ako nagawang sulyapan man lang ulit ni Andie. Hindi niya ako binati. Nahiya na din akong batiin siya.
"Saan ka nakapagpark?" Tanong ni Jeena.
"Do'n pa sa kabila." Turo ko pa sa labas. Sa kabilang kalsada na kasi ako nakapagpark dahil puno na sa bandang tapat nito. Humawak pa ako sa sandalan ng isang upuan na katabi halos ng table nila.
"Umupo ka muna dito, Justin." Paanyaya pa sa akin ni Marge.
"Oo nga. Padating na din naman si Amboy. Kain ka muna." Alok naman sa akin ni Paula.
"Ah, thank you. Okay lang busog pa. Dito na lang ako uupo." Kaagad akong umupo sa hawak kong upuan. Sinadya kong piliin ang upuan kung saan kaharap ko lang ang nakatalikod na si Andie.
Panay ang kwentuhan at tawanan nila pero pansin ko ang pananahimik ni Andie. Kahit ako naman ay tahimik. Nagpanggap na lamang akong may ka-text para hindi na ako daldalin pa ng mga pinsan niya. Hindi na din kasi ako komportable na nakikita ko si Andie at Toffee sa harap ko kahit hindi naman sila nag-uusap. Mas kinakausap pa nga ni Toffee ang mga pinsan niya. Panay pa ang tawanan nila dahil sa pinagkukwentuhan nila.
Maya-maya pa'y dumating na ang dalawang kaibigan namin ni Amboy. Umupo lang sila sa tabi ko at nagkwentuhan habang hinihintay namin si Amboy at ang iba pa namin kaibigan. Nanatili lang akong tahimik at palihim na sumusulyap kay Andie.
Feeling ko'y namula na ang tenga ko dahil sa selos nang mapansin ko ang paglapit ni Toffee kay Andie. Mukhang may ibinulong ito sa kanya dahil may sinabi din si Andie sa kanya na hindi ko naman madinig kung ano dahil sa hina ng boses niya.
"Bakit uuwi ka na?" Sita sa kanya ni Jeena. Marahil ay niyaya na siya ni Toffee na umuwi kaya aalis na sila. Nakakainis naman. Sana ang lalaking 'yun na lang ang umalis.
"Oh, zuc? Bakit? Mamaya na." Panay ang pigil kay Andie ng mga pinsan niya para hindi muna sila umalis pero mukhang ayaw na niya magpapigil.
"Tara na, Toffee." Hinila pa niya sa kamay ang lalaking 'yun nang tumayo na siya para siguro tumayo na din 'yun. Kinuha naman no'n ang bag niya at 'yun na ang nagbuhat no'n. Dapat lang naman dahil no'n kami pa'y hindi ko hinahayaang magbitbit si Andie ng bag niya lalo na kung mabigat 'yun.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Dear Heart, Why Her? (Book 3)
RomanceBook 1: Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!") Book 2: Dear Heart, Why Him? *"DEAR HEART, WHY HER? (Justin's POV)" Book 3 of Dear Heart Series* Sabi nila, masasabi mong totoo kang nagmamahal kapag nakakaramdam ka na ng...