Chapter 8

170 9 7
                                    

"Wow! May car ka na?" Parang namangha pa si Andie nang magpunta ako sa kanila kinabukasan para sunduin siya at nakita niyang may dala akong sasakyan.

"Gift ni Dad." Nakangiting sabi ko. "Hindi na tayo magco-commute kapag aalis tayo."

"Yabang!"

"Oy! 'Di naman." Nawala ang ngiti ko. Baka nayabangan nga siya bigla sa akin. "Sige kung gusto mo.. h-hindi na lang ako magdadala ng sasakyan.."

T'yaka ko nakita ang pagngisi niya. "Joke lang! Panic mode ka na naman agad."

Hindi naman kami umalis sa bahay nila no'n. Hindi kami pinayagan ng Daddy niya na umalis dahil wala daw kaming kasama. Busy kasi ang mga pinsan ni Andie ngayon. Si Mommy naman ay sumama kay Daddy. Okay lang dahil buong araw naman akong nando'n kanila Andie. Nagluto pa nga siya ng Sinigang para sa lunch namin. Grabe! Sobrang sarap. P'wede na nga siya mag-asawa kaso bata pa siya pero sisiguraduhin kong aasawahin ko siya balang araw.

"Saan kayo this holy week?" Natanong bigla sa akin ni Tito nang umupo siya sa tabi ko habang nanonood kami ni Andie ng TV.

"H-Hindi ko po alam, eh. Bahay lang po siguro. Busy kasi si Dad. Pero this Friday, baka magvisita iglesia po kami." Kinabahan ako nang una pero nakabawi din naman ako agad. Nagulat lang talaga ako nang bigla niya akong tanungin.

"Ah okay. This Thursday wala?"

"Baka wala po."

"Okay. Sumama ka sa amin magsimba n'yan. Agahan mo ang punta dito para hindi ka namin iwan." Tumayo na din siya pagkasabi niya no'n.

"P-Po? O-Okay sige po. T-Thank you po." Nagulat talaga ako. Hindi ko ine-expect na iimbitahan niya ako. Last Sunday ay balak ko sanang sumama sa kanila magsimba kaso nahiya ako dahil family day nila kaya nagsimba na lang akong mag-isa dahil madalas din umalis si Mommy kapag weekend. Nasabi ko 'yun kay Andie nang nagpunta ako sa kanila no'n Linggo nang sinabi niyang pauwi na sila.

Napalingon lang ako kay Andie na nasa kabilang tabi ko nang bigla siyang tumawa. Kumunot lang ang noo ko dahil pinagtatawanan na naman niya ako. Palagi siyang ganyan kapag natataranta ako habang kausap ko ang Daddy niya. Hindi ko napigilan na sundutin ang tagiliran niya para tumigil na siya sa pagtawa.

"Hoy!" Suway niya sa akin sabay hampas sa braso ko kaya tumigil na ako. Pero mas lalo lang siyang tumawa.

Grabe talaga! Ang bully niya sa'kin. Buti na lang mahal ko siya kaya hindi ako napipikon.

"Two days ka magvi-visita iglesia? Sure ball na pag-akyat mo sa langit n'yan!" Ang lakas ng tawa ni Kuya nang magpaalam ako kay Mommy na sinasama ako ng Daddy ni Andie para magsimba habang kumakain kami ng dinner.

"Ulul!" Sagot ko lang sa kanya. Nakakapikon. Ano bang masama sa pagsisimba? Palibhasa hindi siya madalas magsimba. Ako nga lang ang madalas sumama kay Mommy para magsimba at kapag may lakad siya ay nagsisimba pa din ako kahit mag-isa.

"Justin! Watch your mouth. Kumakain tayo." Suway sa akin ni Mommy. "Ikaw naman, Kenneth, try mo din kaya magsimba? Sumama ka sa amin this Friday 'ha? Uuwi no'n ang Daddy mo. Do'n tayo sa Tagaytay."

"Overnight, Ma?" Nakangising tanong ni Kuya. "Sama ko girlfriend ko 'ha? Dalhin ko sasakyan ko. Convoy na lang."

"No! Hindi overnight. Ikaw talaga!" May pagduro pa si Mommy kay Kuya na tawa lang din ng tawa. "Dalhin mo sasakyan mo kung gusto mo. Ikaw naman ang mapapagod. Hindi ako." May pagtaas pa ng kilay si Mommy at ngumisi lang din kay Kuya.

Ang kulit din talaga ng dalawang 'to. Ang weird ng pamilya ko pero mahal ko sila kahit ganyan sila. Masaya naman kami kahit wala si Daddy. Nasasanay na talaga ako na palaging wala si Dad. Nakakapanibago kapag kasama namin siya.

Dear Heart, Why Her? (Book 3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin