Nang nagresume ang klase ay maaga akong umalis ng bahay para dumiretso muna sa school ni Andie. Inabot ko uli sa guard na dating napakiusapan ko na ibigay uli ang regalo ko sa kanya. Mabuti na lang at natandaan pa pala niya ako.
Nag-iwan ako ng note sa card at hiniling ko na maisuot niya sana 'yun sa game niya. Gusto kong umasa na isusuot niya nga 'yun kahit medyo imposible dahil hindi niya alam kung sino ang nagbigay.
Ngunit, labis ang tuwa ko nang mapanood ko uli si Andie maglaro dito sa Crossbill nang magsimula uli ang IUSA Volleyball League.
"Napansin mo 'yun sapatos na suot ni Andie?" Parang abot tenga ang ngiti ko nang lumabas na kami ng Crossbill Gymnasium nang matapos ang laro nina Andie.
Dumiretso muna kami ni Renzo sa dorm para kunin ang gamit ko dahil may klase ako mamaya. Dadaan muna kasi kami ng canteen ng ilan teammates ko. Birthday kasi ng isang rookie at ililibre daw niya kami. Nauna na nga sila do'n kaya susunod na lang kami.
"Hindi. Pati ba naman 'yun papansinin ko pa? Ano bang meron? Mukhang okay naman ang sapatos niya." Naweirduhan lang ata si Renzo sa tanong ko.
Pabiro kong sinuntok ang braso niya nang paakyat na kami ng hagdan papuntang dorm. "Gago! Ako kasi nagbigay no'n kay Andie. Shet! Sinuot niya 'yun binigay ko." Para akong kinikilig na ewan. Pero hindi ko naman pinakita kay Renzo kung paano ako kiligin kaya nagpipigil ako. Buti na lang din at nauuna siya sa akin umakyat. Panay lang ang ngiti ko dahil halos nakapaskil na 'yun sa mukha ko. Ayaw matanggal ng pagkakangiti sa labi ko.
"Oh? Talaga?" Napatigil siya sa pag-akyat at hinarap ako na nasa likod niya. "Buti tinanggap niya. Okay na uli kayo?"
"S'yempre hindi niya alam na ako 'yun nagbigay. Pinaabot ko sa guard ng school nila." Sinuntok ko uli ang braso niya at tumatawang inunahan ko na siya sa pag-akyat.
Nagkakasiyahan kami sa canteen nang matahimik ako dahil sinenyasan ako ni Renzo para tidnan ang pumasok. Panay pa din ang kantyawan ng mga kasama namin kaya hindi nila napansin ang pagbago ng mood ko.
Magkahawak-kamay si Andie at 'yun boyfriend niya habang naghaharutan. Bakit ang saya-saya ni Andie na kasama 'yun? Ang sakit makita ng harapan na kung paano siya sa akin dati ay gano'n siya ngayon sa bago niya. Pakiramdam ko ay inagaw siya sa akin ng lalaking 'yun kahit ang totoo'y wala naman na talaga kami. Parang sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko. May iba ng humahawak sa kamay ni Andie. Hindi na ako.
"Andrea."
Natahimik din ang mga kasama ko nang bigla akong tumayo pero hindi ko na sila pinansin. Na kay Andie na ang buong atensyon ko na natigilan nang makita ako. Nagulat pa nga ata siya na nando'n ako. Napansin ko ang bigla niyang paghila sa kamay niya na kasalukuyang hinahaplos ng boyfriend niya. Nahiya siya marahil sa'kin.
Nadinig ko ang pagbati ng teammates ko sa kanya at tinanguhan naman sila ni Andie bago ibalik sa akin ang tingin niya. Hindi pa din siya nagsasalita.
"Ahm, baby?"
'Baby?' 'Yun ang tawag niya kay Andie? Mas lalo akong nanlamig dahil sa nadinig ko. Selos na selos na talaga ako. Bahagya pang kumunot ang noo ko nang nahagip ng paningin ko ang ginawang pag-akbay ng lalaking 'yun kay Andie. Naiinis ako na nasa harapan ko silang dalawa at parang pinamumukha pa sa akin ng lalaking 'yun na pagmamay-ari na niya si Andie. Naikuyom ko na lang ang mga palad ko. Gusto ko siyang sapakin sa mga oras na ito pero alam kong hindi naman 'yun tama kaya huminga na lang ako ng malalim para kumalma.
"Ah.. T-Toffee.. this is Justin. Justin, si Toffee." Pagpapakilala ni Andie sa amin dalawa. Feeling ko'y natataranta na si Andie. Siguro'y nararamdaman niya na may tensyon na namumuo sa pagitan namin dalawa ng boyfriend niya kahit tingin ko'y ako lang naman ang nakakaramdam ng gano'n klaseng tensyon. Baka inaalala niya na magkakasapakan pa kaming dalawa. Hindi naman ako warfreak kaya wala siyang dapat ipag-alala.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Dear Heart, Why Her? (Book 3)
RomanceBook 1: Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!") Book 2: Dear Heart, Why Him? *"DEAR HEART, WHY HER? (Justin's POV)" Book 3 of Dear Heart Series* Sabi nila, masasabi mong totoo kang nagmamahal kapag nakakaramdam ka na ng...