"Thank you so much for your effort, honey. You don't have to do that but I really appreciate it."
"I will do everything for you, honey. Alam mo 'yan."
"But I don't even deserve you. You're too good for me. And I'm-"
Hinalikan ko lang ng mabilis ang labi ni Andie para hindi na niya ituloy ang kung ano man ang sasabihin niya.
"I love you. 'Yun na lang ang tandaan mo palagi." Ngumiti ako sa kanya at marahan kong pinisil ang kanang pisngi niya. Pasimple akong tumingin sa relo ko at nakita kong lagpas alas dose na ng madaling araw. "Happy Valentine's, honey."
Imbes na sumagot ay yumakap lang sa akin si Andie. Isinubsob lang niya ang mukha niya sa dibdib ko. Naramdaman ko ang tahimik niyang pag-iyak. Para na naman tuloy may kumukurot sa puso ko. Kailan ba kami pwede maging malaya ni Andie para maging mapayapa na ang kalooban namin dalawa? I hate seeing her like this. Kinakabahan na lang ako palagi sa tuwing nagkakaganito siya.
-"Papunta na'ko sa airport. Ikaw na bahala sumundo kay Vanessa 'ha? Anong oras ba ng out mo?"-
"Well.. 5 sana pero may tinatapos lang ako.." Tinidnan ko ang oras sa monitor ko. 5:15 pm ang nakalagay do'n.
-"Okay. Just make sure makakarating kayo by 8 'ha? Maybe, text mo na din si Vanessa kapag on the way ka na to pick her up. Kami ni Mommy, didirecho na lang siguro sa Ascott."-
"Okay, Kuya. No problem."
In-end ko na ang call matapos magpaalam ni Kuya Ken. Sinilip ko agad sa text message kung nagreply na ba si Andie sa text ko kanina pero wala pa din. Busy talaga siguro siya ngayon. Nabanggit niya sa akin kanina na baka mag-OT pa sila ngayon.
"Dapat sinama mo 'yun girlfriend mo sa dinner."
"Wala nga akong girlfriend." Nagpakawala ako ng pilit na tawa. As much as I want to boast Andie being my girlfriend, hindi p'wede. Hindi niya din 'yun magugustuhan. Medyo nagi-guilty nga ako dahil hindi ko inamin kay Andie na alam na ni Amboy ang tungkol sa aming dalawa. Pero, may tiwala naman ako kay Amboy. He knows how to keep a secret.
"Okay. You said so." Sagot niya. I know hindi siya naniniwala. Hindi makakaligtas sa akin ang pasimpleng ngiti niya na parang nanunukso.
"Whatever." Tumawa na lang ako at hininto na ang sasakyan nang makapagpark na ako ng maayos. "So, we're here." Bumaba na ako ng sasakyan at umikot sa kabila para pagbuksan si Ate ng pinto. Inalalayan ko siya hanggang makarating kami sa lobby ng hotel. "Aakyat na ba tayo o hihintayin na lang natin sila Kuya dito sa lobby?"
"Ahm, wait." Sagot niya habang nakatutok sa cellphone niya. "He said sa resto na lang daw tayo dumirecho. Um-order na din daw tayo para ready na 'yun food pagdating nila. Gutom na daw si Mommy."
Tumawa kami parehas habang naglalakad papunta sa elevator. Sigurado ako na kinukulit na ni Mommy si Kuya na gutom na gutom na siya. Para din siyang si Andie, eh. Palagi na lang gutom.
Naging masaya naman ang simpleng dinner na 'yun kasama ang pamilya ko. May konting lungkot lang dahil hindi ko man lang nakasama si Andie sa espesyal na araw na ito. Medyo nawaglit din naman agad ang isip ko tungkol sa kanya dahil sobrang daming kwento ni Mommy.
Uuwi sana ako pero alam kong malulungkot lang ako kapag nagstay ako sa condo. Nagpasya na lang akong sumama kanila Mommy pag-uwi sa bahay namin sa Makati. Balak ko sanang bisitahin din ang pinatayo kong bahay para kay Andie bukas kaya mas okay na din siguro na sa bahay ako magstay para mas malapit.
"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Mommy kinabukasan nang magpaalam ako sa kanya na aalis na ako.
"Ahm.." I can't say na pupunta ako sa bago kong bahay. Kahit Mommy ko siya, pinangako ko sa sarili ko na si Andie ang una kong dadalhin do'n kapag natapos na 'yun. "Condo."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Dear Heart, Why Her? (Book 3)
RomanceBook 1: Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!") Book 2: Dear Heart, Why Him? *"DEAR HEART, WHY HER? (Justin's POV)" Book 3 of Dear Heart Series* Sabi nila, masasabi mong totoo kang nagmamahal kapag nakakaramdam ka na ng...