"Mabait po na bata si Justin.. siya 'yun pinakasweet sa mga anak ko.. sobrang caring at marespeto kaya alam ko po na gano'n din naman ang gagawin niya kay Andie.."
"Ma.." Pinipisil ko na sa braso si Mommy pero ayaw talaga paawat. Namumula na ako sa sobrang hiya dahil sa mga pinagsasasabi niya. Kanina pa niya ako binebenta. Puros papuri sa akin ang mga sinasabi niya. Nahihiya na ako talaga.
Tinidnan lang ako ni Mommy. "Anak.. sinamahan kita dito para alam din nila na suportado kita.. na kahit bata pa kayo kung tutuusin.. okay lang naman dahil alam ko naman na seryoso ka kay Andie at hindi mo siya lolokohin.." Bumalik ang tingin ni Mommy sa parents ni Andie. "Makakaasa po kayo na ako ang tututok sa kanilang dalawa.. kung maaari lang sasamahan ko sila sa mga lakad nila para makasiguro na walang gagawin masama ang anak ko kay Andie.."
Nadinig ko ang mahinhin na tawa ng Mommy ni Andie. "Alam ko naman na mabait si Justin. Sa totoo lang ilang beses ko na nasabi kay Andie na gusto ko si Justin bilang kaibigan niya. Sobrang t'yaga no'n tinuturuan niya si Andie maggitara t'yaka nakikita ko naman na maayos ang pagpapalaki n'yo sa kanya."
"May bisyo ka ba?"
"P-Po?" Mas lalo akong kinabahan nang madinig ko ang seryosong boses ng Daddy ni Andie. Napaangat ang tingin ko sa kanya at kahit medyo natatakot ay nilaksan ko ang loob ko para tidnan siya sa mga mata niya.
"Naninigarilyo ka?"
"Hindi po."
"Umiinom?"
"Ahm.." Napayuko ako bigla. Sasablay ata ako dito. "Minsan po. Occasionally lang po."
"17 ka pa lang 'di ba? Menor de edad ka pa." Nadismaya ko ata siya sa sagot ko. Dapat ba nagsinungaling na lang ako? Kaso hindi ko kaya magsinungaling sa parents ni Andie.
"Pasensya na po kayo. 'Yun Daddy kasi nila unang nagpatikim sa kanila ng alak no'n sixteen pa lang siya." Singit na naman ni Mommy. Hindi ko tuloy alam kung mahihiya ba ako o magpapasalamat na lang na nandito siya para tulungan ako. Sa totoo lang, nang malaman niyang pupunta ako kanila Andie ngayon para ipagpaalam siya sa parents niya na ligawan ay nagpresinta si Mommy na sumama. Tutulungan daw niya ako. Umayaw ako pero sobrang kulit kaya hinayaan ko na. "But in moderate lang naman ang pag-iinom nila. Ang katwiran kasi ng Dad niya, mas mabuti na siya ang magturo kesa barkada para alam nila kung paano maging responsable sa pag-iinom."
"Konti lang naman po ako uminom. Hindi ko po gusto 'yun lasa." Ako naman ang sumingit. Ayokong isipin ng parents ni Andie na sinama ko si Mommy para siya ang magsalita para sa akin. Gusto ko talaga patunayan na gusto ko si Andie at seryoso ako sa kanya. "Wala po akong bisyo bukod do'n. Mas nagfo-focus po ako sa paglalaro ng basketball. Nagtryout po ako last week and fortunately nakapasa naman po sa Crossbill kaya makakapag-aral na din po uli ako this coming school year."
Napansin ko na nagkatinginan bigla ang Mommy at Daddy ni Andie. Si Mommy naman ay napakapit lang sa braso ko.
"Mag-aaral ka na. Bakit hindi ka na lang magfocus sa pag-aaral mo at sa pagba-basketball? Hindi mo ba naisip na p'wede makasagabal sa'yo kung makikipag-girlfriend ka na agad? Hindi ka ba p'wede makapaghintay?"
Umiling-iling lang ako. "Hindi naman po sa gano'n. Hindi ko po iniisip na makakasagabal sa akin 'yun. Sa totoo lang kaya ko po maghintay sa kanya. Pero gusto ko po muna magpaalam sa inyo ng maayos kung p'wede siyang ligawan. Gustong-gusto ko po talaga si Andie. Alam ko bata pa siya pero wala naman po akong balak na masama sa kanya. Kung papayag po kayo, gusto ko siyang ligawan. Kahit hindi niya po muna ako sagutin ayos lang. Ang importante alam kong may blessing po ako from you. Gusto ko pong alagaan si Andie. Gusto ko siyang bantayan at protektahan. Alam ko hindi lang naman po ako ang nagkakagusto sa kanya pero patutunayan ko po na ako 'yun pinakadeserving para sa kanya."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Dear Heart, Why Her? (Book 3)
RomanceBook 1: Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!") Book 2: Dear Heart, Why Him? *"DEAR HEART, WHY HER? (Justin's POV)" Book 3 of Dear Heart Series* Sabi nila, masasabi mong totoo kang nagmamahal kapag nakakaramdam ka na ng...