Wala akong pinalagpas na mga araw na hindi man lang kami magkakasama ni Andie. No'n Sunday ay sinundo ko siya sa kanila para magsimba pagkatapos ay dinala ko siya sa bahay dahil ang kulit na talaga ni Mommy. Isa pa, binalik ko na sa kanya ang mga regalong sinauli niya sa akin dati no'n naghiwalay kami.
“Give me five years, hon. Magiging Mrs. Andrea Marie Crisostomo Rosales ka na after five years. Promise.”Ito ang pangako ko sa kanya nang makita ko siyang hawak ang scrapbook na binigay niya sa akin dati. Muntikan ko na ‘yun itapon dati pero hindi ko magawa kaya itinago ko na lang matapos kong tidnan at iyakan ang laman no'n. Natatakot pa din kasi si Andie sa posibilidad na iwan ko siya pero sinisiguro ko naman na hinding-hindi na ‘yun mangyayari. Ayoko nang mangulila uli sa kanya. Wala akong ibang planong gawin kundi pasayahin siya at iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko.
Madami akong pangarap para sa amin dalawa. Gagawin ko talaga ang lahat para lang matupad ang pangako ko sa kanya. Magsisikap talaga ako para makagraduate ako on time at maging isang ganap na arkitekto balang araw. Ipapagawa ko ‘yun dream house niya at do'n kami titira kasama ang mga magiging anak namin kapag ikinasal na kaming dalawa.
“’Wag ka na makikipagsabayan kay Kuya sa pag-inom.” Sermon sa akin ni Andie habang nagda-drive ako para ihatid siya sa bahay nila.
Galing kami sa condo ng Kuya niya. Bumisita kasi kami kahapon dahil pinapunta niya kami nang malaman niyang nagkabalikan kami ni Andie. Medyo kinabahan nga ako dahil baka galit siya sa akin pero niyaya lang niya ako para makipag-inuman. Hindi ko nga inaasahan na malalasing ako kaya do'n na kami pinatulog sa kanila. Nakakainis nga dahil buong gabi akong tulog dahil sa kalasingan. Kung alam ko lang na magkatabi kami matutulog ni Andie, hindi ko sana sinayang ang pagkakataon na magkwentuhan man lang sana kami hanggang makaramdam ng antok at yakapin siya buong magdamag habang natutulog. Minsan na siyang nakatulog sa bahay pero iba pa din ‘yun katabi ko siya hanggang kinabukasan.
Mami-miss ko din kasi talaga siya. Dalawang linggo din kasi kaming maghihiwalay. Papunta sila ng Boracay ng mga pinsan niya bukas samantalang ako naman ay pupunta ng Singapore ngayon Friday dahil debut ng pinsan ko. Dalawang linggo din kami magbabakasyon do'n. Isasama ko sana si Andie kaso kasabay pa pala ng bakasyon nila. Ayoko naman magtampo ang mga pinsan ni Andie sa kanya kapag pinilit ko siya na sa akin na lang sumama.
“Nakakahiya sa Kuya mo pag tumanggi ako. T'yaka minsan lang naman.” Sagot ko.
Hindi siya umimik kaya nilingon ko siya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Tinaas ko ang kamay ko at pilit kong inabot ang ilong niya para kulbitin ‘yun. Napakatangos talaga ng ilong ni Andie.
“Gulo mo! Bakit ba?” Medyo iritableng sabi niya nang humarap siya sa akin. Ayaw talaga niya na hinihawakan ko o pinipisil ang ilong niya.
“Ang sungit mo.” Nagpipigil lang ako ng tawa. Hindi na ako muling lumingon sa kanya. Tinuon ko na lang ang mga mata ko sa kalsada. “Honey..” Mapanuksong tawag ko sa kanya nang hindi na uli siya nagsalita. “Ikaw ‘ha? Hinubaran mo ‘ko kagabi habang lasing ako.” Sinadya kong sabihin ‘yun para asarin siya. Mas kinakabahan kasi ako kapag tahimik lang siya.
“Shut up, Justin! Wala akong nakita ‘no!” Patili pa ang pagkakasabi niya na may paghampas pa sa braso ko. Grabe! Defensive na nga, sadista pa. Pero ang cute niya talaga kapag naiinis.
“Honey, pigil-pigil muna ‘ha kasi matagal pa tayo ikakasal. ‘Wag ka muna masabik sa katawan ko.” Muli kong tukso sa kanya.
“Hoy! Ang kapal mo!”
Humalakhak na lang ako nang sabunutan niya ako. Kaagad din naman niya akong binitawan nang medyo gumewang ang pagda-drive ko. Natakot siguro. Napabitaw kasi ako bigla sa manibela para hulihin ang kamay niya sa buhok ko.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Dear Heart, Why Her? (Book 3)
RomanceBook 1: Dear Heart, Why Me?! (previously titled as "Si Bestfriend o Si Ex?!") Book 2: Dear Heart, Why Him? *"DEAR HEART, WHY HER? (Justin's POV)" Book 3 of Dear Heart Series* Sabi nila, masasabi mong totoo kang nagmamahal kapag nakakaramdam ka na ng...