Ni: A.M. Ferrer
(2012)Nang ikaw ay dumating sa aking buhay
Ako ay nabighani mong tunay
Ang aking buhay ay binigyan mo ng kulay
Ninais kong makapiling ka sa habangbuhay.Kahit saan man ako magpunta
Mukha mo lamang ang palging nakikita
Hindi ka maalis sa aking gunita
At sa panaginip ikaw ang kasama.Ngunit kalungkutan ang aking nadama
Nang aking malaman na ika'y wala na,
Bakit ba mahal ko, ako'y nilisan mo
Di ko na alam ang gagawin ko.Simula nang ika'y mawala sa akin
Hindi na kinaya pa ng damdamin,
Buhay kong ito na dating kay saya
Ngayo'y nangungulila, pagka't wala ka.(output in Filipino IV)
BINABASA MO ANG
Words and Feelings
PoetryLetters... Words... Phrases... Sentences... Paragraph... Stanzas... to express your feelings.