Ni: A.M. Ferrer
(2012)Pinipilit kong kalimutan ka
Dahil ang puso ko'y napagod na
Sa kahihintay at sa kaka-asa
Sa kabila ng tagal ng paghihintay sayo
Nagmukhang ewan sa harap ng tao
Mapatunayan lang na ika'y mahal ko
Kahit na masaktan itong damdamin ko.Pero ngayon ay may iba ka nang minamahal
Nabalewala lang ang paghihintay ko ng kay tagal
Nanlumo at para bang katapusan ko na
Dahil sobrang sakit ang idinulot mo sintaAko'y umasa na mamahalin mo
Ginawa ko ang lahat para lang mapansin mo
Pero siguro hanggang dito na lang ako
Hindi siguro ako ang karapat-dapat sa puso moMahirap man itong tanggapin
Pero akin itong kakayanin
Dahil mahirap magmahal
Nang taong hindi ka mahal.

BINABASA MO ANG
Words and Feelings
PoetryLetters... Words... Phrases... Sentences... Paragraph... Stanzas... to express your feelings.