Ni: Maria Elizabeth Damaso
Nirebisa ni: A.M. Ferrer
(2012)Sa langit ma'y tingalain
Itong buwan at bituin,
Kayo'y milyang agwatin
Hindi ko kayang abutinHagway ng aking pagsints
masasabi bang ito'y tama?
Kung panay panibugho,
pagkapagal at pagkalumo
Ang dulot mo saaking puso.Sa tuwing kapiling mo ang iyong mahal
Sa iyong mga mata'y aking nababanaag
Kakaibang kasiyahan at hindi pagkapagal
Pagkuwa'y tubig na sayo'y buhay.Minsan kadalasa'y laging nangangarap
Na ako na lang sana ang iyong minahal
Ang iyong kapiling at kayakap
Siguro'y walang nadaramang pagal.Ngunit Diyos por Santo ako'y unawain
Kung ikaw sinta'y nais makapiling
Pagkat tunay na pag-ibig ang sayo'y daing
maging sa pangarap ma'y nanaisin.Subalit tadhana'y sadyang kaylupit
Pagkat turing ay bawal na pag-ibig
Kasing bilis ng tubig na sa apoy ay umampat
dahil sa pangarap ma'y hindi dapat.Hindi tama at walang katwiran
Sa mata ng tao o maging Diyos man
Kaya't pag-ibig ko'y dagling tatalikdan
Masakit ma'y dapat nang kalimutan.Turingan man kitang isang pangarap
Na iginuhit lamang sa alapaap
Pagkat sa pangarap, panaginip at saanman
Katagang "Ako't Ikaw" ay walang katuparan
Ngayon, bukas at kailanman.(My piece in "Liga ng mga Manunula 2012"
BINABASA MO ANG
Words and Feelings
PoetryLetters... Words... Phrases... Sentences... Paragraph... Stanzas... to express your feelings.