ni: A.M. Ferrer
05.11.2017Pusong binakuran
ngayo'y muling binuksan
Sa pagnanais nitong
muling magmahal.
Dumating ka sa panahong
hindi ko inaakala
Sa lugar kung saan wala
namang taglay na hiwaga.Nag-usap at nagkakilanlan
masayang nagkwentuhan
Bawat isa ay may masakit na nakaraan
na ayaw nang muling balikan.Naging kapwa magkaibigan
Distansya'y malayo man
Hindi naging hadlang
upang magbalitaan
Oras at panahon ay nilalabanan.Nang ika'y magtanong
kung ano ang reaksyon
Kapag nanligaw ang hinahangaan ko ngayon
Ang sagot ay depende pagka't puso'y may sugat pa
Biglang tanong mo, "Paano kung ako'y manligaw na".Nang aking marinig
ang iyong tinuran
Puso ay nagalak at muling binuksan
Ngunit tanong sa isipan
Handa na ba talaga muling makipagsapalaran?At ang kasagutan na iyong hinihintay
Ay nasabi ko ng malumanay
"Ikaw ang bahala. Kung handa na din ba ang puso mong muling sumubok at magmahal."Kapwa bigo sa dating pag-ibig
Nagkasundong muling sumubok
Buksan ang puso sa bagong yugto
Kung tugma ba ang bawat nitong tibok.
BINABASA MO ANG
Words and Feelings
PoesíaLetters... Words... Phrases... Sentences... Paragraph... Stanzas... to express your feelings.