Pusong Nagalak

143 2 0
                                    

Ni: A.M.Ferrer
(04.04.2015)

Nang ako'y masaktan sa huli kong minahal
Puso ko ay nahirapan at napagal
Nalumo at nawalan ng sigla ang mga mata
Hindi na masilayan mga ngiting kay saya

Ngunit nang ikaw ay biglang dumating
Lumukso at bumilis ang tibok nitong puso
Biglang sumaya at sumigla aking mga mata
Ngiting kay tamis sa labi ay hindi na maalis

Binuhay mo muli ang patay na pagsinta
Ginising mong bigla ang natutulog na diwa
Sa bigla mong pagdating sa magulo kong buhay
Binigyan mo ito ng pag-asa at kulay

Sa unang tagpo ikaw ay inibig
Itinago sa sarili itong nadarama
Pagka't ayaw kong ikaw ay mawala
Sa mahigpit na yakap sa aking mga bisig.

Nang ikaw ay biglang magtapat
Tungkol sa pag-ibig na sinabi mong sapat
para sa akin at sa ating magiging anak
Puso ko ay lumundag at lubos na nagalak.

Akala ko ako lang siyang nagmamahal
Ngunit nalaman kong ganoon don ang iyong nararamdaman
Mula pa noong una'y mahal na kita
At salamat sa Diyos ikaw ay nakilala.

Kay tagal kong hinintay na ikaw ay dumating
Habangbuhay makasama't makapiling
Magpatuloy sa buhay na magkasama
At magmahalan kasama ang Ama.

Words and FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon