Ang Aking Pag-Ibig
Ito’y isang liham mula sa Ama
Patungkol sa pag-ibig Niya
Sa lahat ng Kanyang nilikha
Para sa aking pinakamamahal,
Anak natatandaan mo ba?
Nang Aking likhain ang sanlibutan
Aking nadama’y lubos na kagalakan
Nang ika’y aking masilayan.
Kaya’t ibinigay sa’yo ang pamamahala
Sa paraisong Aking nilikha
Nang Ika’y magkasala
Ako’y lubhang nag-alala
Kaya’t ika’y pinarusahan
Upang iyong matutunan
Ang tunay na pagsunod sa Aking kalooban
Ngunit patuloy kang nalugmok sa pagkakasala
Kaya’t bugtong Kong anak ay Aking sinugo
Upang magligtas sa kasalanan ng mundo
Gayon na lamang ang Aking pag-ibig sa’yo
Kaya’t kahit na patuloy kang nadarapa
Di Ako mapapagod na Ika’y itayo
Sa t’wing ika’y malungkot
Ako’y Narito upang magdulot ng kasiyahan
Upang ang iyong ngiti sa mata ay umabot
At sa mundo’y magdulot ng kagalakan
Ano man ang iyong katayuan
Patuloy ka mang magkamali at masugatan
Ako ay laging naririto upang ika’y samahan
At patuloy na tanggapin sa Aking kaharian
Pagka’t ang nais ko’y makasama ka
Sa Aking paraiso’y manahan ka.
Lubos na Nagmamahal,
Ang Iyong Ama sa Langit.
BINABASA MO ANG
Words and Feelings
PoetryLetters... Words... Phrases... Sentences... Paragraph... Stanzas... to express your feelings.
