HAKBANG
a.m.ferrer
(08.29.2017)Lumipas ang tatlong buwan,
Tatlong buwang patuloy kong binabagalan ang bawat hakbang
Noong iniwan mo kong luhaan sa gitna ng kawalan
At ang sabi mo "Patawad, ngunit napamahal ako sa iba. At sayo'y wala ng nararamdaman."
Naalala mo pa ba?
Noong tumalikod ka at humakbang patungo sa kanya,
Naiwan akong nakatingin sa papalayo mong bulto
Tumalikod ako, at muling lumingon.
Sa bawat sampung hakbang mo palayo ay humahakbang din ako ng isa
Sa bawat hakbang ko ay lumilingon ako sayo, sa pagbabakasakaling lilingunin mo din ako at makita ang halaga ko
Patuloy ka sa pag hakbang habang ako ay nagbibilang
Sa ikalawang hakbang nakita kong masaya ka na sa kanya,
hawak mo ang kanyang kamay at sabay kayong naglalakbay
Kasabay ng ikalawang hakbang, dalawang patak ng luha ang dumampi sa lupa
Mukhang wala ng pag-asang ikaw ay bumalik pa
Nang nasa ikatlo na ang hakbang na aking gagawin,
Malaki ang ginawa kong hakbang para narin sa akin
Dahil natanggap ko na
Natanggap ko nang hindi ikaw at hindi ako
Hindi kailanman maaaring maging tayo
Sapagkat kung mahal mo ako'y di ka mapapamahal sa ibang tao.
Huminga ako ng malalim at muling humakbang
Ikaapat! Ikaapat na at hindi na ako nagbilang kung ilan na ang iyong naihakbang
Nasa ika-pitong hakbang na ako ng marinig ko ang sigaw mo,
Huminto ako at lumingon sa direksyon mo
Kinuha mo ang pagkakataong iyon para makatakbo ng mabilis
Nang makalapit sa akin ay agad kang yumakap na nagdulot sa akin ng pagkagulat
Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan.
Nagsimula kang magsalita
"Sa bawat siyam na hakbang ko palayo ay lumilingon din ako, nakikita ko ang bawat pagpapahalaga mo, aking napagtantong marapat na mas pahalagahan ko ang taong pinahahalagahan ako kaysa sa taong hindi ako magawang pahalagahan. Nakilala kita bilang prinsesa, ngunit sinaktan at iniwan lang kita, itinuring mo akong prinsipe hanggang sa huli. Patawad, Prinsesa ko. Naging marupok ang prinsipyo ng prinsipeng ito. Bayaan mo sanang magbalik ako sa piling mo."
Matapos ang litanya mo ay tikom bibig pa din ako
Nang makuha ang nararapat na salita ay tumugon ako
"Kung ito ay totoo na, binibigay ko ang ikalawang pagkakataon para mapatunayan mong totoo nga. Takot na akong masaktan sa ikalawang pagkakataon sa parehong tao at sa parehong dahilan. Ngunit ako ay susugal dahil sa pagmamahal. Muli ay tinatanggap kita sa aking kaharian."

BINABASA MO ANG
Words and Feelings
PoetryLetters... Words... Phrases... Sentences... Paragraph... Stanzas... to express your feelings.