Chapter 2: Weightlifting Fairy Kim Bok Joo

18 2 0
                                    

Skylar Frias

Naglalakad ako pauwi. Hindi ko maiwasang malungkot dahil naisip ko na ang lungkot lang ng highschool life ko kasi wala pa rin akong boyfriend. Walang taga-hatid sundo. Walang tagabigay ng mga regalo. Walang date sa weekends. Walang katext magdamag. Walang buhay na ala-fairy tale o wattpad. Hay.

Nakita ko ang isang tindahan ng mga palamuti sa buhok. 

Bigla kong naalala ang Weightlifting Fairy Kim Bok Joo na sinimulan kong panoorin kagabi. May episode doon na bumili si Bok Joo(bidang girl) ng isang red ribbon na clip. Tapos nang sinuot niya iyon ay naging super cute niya.

Uwaaa! Gusto ko ring magkaroon ng red ribbon na clip dahil baka sakaling may mga hottie na mainlab sakin na katulad nung bidang guy.

Tinignan ko ang mga palamuti na ibinibenta ng ale. Searching Red Ribbon Clip. Plan is to look like Kim Bok Joo. Hart hart.

"Miss, ano pong hanap niyo?"tanong sakin  ng ale.

"Ale, wala po kayong clip na tulad ng kay Kim Bok Joo?"tanong ko.

Bigla ay natahimik ang ale at kulang na lang ay may tumubo na question mark sa tuktok ng ulo nito. Napa-mental face palm ako.

Grabe si Ale di nanonood o pinanood yung Weightlifting Fairy Kim Bok Joo. Di marunong makisabay sa bandwagon. Lol.

"Di niyo pa po napanood yung Weightlifting Fairy Kim Bok Joo noh?"tanong ko. Umiling lang ang ale.

"Subukan niyo pong panoorin daming abs doon."sabi ko at tinaas-baba pa ang kilay ko.

"Wala akong panahon manood ineng eh. Busy ako masyado dito sa tindahan ko."sabi ng ale with ilang smile pa sakin.

"Okay po. Ayaw niyo sa abs."sabi ko at tumingin-tingin ulit sa tinda niya.

"Madami talagang abs doon?"tanong ng ale. Tumango ako sa kanya.

"Super. Kaya panoorin niyo po pag may time."sabi ko at tinaas baba yung kilay ko.

"Ano nga yung hinahanap mo?"tanong ng ale.

"Ano po Red Ribbon po."sagot ko.

"Sa mall may branch doon ng Red Ribbon."sabi ni Ale. Turn ko naman na kulang nalang ay may tumubo na tatlong tuldok sa tuktok ng noo ko imbes na question mark.

"Napakaangas, ale."sabi ko. Insert sarcasm bes. Inabutan niya naman ako ng pulang laso.

"Eto oh. Limang piso lang."sabi niya. Umiling ako. Pa-joker ang ale natin.

"Red Ribbon po na design ng clip."sabi ko.

"Di mo agad sinabi. Teka hahanapan kita."sabi niya. Dalawa na kami ni Ale na naghahanap ng Red Ribbon na clip sa paninda niya.

Nakita ko na ang Red Ribbon na clip. Bigla ay may mga puso na tumubo sa paligid nito. Oh my golly wow. Hart hart.

Kukunin ko na sana ito nang may nauna sakin.

Biglang nawasak ang mga puso. Awwwttss.

"Magkano po ito?"tanong ng babae. Kung di ako nagkakamali siya yung babae kaninang umaga yung gf yata ni Gavin dahil tinawag niya siyang babe.

"Ah 15 pesos lang ineng."sabi ni Ale.

Kumuha ng pera sa wallet niya yung babae. Iaabot niya na ang bayad... Pero napigilan ko.

"Teka lang! Ale di ba nauna ako?! Dapat akin yang clip!"reklamo ko. Di ko hahayaang siraan niya goal ko na maging katulad man lang si Bok Joo.

"Huh? Nauna akong kunin 'tong clip."sabi ng babae.

This is not our storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon