Chapter 1: Kimi ni Todoke

33 2 0
                                    

Skylar Frias's POV

Nagpa-practice ako ng pagngiti dito sa harap ng salamin. Uwaaa. Ang ganda ng ngiti ko.

"Hoy Sky! Bumaba ka na rito!"sigaw ng kontrabida kong ate na si Claud mula sa baba.

"Oo na!"sigaw ko pabalik.

Ako nga pala si Skylar Frias, 16 years old, grade 10 student. Nag-aaral ako sa Madeira Academy. Tatlo kaming magkakapatid. Si Ate Claud, ang panganay, napakasungit niya kaya tinatawag ko siyang kontrabida. Mabait naman si Ate pero nasobrahan lang ng kasungitan. Si Kuya Dawn, ang pangalawa, siya yung typical na kuya na laging inaasar ang mga kapatid pero sweet at maalaga siya. Boyfriend material. Ako naman ang bunso. Hehe.

Hobby ko ang ilagay ang sarili ko sa mga dramas, anime, movies at mga libro na nabasa/napanood ko. Hehe. Kumbaga mahilig akong mag-feeling lead character sa mga yun. Minsan nga feeling ko nangyayari talaga sakin yung mga napanood/nabasa ko eh.

Kung tatanungin ang physical appearance ko, ang sabi sakin ni mama maganda raw ako. Sabi naman ni Ate Claud at Kuya Dawn panget raw ako. Pa-mean siblings yung dalawang iyon eh...pero caring naman.

Kaya naniniwala ako na di ako kagandahan at di rin ako kapangitan. In short, simple lang ako. Hehe. Simplicity is beauty sabi nga nila. Hart hart.

Ang goal ko sa araw-araw ay makahanap ng boyfriend na sasakyan ang trip ko sa buhay. Uwaaa!

"Kumain ka na rito."tawag sakin ni Claud pagkababa ko. Nasa lamesa na siya at si mama. Kumakain na yata.

Bilang masunuring bata, kumain na ako. Bawal tanggihan ang grasya sabi nga nila.

Nang matapos na akong kumain. Umalis na ako.

Malapit lang naman ang school sa bahay kaya nilalakad ko nalang.

On the lakad way to school, nakita ko ang isang ubod ng gwapo na guy na nakatayo lang sa may poste. Mukha siya yung mga typical na guy sa mga anime. Matangkad, matangos ang ilong, mapusyaw ang mga labi, defined ang cheekbones at malamlam ang mga mata. Mukhang almost perfect. Nakasuot siya ng uniform ng Madeira. Schoolmate ko pala siya

Ngayon ko lang siya nakita. Uwaaa! Baka transferee lang siya. Parang yung sa mga story sa anime at wattpad. Yung guy transferee. 

Dito na yata magsisimula ang mala-drama/anime/wattpad story ng buhay ko. Hart hart.

Maaari kaya na naligaw siya papunta sa school at naghihintay na may tumulong sa kanya at magbigay ng direksyon?

Ang swerte niya dahil nandito na ako. I am your savior future baby ko!

I grabbed the chance. Nilapitan ko siya.

"Diretso lang ang daan papuntang school. Nasa may right side iyon."sabi ko at pinakita ang praktisado kong ngiti. May mga nagsilaglagan na mga dahon ng mangga dahil walang cherry blossoms dito sa Pilipinas. Woah. Katulad yata ito ng scene sa Kimi ni Todoke. Yung tinulungan ni Sawako si Kazehaya ba yun?

May scene kasi sa anime na Kimi ni Todoke na tinulungan ni bidang girl (Sawako) yung bidang guy kasi naligaw ito on the lakad way to school. Tapos ngumiti si girl tapos may nagsilaglagan na mga cherry blossoms tapos sa sobrang ganda nung ngiti ni girl na inlab si guy. Hart hart.

May namumuo na mga puso sa paligid namin. Oh my golly wow. Feeling ko nasa anime na ako, feeling lang.

"Alam ko miss," masungit na sabi niya. Napakurap ako dahil doon.

Bigla ay nabasag ang mga puso at nabalik ako sa realidad.

"Eh? Hindi ba naliligaw ka?"tanong ko. Nawasak yata yung pangarap ko. Baby ko na sana siya. 

This is not our storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon