Chapter 6: Public vs. Private

6 1 0
                                    

Skylar Frias

On my lakad way to school, ansaya-saya kong naglalakad dahil nga makikita ko na naman ang napakagwapo na si Gavin. Hart hart.

Ansaya-saya ko na naglalakad eh pero may panira. May dumaan na bike. Kakaulan lang kaninang madaling-araw kaya...

Biglang may putik na tumalsik sakin. Putik na yan!

Teka lang. Wait.

Parang may nabasa na ako na ganito ah. Di ko lang maalala kung saan.

"Oi!"sigaw ko sa nagbibisikleta na dumaan sa putik kaya natalsikan ako. Bwisit bakit ba di pa tuyo yung daan? Ay, oo nga pala umulan pa kaninang madaling araw.

Mukha akong gusgusin my gosh! Batang yagit is real! Pasalamat yung lalaki na yun di ko nakita mukha niya!

My gosh! Uuwi na lang muna ako. Di ako papasok sa klase nung ma'am Catacut na yun. Lalo na at ganito ang itsura ko.

Pagkauwi ko ay agad na nagbihis ako ng bagong uniform ko. Binabad ko sa tubig na may sabon yung uniform ko na naputikan. Lagot ako kay mama pag nakita niya 'to.

"Oh, bakit nandito ka pa?"tanong sakin ni kuya Dawn na mukhang kagigising lang. Kagulat-gulat naman si Kuya pero buti nalang di si mama.

"Nagbihis ulit ako. Natalsikan kasi ako ng putik eh."sabi ko. Nakita niya naman yung balde ng tubig with sabon at yung uniform na naka-babad. Tumango lang si kuya.

"Ah tara, hatid na kita."sabi ni kuya Dawn. Bait naman ng kuya ko pero tatanggi ako kasi nga ayaw kong pasukan yung klase nung ma'am Catacut na yun.

Naalala ko madami-dami na rin ang na-miss ko sa klase niya baka bumagsak na ako kapag nagpatuloy ako sa pagliban sa klase ni ma'am Catacut.

Pumayag ako na ihatid ni Kuya Dawn.

Hinatid ako ni Kuya Dawn gamit ang motor niya. Motor na regalo pa sa kanya ni Papa noon. Nakaramdam ako ng lungkot. Naaalala ko na naman si Papa at yung Rose na yun na sumira sa pamilya namin. Sinira din nila ang birthday ko. Naiiyak si ako.

Di ko namalayan nandito na pala kami sa  tapat ng school buti tinapik ako ni kuya Dawn. Bumaba na ako at inabot sa kanya ang helmet na suot ko kanina.

"Salamat, kuya."sabi ko at bumeso sa kanya. Ganito kami sa pamilya namin eh nagbebeso-beso kapag magpapaalam mga ganun. Hehe.

"Ge, ingat ka. Mag-aral ka ng mabuti."sabi ni kuya Dawn at pinaharurot na paalis ang motor niya.

On my lakad way to classroom, may nakita akong bike na nasa corridor lang ng classroom. Pamilyar sakin yung bike. Ah! Iyon yung  bike na nakatalsik ng putik sakin!... Pero pedeng magkatukad lang yung bike na yan at yung bike na nakatalsik ng putik sakin. May putik sa gulong! Ibig sabihin, posible na kaklase ko ang kung sino man yung nagtalsik ng putik sakin... Pero pede namang hindi at coincidence lang. Hmmm.

Wala akong kaklase na nagba-bike ah! Pero baka kakabili lang ng bike.

Pagkaupo ko sa upuan ko, napansin ko na nakakumpol ang mga kaklase ko sa may unahan. Mukhang may pinagkakaguluhan. Parang tulad lang sa Wattpad ah na pinagkakaguluhan yung mga gwapong guys. Hehe. Pero baka babae yung pinagkakaguluhan nila.

Naglakas-loob akong kalabitin ang nasa harapan ko na nerd. Si Rico.

Lumingon naman ito.

"Uhm, Rico, anong yung pinagkakaguluhan nila?"tanong ko.

"Ah yung transferee."sagot nito. Ohmegesh​! Tulad nga nung mga nababasa ko sa Wattpad! Oh my golly wow. Hart hart. Gusto ko rin makigulo kaso may dumating na kontrabida.

This is not our storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon