Chapter 13: Alice in Wonderland

13 2 1
                                    

Skylar Frias

Homeroom time namin ngayon. Lahat ng babae ay nagsusukatan ng measurements ng katawan dahil gagawa kami ng maid costume para sa booth fair sa Friday.

"Grabe naman pala ang measurements ng girl na ito."sabi ni Cathy, ang kumuha ng measurements ko at kaklase ko. Sinulat na niya sa papel ang sukat ko. Sinilip ko iyon at nanlaki ang mata ko. Grabe bes. 26, 24, 27. Sexy ko. Huhu. Pede na akong mag model bes.

"Idol mo na ba ako?"tanong ko sa kanya. Yung mukha ni Cathy kulang nalang mag diretsong linya yung mata niya. Kamukha niya na 'tong emoji na 'to ->😑. Ohmegesh.

Naupo na ako sa upuan ko bago pa man ako masapak ni Cathy. Hehe.

Inilabas ko ang phone ko at naglaro ng Zombie Tsunami. Homeroom naman namin kaya pedeng gumamit ng phone.

Naka-23 zombies na ako nang may kumalabit sa akin. Dineadma ko na muna dahil nalaglag yung iba kong zombies at gusto ko silang padamihin pa.

"Oi."tawag nung kumalabit. Deadma muna ako sayo bes kung sino ka man. Busy si ako.

Isa nalang ang zombie ko at bumibilis na yung laro. Oh my golly wow. Fighting!

"Oi."tawag niya at inalog ako.

"Shit namen!"singhal ko at nilingon kung sinong hangal man ang nanggulo sa akin.

"Ano bang kailangan mo Jonson?!"singhal ko.

"Chill."sabi niya. Inirapan ko siya.

"Wow. For the first time inirapan mo ko. May dalaw ka ba ngayon?"

"Oi, wala ah. Tsaka weh? First time ko lang irapan ka? Don't worry Jonson may next time pa yan."sabi ko at tumawa. Nakitawa rin siya.

"Anong kailangan mo at ginulo mo ako?"tanong ko na nakangiti na.

"Samahan mo ako bumili nung mga tela na kailangan sa Bayan."sabi niya na nakangiti rin.

"Ngayon na? May klase pa ah."

"Hay. Zombie Tsunami pa more. Kaka-announce lang kanina via speakers na wala munang lessons hanggang Thursday para mapaghandaan ng maayos ang booth fair sa Friday."

"Ah ganun ba. Sorry na."sabi ko. Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko at tumayo na. "Tayo na."

"Oo, tayo na."sabi ni Jonson na mas lalo yatang lumawak ang pagkakangiti.

***

Nandito na kami ngayon ni Jonson sa Bayan na isang sakay lang mula sa school. Nagtanong-tanong si Jonson sa mga tao kung saan ang lugar na nagbebenta ng mga tela.

"Tara, Skylar, sa palengke raw may parte dun na puro shops daw ng tela at damit."sabi ni Jonson. Naglakad na kami sa palengke na di naman kalayuan. Madali lang naman na makita yung mga shops ng tela. Kaya di kami nahirapan. Hart hart.

Oh my golly wow. Ang gaganda ng mga gowns na naka-display. As in super. Hart hart. Napatakbo ako papasok sa shop. Patakbo rin na sumunod sakin si Jonson.

"Ate, pede pong sukatin yung mga gown?"tanong ko sa nag-iisang babae sa loob.

Nginitian niya ako. Uwaaa! Mukhang mabait. Hart hart.

"Siyempre pede mong sukatin."may nagsabi. Galing iyon sa may likuran ko. Napalingon ako at nanlaki ang mata ko. Shop niya yata 'to. Tsk. Kung minamalas ka nga naman.

"Ikaw ba may-ari ng shop na 'to?"tanong ko sa kanya. Nakangiti na tumango siya sa akin.

"Go lang Sky. Sukat ka lang tas bigay ko pa sayo kung gusto mo."sabi niya.

"Tss. FC much ka."sabi ko at inirapan siya.

"Hay. Galit ka pa rin sakin."

"Siyempre mang-aagaw ka eh."sabi ko at inirapan siya. Naglakad na ako palabas ng shop niya. Sumunod sakin si Jonson.

"Oi, Skylar, kilala mo pala yung may-ari? Bakit umalis pa tayo?"

Tinignan ko ang signage ng shop sa tuktok. Tsk. Rose's dress shop. Umirap ako at naglakad na palayo.

"Marami pang shops dito Jonson."sabi ko at pumunta sa katabi na shop.

***

Nakabili na kami ng mga tela na kulay white at blue na kailangan para sa maid cafe namin. Napasobra pa yung mga tela dahil tita pala ni Jonson ang may-ari. Binigyan kami ng malaking discount. Hart hart. Perks of having a tita na may-ari ng tela shop. Hehe.

Nandito na kami ni Jonson sa abangan ng jeep. Babalik na kami sa school.

Binababa tapos kukunin ko rin ang mga plastic na mamalaki na dala ko. Sobrang bigat kasi mga bes. Huhu. Iyak na si ako.

"Ako nalang magbibitbit nung isa."sabi ni Jonson at kinukuha iyong malaking supot sakin. Iaabot ko na sana kaso nakita ko na mas malalaki ang plastic na dala niya at mas mabigat.

"Ako na keribels ko 'to. Tsaka mas malalaki yung sayo oh. Mahihirapan ka pa."sabi ko habang nakangiti.

"Okay lang na ako ang mahirapan kaysa ikaw."sabi ni Jonson habang nakangiti.

"Ang gentleman mo naman."sabi ko at nginitian na naman siya.

Jonson Chowder

Ang ganda talaga ng ngiti ni Skylar. Lalo tuloy akong nagkakagusto sa kanya dahil lagi niya akong nginingitian. Hays.

May dumaan na jeep na dadaan sa school kaya agad kaming sumakay. Siksikan sa jeep kaya magkadikit ang mga braso namin ni Skylar. Lunok. Hindi ko mapigilan na matuwa dahil nga ang lapit naming dalawa. Pinipigilan ko ang sarili ko na wag mapangiti. Sana makayanan ko.

"Oi, Jonson, libre mo ko pamasahe ah."sabi ni Skylar at siniko pa ako ng mahina.

Di ko na talaga mapigilan ang mapangiti kaya ngumiti na ako at sinabi na "Oo naman."

Nang lumuwag na ng konti ang jeep ay kumuha na ako sa bulsa ko ng barya tapos ay nagbayad na.

Inabot ni Skylar yung bayad namin kaya nagdikit ang mga kamay namin ng ilang segundo. Uwaaa! Grabe nababakla na yata ako sa kilig.

Ayoko na yata tumigil 'tong byahe ng jeep. Hays... pero di naman pede iyon.

Nang babaan na namin ay pumara na kami at bumaba ng jeep. Nauna sakin maglakad si Skylar papunta sa classroom.

Nakatingin lang ako sa likuran niya habang naglalakad.

Naalala ko bigla ang nakita kong quote sa fb, "You are not Alice and this is not Wonderland, don't chase the rabbit."

Ang ibig sabihin noon ay hindi raw dapat tayo maghabol sa mga kuneho dahil hindi tayo si Alice at wala tayo sa Wonderland kaya di natin dapat habulin ang kuneho.

Base yan sa pagkakaintindi ko. Hehe.

May isang kulay puti na kung ano ang dumaan sa pagitan ng paa ko. Napatingin ako doon at nakakita ng- teka tama ba 'tong nakikita ko?

"Kuneho?"

This is not our storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon