Chapter 12: The Most Painful Battle

6 2 0
                                    

Skylar Frias

Uwian na. Pagkalabas ko ng classroom, walang Gavin na nakabusangot ang nag-aabang sakin. Unang beses palang itong mangyari.

Naiiyak ako paano kung nagkabalikan na sila ni Elise at bukas makalawa ay makipaghiwalay na siya sakin.

Paano na ako?

"Bakit ang lungkot mo Skylar?"biglang may nagsalita. Siya na siguro iyon. Akala ko lang pala na siya na yun pero iba pala.

"Jonson, ikaw pala."sabi ko. Hindi ko na magawang ngumiti ngayon sa sobrang lungkot ko.

"Para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Haha."sabi ni Jonson. Di ko alam kung joke ba yun o hindi. Masyado akong malungkot para ngumiti man lang tulad ng ginagawa ko.

"Sige, una na ako. Bye."sabi ko kay Jonson. Nakayuko lang ako na naglakad na palabas ng school.

Unti-unting nawala ang mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko mag-isa nalang ako. Pakiramdam ko bumalik ako sa panahon noon.

Yung panahon na iniwan kami ni papa para maging masaya sa piling ni Rose. Yung panahon na sobrang na-depress si mama dahil sa pang-iiwan ni papa. Yung panahon na napabayaan na niya kami nila Ate Claud at Kuya Dawn. Yung panahon na wala nang taong nagpapasaya sakin.

I feel so alone.

Yumuko ako at napatigil sa paglalakad. Ayokong bumalik sa panahon na iyon. Ayoko. Ayoko. Ayoko.

"Bakit nauna kang umalis?"may nagtanong. Yung boses na yun. Siya na siguro iyon. Sana siya na yun. Unti-unti ay inangat ko ang tingin ko. Akala ko siya na. Ibang tao na naman pala.

"Ah, Iñigo pede bang mauna na akong umuwi?"paalam ko sa Class President namin.

Hinalukipkip ni Iñigo ang kanyang mga kamay.

"Ang unfair naman sa iba. Cleaner ka ngayon kaya bumalik ka na sa classroom at tumulong sa paglilinis."sabi ni Iñigo. Ano ba yan eh! Gusto kong mag-drama today sa kwarto ko kasi sobrang lungkot ko tapos di pa pede! Argh!

"Balik doon."sabi ni Iñigo at sinenyasan pa ako na shoo. Hmp.

Bumalik ako sa classroom dahil nga nahuli ako ni pabebe pres. Pagkabalik ko ay nag-aayos na sila ng upuan. Hay. Wala naman na yata akong maitutulong eh. Sayang effort kong bumalik pa rito.

Paalis na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko. Oh please lang sana naman siya na yan. Paglingon ko. Di ko mapigilan ang pagngiti. Ansaya-saya ko at siya na iyan.

"Gavin."sabi ko habang ngumiti. May naramdaman akong tumulo sa pisngi ko.

"Skylar, bakit ka umiiyak?"tanong niya.

"Tears of joy lang 'to."sabi ko at pinunasan na ang mga luha ko.

"Tsk. Nababaliw ka na."sabi niya. Napangiti ako.

Oo nga nababaliw na ako. Nababaliw sayo.

Nagsimula na kaming maglakad na magkatabi. Gusto kong hawakan yung kamay niya tulad ng mga nakikita sa mga couples. Hay. Kung pede nga lang sana kaso hindi.

Napahaba yata ang daan pauwi nang bahay o sadyang mabagal lang talaga kami maglakad?

Biglang napatigil sa paglalakad si Gavin. Napatigil din ako.

"Hintayin mo ko dito."sabi niya at tumakbo.

Saan kaya siya pupunta? Babalikan niya pa ba ako?

Bigla kong naaalala noon. Noong 7 years old ako, madalas kaming mag-mall ni papa kapag malungkot ako. Noong minsang mag-mall kami. Nagpaalam si papa sakin na may pupuntahan lang siya saglit. Sinabihan niya ako na hintayin ko siya doon sa bench. Babalikan niya ako. Nag-hintay ako ng napakatagal. Naiiyak na nga ako noon dahil nawawalan na ako ng pag-asa na balikan ako ni papa. May tumapik sa balikat ko at pag-angat ko ng tingin nakita ko si mama. Napaiyak ako noon dahil di ako binalikan ni papa. Nasaktan pa ako nang pauwi na kami ni mama ay nakita namin siya kasama si Rose sa isang shop.

This is not our storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon