Chapter 7: W

8 2 1
                                    

Gavin Lorenzo

Nahatid ko na pauwi iyong baliw na babae.

Naglalakad na ako papunta sa isang mini restaurant na malapit lang dito.

Pagpasok ko ay nakita ko agad siya. Napangiti ako.

Nakita niya na rin ako kaya kinawayan niya ako. Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap niya.

"I miss you, Gavin."sabi niya sakin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon.

"I miss you too, Elise."sabi ko.

"Kailan mo ba pedeng hiwalayan yung baliw na yun?"tanong ni Elise.

"Soon. Maghintay ka lang babe."

"Tara, kain na tayo."

***
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ni Elise sabay kaming papasok sa school.

Napag-usapan na kasi namin ang tungkol sa magiging sitwasyon namin ngayon. Magiging palihim ang relasyon namin dahil nga kay you know who. Buti nga ay pumayag si Elise sa ganitong set-up

"Tara na."sabi ni Elise pagkalabas niya nang bahay.

HHWW kami on the way to school. Simple lang pero ang saya-saya ko na. Mahal na mahal ko talaga si Elise.

Nang recess na, bumili agad ako ng food para sakin at kay Elise. Binigyan ako ni Elise ng susi sa locker niya para doon ko inilagay ang food na binibili ko para sa kanya.

Pagkatapos ay bumalik na ako sa cafeteria. Naupo ako sa usual table ko at hinintay yung babae na yun.

Ano nga ulit pangalan nun?

Ewan ko ba pero di ko maalala kahit nasabi niya na sa akin ito. Alam ko lang Frias ang apelyido nito.

Ilang minuto na akong naghihintay. Ang tagal niya. Bwisit. Malapit na matapos yung recess.

Naisipan ko i-check yung phone ko. Tinignan ko ang contacts ko. Naabot ko na ang dulo. Wala nga pala akong number niya. Di ko alam kung magre-recess pa siya o hindi. Tss.

Baka di na yun magre-recess. Ang tagal eh. Pabalik na sana ako sa classroom nang may makita akong pamilyar na lalaki.

Siya yung kasama niya kahapon ah. Mukhang may hinahanap yung lalaki.

Nang makita ako ng lalaki ay agad na lumapit ito sakin.

"Ikaw, yung boyfriend ni Skylar di ba?"tanong nito. Skylar? Yung Frias yata yun.

"Tulungan mo siya. Naglalakad kasi ako papunta sa may parking para sa ano tas biglang narinig ko si Skylar na sumigaw tapos ano nanghihingi ng tulong. Sinubukan kong buksan yung ano pero di ko kaya. Kaya ano please lang tulungan mo siya baka na--"

"Ano?! Wala akong naintindihan! Sabihin mo nalang kung nasaan siya!"inis na sigaw ko sa kanya. Puro ano ampotek!

"Nandun siya sa may bodega ng school!"pagkasabi niya ay agad na patakbo akong nagtungo ako roon.

Pagkarating ko sa bodega ng school ay agad pinilit na binuksan ko ang pinto pero naka-lock iyon.

Hinampas-hampas ko ang pinto.

"Oi, nandyan ka ba?!"sigaw ko. Tss. Tanga ko rin eh di ko muna tinanong kung may tao baka kasi niloloko lang ako nung lalake.

Wala akong narinig na sumagot. Inilapit ko ang tenga ko sa pinto at doon ay may narinig ako.

Isang iyak niya habang may sinasabi na di ko maintindihan.

Skylar Frias

"Oi, nandyan ka ba?!"

This is not our storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon