Chapter 16: Dog x Scissors

7 1 1
                                    

Skylar Frias

Sabado ngayon. Hindi ko dama na umalis sa kwarto ko. Ayoko na nga yata mapalayo sa kama ko. Nainlab na ako sa kama ko. Dejk lng. Siyempre.

"Oi, Sky, kakain na ng almusal!"sigaw ni Ate Claud mula sa labas ng pinto ng kwarto ko. "Hindi ka na nga kumain ng hapunan di ka pa ba kakain ng almusal?! Aba! Ginagalingan mo ah!"

"Oo na eto na nga eh! Nanalo na ako! Eto na nga!"sigaw ko pabalik at tumayo na. Pagkalabas ko ng kwarto ko ay binatukan ako ni Ate Claud.

"Ano naman yung dama mo ngayon?"tanong niya sa akin.

"Wala."

"Wala ka diyan. Ano nga?"

"Basta. Ano ba yan Ate Claud! Kailan ka pa naging mapang usisa?"

"Ngayon lang. Ikaw kailan ka pa naging matino?"

"Grabe ka! Namen!"sabi ko at tinulak ang harang na si Ate Claud ng mahina. Tumakbo na ako papunta sa hapag kainan dahil kapag hindi ay malamang mag ala san goku si Ate Claud at atakihin ako gamit ang hame hame wave.

Pagkaupo ko sa hapag kainan ay naalala na hindi ko pa napapakain si Alice the Rabbit. Kumuha ako ng hay mula sa tupperware na kasama sa pinagbilhan ko at bumalik sa kwarto ko. Buti nalang wala na si Ate Claud. Sumakay na siguro sa cloud na sinasakyan ni Goku. Hart hart.

Nilagay ko ang hay sa pagkainan ni Alice at ini check kung may tubig pa ba siya. Okay. Meron pa.

Balik ako agad sa hapag kainan at kumain na ng hotdog and eggs na ulam namin.

"Takaw ah."may nagsalita. Nilingon ko iyon habang may subo na hotdog. Nanlaki ang mata ko at napanganga. Nalaglag tuloy yung hotdog na nakagat ko. Namen!

"Anong ginagawa mo dito?!"sigaw ko at umayos ng upo. Mayghad. Kahiya! Namen! Nakataas pa kasi ang paa ko kanina sa upuan.

"Sa tita ko muna ako this weekend. Naisipan kong bwisitahin ang kababata ko."sabi ni Lark at ginulo ang buhok ko.

"Grabe ah! Ngayon mo lang naisipan na bumwisita! After 2 years!"sabi ko sa kanya at nag pout. Pinitik niya naman ang nguso ko. Napahawak ako sa nguso ko dahil masakit yung pagkapitik niya.

"Siyempre. Ganun talaga. Tsaka malayo-layo rin dito yung pinaglipatan namin ng bahay kaya di ako nakakabwisita."

"Lipat pa more! Lumipat na naman ba kayo kaya nandiyan ka sa tita mo?"

"Oo nandyan na kami nakatira sa subdivision diyan."

"Ay namen! Umaasenso!"

"Siyempre. Ganun talaga."sabi ni Lark at ginulo ang buhok ko na naman. "Namiss kita panget na Sky."

"Tigilan mo nga buhok ko mas panget na Lark!"sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Pakilala ko ng mas mabuti ang bwisita/kababata ko. Siya si Lark Laguna. Hindi niya pagmamay-ari ang Laguna ah. Apelyido niya lang Laguna. Dati ay kapitbahay namin iyang sila Lark pero dahil sa family business yata kaya lumipat sila ng bahay 2 years ago. Nakakachat ko naman siya sa FB kaya medyo updated ako sa kababata ko. Naging palipat lipat daw sila eh. Wawa naman.

Super close kami ni Lark kasi lagi kaming magkalaro noon. Siya rin ang lagi kong nasasabihan ng mga kadramahan, kalokohan, atbp.

"Nga pala, musta na kayo nung boyfriend mo?"tanong ni Lark. Tumigil ako sa pagkain dahil nawalan ako bigla ng gana.

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Hay. May tumubo yatang mga broken hearts sa paligid ko. Huhu.

"Wala. Wag na nating pag-usapan."sabi ko at kumagat sa nakatusok na hotdog sa tinidor ko.

This is not our storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon