Chapter 3: Wolf Girl and Black Prince

14 2 0
                                    

Skylar Frias

Naglalakad ako papunta ngayon sa school. Hay. Naiinggit ako sa mga kasabay ko na couple. Walang forever! Magbi-break din kayo sa 23! Wala akong paki kong sounds bitter ako!

Nakakainis gusto ko na magka-boyfriend at yung love story dapat namin mala-fairy tale o wattpad. Napadaan ako sa may poste. May taong sumagi sa isip ko. Naalala ko si Gavin.

Bakit kaya di na siya dito naghihintay? Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Nanlaki ang mata ko.

Nakita ko si Gavin na naghihintay ulit sa kasunod na poste. Namen! Wrong poste pala yung kanina. My gosh!

Ang gwapo niya na nakatayo lang sa poste. Mukha siyang model ng mga sikat na clothing brands. Gusto kong maging akin nalang siya. Hart hart. Lande.

Biglang sumagi sa isip ko ang anime na napanood ko noon na 'The Wolf Girl and The Black Prince.' Yung kwento kasi doon ay nagsimula nang magsinungaling si bidang girl na may boyfriend siya kahit wala tapos nakita niya lang lakad way home niya si bidang boy tas pinicturan niya tas ayun sinabi niya boyfriend niya raw iyon and the story goes on.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. May good plan na naisip ako tiyak magkaka-boyfriend na ako nito. Hehe. Salamat sa Wolf Girl and Black Prince anime na napanood ko. Hart hart.

Pinindot ko ang camera at kinunan siya ng picture.

May liwanag na lumitaw at nawala rin.

"Hoy bakit mo ko pinicturan?!"inis na sabi ni Gavin.

Oh shit! Di ko natanggal yung flash.

"Di ah! Yung poste yung pinicturan ko wag ka!"deny ko sabay takbo papunta sa school.

Oh my golly wow. Caught in act si ako!

Pagdating ko sa classroom. Hingal na hingal ako. Dali-dali akong naupo at tinignan ang picture na kuha ko kay Gavin.

Mission success!

Oh my golly wow! Ang gwapo niya. Naka-fierce siya na nakatayo sa tabi ng poste. Para talaga siyang model dito sa picture na kuha ko. Tapos mukhang naging super HD yung camera ko dahil sa kanya.

"Ang gwapo ng soon-to-be-boyfriend ko."sabi ko sa sarili ko. Uwaaa! Matutupad na ang mala-wattpad na story na pangarap ko.

Dumating na si Ma'am Catacut. Kaya tinago ko na ang phone ko. Baka kunin pa niya eh.

"Ilabas niyong lahat yung homework niyo. Yung mga wala. Alam niyo na! Get out!"sabi ni ma'am Catacut. High blood na naman.

Lahat ay nagsilabasan ng kani-kanilang homework. Pinalabas ako kahapon kaya wala akong homework. Wala man lang nag-inform sakin. Wawa naman si ako.

Agad na tumayo ako at lumabas ng classroom. Di naman ako interesado sa klase niya eh at ayoko sa Math.

Nagpunta ako sa cafeteria. Bumili ako ng sandwich at moo tulad lang nung kahapon. Naupo ako sa pinakadulo na upuan dito.

Doon ay nakita ko ang isa sa magandang nilalang na nakita  ko. Si Gavin mag-isa lang na nakaupo sa may gilid na table. Napangiti ako at pumunta sa kanya. Umupo ako sa katapat niya na upuan.

Tinignan niya ako ng masama.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong niya.

Sumagi sa isip ko yung pangarap ko na magkaroon ng ala-fairy tale/wattpad love story.

"Nandito ako para gawin kang boyfriend ko."sabi ko at ngumiti ng todo. Kumunot ang noo niya.

"Huh? May girlfriend na ako."inis na sabi niya.

This is not our storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon