Chap. 6: Monster Kill

595 64 19
                                    


< HP: 35/47, MP: 28/28 >

Pasugod na sana si Iris sa direction ng boss ng bigla siyang napatigil ng nakita niya ang flying whip ng boss monster, dali-dali siyang umiwas at hinigpitan ang hawak niya sa kanyang dagger. Hindi pa niya naayos ang kanyang posisyon ng nakita nanaman niyang gumamit ng whip attack ang boss monster. At ayun po, kumukulo na ang dugo ni Iris.

< Iris has learned Anger! >

Hindi na muna pinansin ni Iris ang system notice dahil sa sunod-sunod na whip attack ng queen blob. 'Shet naman, walang mangyayari pag-iiwas lang ako.' May naisip na plano si Iris pero nakataya din dito ang HP points niya.

Pagkatapos mag-whip ng queen blob, tumakbo siya ng direkta sa pwesto neto, ng makita niyang itinaas ng queen blob ang kanyang whip membrane, nag side step si Iris at umiwas sa whip attack nito. Saktong pagkatama ng whip sa lupa ay agad naman itong tinapakan ni Iris para hindi na ito ma-itaas ng queen blob.

< Iris has learned Stomp! >

Hindi pa rin pinansin ni Iris ang system at pinagpatuloy ang kanyang game plan. Hawak-hawak ang dagger sa kanyang dominant right hand, kumuha siya ng bwelo at itinaas ang dagger, sabay attack sa pinaka-ulo ng blob. Nakita ni Iris ang isang Critical status ng marinig niya ang sunod sunod na system notice.

< Iris has learned Fierce Strike! >

< The enemy Queen blob had taken 54 damage! >

< The enemy Queen blob is suffering from bleeding effect! >

Nagulat si Iris sa 54 damage na nagawa niya sa blob pero wala siyang moment na magsaya dito dahil meron pang 46 HP ang boss monster, still alive and kicking. Inangat niya ulit ang kanyang weapon at paulit ulit na inatake ang ulo ng Queen blob.

< The enemy Queen Blob is suffering from a 2-layered bleeding effect! >

< Iris Bleed effect has achieved Level 3! >

Ang 6 damage per 5 seconds kanina ay naging 12 damage na, dahil sa stacked bleed effect na ginawa ni Iris. Nakita ni Iris na para bang kakagatin siya ng Queen Blob at mabilis na iniwasan ang bite attack nito. Tapak tapak pa rin ang whip membrane ng boss, ini-angat ni Iris ang kanyang paa at sinipa ng malakas ang Queen Blob, dahil sa magaan lang ito, tumilapon ito palayo.

< Iris has learned Kick! >

< The enemy Queen blob had taken 12 damage! >

Ang 100 HP blob kanina ay 31 nalang ngayon at every 5 seconds na nakakalipas ay nababawasan ito ng 12 life points. Pagkatapos na sipain ito ni Iris ay naglabas ito ng high-pitched squeal at tumalon talon papunta kay Iris.

"Surrender oy!" Dahil nagsuffer ito from many damage, halos hindi na ito makapunta kay Iris. 'Heh, sino na ngayon ang boss.' Kahit na virtual world lang itong Fate Online, nakakaramdam pa rin si Iris ng pain from attacks kahit mababa lang ang mga pain setting nito which is 20%. Kung sa kagat ng langgam, irita na si Iris, sa kagat pa kaya ng queen blob. After 16 seconds, nakarinig na si Iris ng ding! sound from the system notice.

< Iris had defeated the Queen Blob! >

< Iris has gained 100 experience >

Fate Online: Dreams of Tomorrow [World building in progress..]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon